Chapter 61- Beneficial Friendship

21 1 0
                                    

Previous in UFK

"Come on, Xandre. You're too drunk. Nandito na tayo sa kwarto ni Hailey," mahina subalit dinig na dinig ko ang boses ng babae.

"What, why did you bring me here, Castel?"

Sh*t! Bakit kasama niya si Castel? Bigla akong kinabahan na para bang sasabog ang dibdib ko.

Napaupo ako sa kama ko nang marinig ko ang pag-uusap ni Xandre at Castel. Nagtataka ako kung bakit lasing si Xandre? Ngayon lang siya ulit uminom ng ganito.

"A-ano ba Castel, I told you to bring me home. Magagalit lang sa akin si Hailey I don't want her to get upset on me," tila nauutal na sabi ni Xandre.

"Mas malapit ang bahay nila sa location natin, that's why I brought you here. Halika na," sagot ni Castel.

Tumayo na lang ako para kahit papaano ay makita ako ni Castel, buti na lang at hindi pa nagigising si Zyla.

"Xandre?" Nagsalita ako para malaman nilang gising ako.

"Oh, Hailey! I'm so sorry I have to bring Xandre here."

"W-ait, w-ait. Baby, I'm sorry naparami ang inom ko," sabi ni Xandre.

"Pakihiga na lang siya sa kama, please Castel," pakiusap ko.

"Sure," maikling tugon lang niya.

Narinig ko ang pagbagsak ni Xandre sa kama sabay tawa ni Castel. Mukhang nakainom din siya.

"Ano ba 'yan Xandre, bakit kasi nagpakalasing ka eh." Dinig ko pa rin ang mahinang pagtawa ni Castel.

"Wait lang ha, I'll get towel and a basin of water," sabi ni Castel.

Narinig ko na lang ang pagbukas at pagsara ng pintuan ng kwarto ko.

Umupo ako sa uluhan ni Xandre.

"Hailey, are you there? Sorry, b-aby nagkatuwaan kasi," pagpapaliwanag niyang nakapikit.

"Are you okay?" tanong ko. Hinimas ko ang buhok niyang basa marahil dahil sa pawis. Kinapa ko ang kanyang dibdib para makapa ko ang butones ng kanyang damit, nang makapa ko ito ay dahan-dahan kong tinanggal sa pagkakakabutones ang damit niya.

"Here, wait! I'll do that para mas mabilis."

Napaatras ako sa kama nang maramdaman kong umupo dito si Castel. Naramdaman ko din ang kamay niya sa dibdib ni Xandre. Biglang nag-init ang mukha ko, hindi ko maiwasang mainis pero naiintindihan ko.

"Pupunasan ko na lang siya," sabi pa ni Castel.

"Let me do it, nakakahiya naman sa'yo," malumanay kong sabi. Inilahad ko ang palad ko para ilagay niya ang bimpo dito.

"No, it's okay. Sanay na sanay ako kay Xandre. Before, ako palagi ang nag-aayos sa kanya sa tuwing lasing siya." I even cooked for him sa tuwing sa bahay siya nagpapalipas ng gabi," tuloy tuloy na sabi ni Castel na dahilan ng matinding pagtibok ng puso ko. Alam kong dahil ito sa selos.

Tahimik lang akong nakikinig, hindi ko alam kong saan nga ba ako nakatitig, habang nararamdaman ko ang bawat pagkilos ni Castel. Tulog na marahil si Xandre dahil hindi na siya nagsasalita.

"Castel, thank you for taking care of Xandre."

"No worries, hindi ko naman kayang tiisin ang lalaking ito eh," natutuwang sabi niya. "Kapag lasing si Xandre gusto niyang may kayakap siya para kasi siyang natatakot sa tuwing nanaginip siya kapag siyang lasing."

Naramdaman ko ang pagblush ng mukha ko. Sinasabi ba niyang yakap siya ni Xandre sa tuwing lasing siyang nasa bahay nila? Oo ng, bestfriend pala sila dati ni Castel. Mali ang paninibughong nararamdaman ko ngayon.

Unwanted First Kiss (Completed-Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon