Chapter 1- Ultimate Dream Shattered

3K 84 59
                                    

"Okay class, you may go," sabi ni Mr. Diaz na naka-cross ang kamay sa dibdib.

Biglang nagkaroon ng ingay galing sa mga bagay na nasa aming kanya-kanyang lamesa.

Nagmamadali kong niligpit ang sketchpad, compass, protractor, technical pen at kung anu-ano pang bagay para sa drafting and drawing subject, ayaw na ayaw ko ang parteng ito, 'yong bibitbitin mo lahat ng gamit araw-araw. Wala naman akong magawa kasi kailangan at ito ang gusto kong kurso.

Fine Arts ang gusto ng mga magulang ko para sa akin but I insisted Architecture, kasi eto talaga ang gusto ko. Wala silang choice kung 'di ang suportahan na lang ako, which they have been doing eversince kaya naman grateful ako sa kanila.

I'm in second year college. Five months na pala ako sa Eastwood University. Sa ilang buwan ko dito ay tanging si Anika lang ang close ko, simula pa naman noon ay magbestfriend na kami. Anika is taking up Journalism. Hindi ko nga alam kung paano kami naging mag-bestfriend dahil marami kaming pagkakaiba sa ugali, we're almost the opposite, but we have one thing in common 'kaya naming ipagtanggol ang isa't isa.' Siyempre gusto ko namang magkaroon pa ng mga ibang kaibigan, 'yong kaibigan na loyal at kaya ka ring ipagtanggol nakaharap o nakatalikod ka man.

Kinuha ko ang phone ko sa table and texted her na magkita na lang kami sa parking area sa paborito kong sasakyan, ang Red Cadillac Sports Wagon na bigay ng parents ko when I reached 18. Yes, 18 na ako, pero hindi ako spoiled brat at pala barkada, I could say na proud din ang mga parents ko sa akin kasi disiplinado akong anak.  When they gave me the car as a gift ay hindi ko talaga inaasahan, at first ayaw ko pang gamitin but I have to para hindi rin ako mahirapan sa pag-commute o magpahatid sa driver at para matuto na rin ako on my own.

Inilagay ko ang lahat ng gamit sa back pack. Kailangan kong magmadali dahil malamang naghihintay na ang mom sa mall. Mahilig magshopping si mom, bagama't hindi ako mahilig nito parang obligado akong samahan siya. Kailangan nasa mall na ako ng four o'clock ng hapon, 3:30 PM na, baka traffic pa, sigurado akong magagalit na naman siya kapag nalate ako. Ang haba kasi ng oras na nakakain ng subject.

Nang masiguro kong maayos na lahat ng gamit ko,"Bye partner!" bahagya kong sigaw kay Jared, my drawing partner. Hindi na ako tumingin sa kanya. Hindi ko na rin narinig kung may sinabi pa siya, nagmadali akong lumabas.

Tumakbo ako pababa sa hagdan, when I reached the ground floor, parang mauubusan ako ng hangin sa sobrang pagod. Nagkataon na galing pa ako sa 5th flood. Mahal nga tuition dito pero hindi high tech.  O sadyang nasanay lang ako sa iniwanan kong university.

Humihingal pa rin ako papuntang parking. Ang dami-dami na namang estudyanteng nakatambay sa may Gazebo, malamang eto 'yong mga estudyanteng "come what may" , mga mahilig magsabing 'bahala na' at walang paki-alam sa mundo. Kung may ibang choice lang ako hindi ako dadaan dito.

I actually hate crowd. Sa tuwing dadaan na lang ako sa gazebo ay panay ang tingin sa akin ng mga nakatambay, mapa-lalaki man o mapa-babae. Buti na lang wala 'yong isang grupo na palaging nakatambay dito na sa tuwing dumadaan ako ay nagbubulungan sila. Ewan ko ba kung anong meron sa akin bakit ganun na lang sila kung makatingin?

Malaking pagkakaiba from my previous school in Central Canada. Maliban sa high tech ang mga gamit, ay ibang iba ang ambience. Nag-aral kasi ako ng ilang buwan sa Canada, but I decided to go back here dahil sobrang lungkot ang mag-isa, palagi akong naho-homesick. Well, ganito pala talaga ang college life dito, totoo nga ang lahat ng sinabi ni Anika.

Patuloy lang akong naglakad, wala naman akong balak tumingin sa kanila, sino ba sila para tigilan ko? They don't know me, I don't know them neither. At lalong walang dahilan para pansinin ko sila.

Narinig ko ang isang grupo na nagtatawanan na nasa likuran ng poste ng gazebo, napatingin ako. Shit! Akala ko wala sila dito, nandito pala ang mga bwisit na 'to. Akala ko naman na-rapture na sila, nagkamali ako.

Unwanted First Kiss (Completed-Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon