HAILEY'S POV
Ngayon lang ako na-excite na mag-out of town knowing kasama si Xandre.
I checked my phone kung may text galing sa kanya, hindi nga ako nagkamali. I read his message.
*I'm on my way.* He texted.
*See you, take care.* I replied.
Nagmadali kong inilagay sa isang travelling bag ang mga damit ko, two days and one night kami sa isang resort. Five hours drive ang Puerto Del Sol ng Boracay of the North. Siguro nga very close si mom sa ikakasal dahil sa layo ba naman ng biyahe. Bitbit ang travelling bag ay bumaba ako from attic, I'm wearing white above knee shorts and flowery yellow sleeveless, sigurado akong napakainit ngayon sa pupuntahan namin. I checked my watch, it's four in the morning, kulang ako ng tulog pero dahil sa excitement ko, hindi ko nararamdaman ang antok.
"Dala mo na ba lahat ng kailangan mo, Darling?" tanong ni mom habang sinusuklay niya si Abby. Napakabuti lang talaga ni mom, sa mga nakaraang araw parang anak na ang turing niya kay Abby.
"Of course, mom," walang emosyon kong sabi habang inilalapag ko sa mesa ang bag.
"Nagtext na ba si Anika?"
"Yes mom, she's ready."
Lumapit ako nang mapansin kong nahihirapan siya sa paglagay ng ponytail sa buhok ni Abby.
"Let me do that," sabi ko sabay hawak sa buhok ni Abby. Halos walang pinagkaiba ang buhok namin, may pagkablonde, straight and soft. Napansin ko lang na palagi niya itong tinatali. Napalingon ako sa gawi ng hagdan, nakangiting pinapanood kami ni dad. Bumaba siya nang makita niya akong nakatingin sa kanya, lumapit siya sa akin at hinalikan niya ako sa noo. Hindi ako umimik. Konting panahon na lang matatanggap ko rin ang lahat.
"Let's go," sabi ni dad, saktong tumunog ang doorbell namin.
Nagmadali akong tumungo sa gate, I'm expecting Xandre. Madilim pa sa labas, tanging ang ilaw lang sa poste ang nagbibigay ng liwanag sa harapan ng bahay. Sinilip ko muna sa maliit na butas kung sino ang nasa labas, agad kong binuksan ito.
"Good morning, babe." Nakangiting bati ni Xandre.
Oh no! Did he call me babe? Hindi agad ako nakasagot hindi pa gaanong rumehistro ang sinabi niya sa akin. Natauhan na lang ako nang biglaan niya akong hinalikan sa lips.
"Tulog ka pa yata," nanunuksong sabi niya. Humawak ako sa braso niya.
"Good morning," bulong ko sa kanya at ipinatong ko ang ulo ko sa balikat niya. Inalis ko ito nang marinig kong may nagsalita sa loob. Pumasok kami ni Xandre sa loob subalit isa-isa nang nagsisilabasan sina mom.
"Hijo, nice to see you again," bati ni mom. Ngumiti si Xandre, nakita ko ring kumaway si dad sa kanya, at ganun din siya. Lumapit si Abby sa kanya.
"Are you coming with us?" nagtatakang tanong ni Abby. Tumango si Xandre na ikinatuwa ni Abby dahilan nang pagpalakpak niya.
Kinuha ko ang bag kay Manang Azon, kinuha naman agad ito ni Xandre sa kamay ko.
"Mom, dad pwede bang kina ate na lang ako sumakay?" Parang batang nakikiusap si Abby. Nagtinginan naman sina mom and dad.
"Okay," nakangiting sabi ni mom.
Sa sasakyan ni Xandre kami sumakay ni Abby, susunduin na lang namin si Anika sa bahay nila. Sina dad and mom naman ay may kasamang driver.
Nagulat si Anika nang makita niyang kasama namin si Xandre, hindi ko kasi sinabi sa kanya.
Ilang oras nang tulog sa biyahe sina Abby at Anika na nasa back seat.
BINABASA MO ANG
Unwanted First Kiss (Completed-Editing)
Teen FictionNang dahil lang sa hindi niya inaasahang unang halik ay magbabago ang takbo ng mundo ni Hailey. Kung napigilan lang niya ang pangyayaring ito tiyak na hindi magugulo ang tahimik niyang buhay bilang isang estudyante, bilang isang anak ng kilalang pam...