XANDRE'S POV
Babalik na naman ba kami sa dati? What I'm trying to point out to her ay hindi dapat siya naglilihim sa akin. I am very open to her, pero samantalang siya kung hindi pa ako mismo ang makakaalam, she'll never tell.
Dumiretso ako sa opisina. Gusto kong mawala ang init ng ulo ko. I'm trying to do everything for her, pero bakit naglilihim pa rin siya.
My phone has been ringing for several times. Hindi ko ito sinasagot.
"Bro! Tapos na ba ang date niyo?" bungad ni Jairus nang makita niya akong papasok sa office.
Tapos na siguro ang klase niya kaya nandito siya.
"Yes, bro. May mga kailangan pa akong gawin, and by the way, ako na lang ang sasama kay Castel to meet our client."
"Sure, bro."
Pumasok na ako sa office ko. Tumunog ulit ang phone ko, I know it's Hailey. Hindi ko maiwasang masaktan. I know it's selfish, but thinking that she still communicate with Jared, parang sumasabog ang dibdib ko. Jared has wronged Hailey, muntik na siyang mapahamak, pero bakit nakikipag-usap pa rin siya sa kanya?
I picked one cigarette from my drawer. Sinindihan ko ito habang nakaharap sa open window sa office ko.
"Hey! Bawal 'yan!" Hindi ko napansin ang pagpasok ni Castel.
Hindi ko pinansin ang sinabi niya. She sits on my swivel chair at pina-ikot-ikot niya ito.
"Is there something bothering you?" she asked. As if she knows me well.
Umiling ako.
"Come on Zyrus, your face can't hide anything from me."
"I just need space okay, so will you please leave," naiinis kong sabi.
Tumayo siya mula sa pagkaka-upo. Lumapit siya sa akin. Hinimas niya ang likod ko.
"Stop that Castel!" umiwas ako sa kanya.
"Si Hailey na naman ba?" naiinis na tanong niya. "Simula nang naging kayo ni Hailey, your world only revolves to her. Come on Zyrus, hindi ka care giver ni Hailey, give time for your self!"
"Just leave please, wala akong panahon para makinig sa sinasabi mo." Ayokong makinig sa kanya dahil baka may marinig akong paniniwalaan ko.
"That's it! Wala kang panahon para sa ibang bagay! Dahil wala kang ginawa kundi ang alagaan at alalahanin si Hailey! Si Hailey na lang palagi!" galit na sigaw niya.
"You have no right para pagsabihan ako ng ganyan, I love her and I'll do everything just to keep her, besides you're only my friend."
Natahimik siya. Nasaktan 'ata siya sa sinabi ko. Sinalubong niya ang galit ko.
"Fine! Okay fine! I'm just a friend. Thank you!"
Naantig ako nang makita kong may pumatak na luha sa kanyang mata.
"I'm sorry, it's not what you think." Tila natauhan ako.
Mabilis siyang umalis at lumikha ng ingay ng ingay ang pagsara niya ng pinto.
Pinabayaan ko na lang siya. Paano ako pupunta sa client meeting namin, when I don't feel okay? Tinawagan ko si Jairus.
"Bro, I'm sorry pero pwede bang ikaw na lang ang sumama kay Castel? Something came up," pagsisinungaling ko. Hindi rin naman magigimg maganda ang pagsama ko kay Castel baka makaapekto pa ito sa deal with the client.
"No problem, bro."
Lumipas ang isang oras ay wala akong nagawang matinong trabaho sa office. Hindi na rin tumawag si Hailey.
BINABASA MO ANG
Unwanted First Kiss (Completed-Editing)
Teen FictionNang dahil lang sa hindi niya inaasahang unang halik ay magbabago ang takbo ng mundo ni Hailey. Kung napigilan lang niya ang pangyayaring ito tiyak na hindi magugulo ang tahimik niyang buhay bilang isang estudyante, bilang isang anak ng kilalang pam...