Hindi pumapasok sa isip ko ang lecture ng prof, dahil kahit anong pilit kong iwaglit sa isip ko ang mga sinabi ng Presidente ay sumisiksik parin ito. Magkapatid nga ba talaga si Xandre at Jairus? Tama ba ang pagkakaintindi ko? Tila malaking katanungan sa akin ang tunay na pagkatao ni Xandre.
Hindi ko namalayan ang pagtatapos ng klase namin. Kinuha ko ang phone sa bag to check kung nagtext si Xandre, biglang lumungkot ang mukha ko nang walang mensahe galing sa kanya. Masasanay na lang ba ako na umaasang magti-text siya sa tuwing darating ang lunch time? Masyado lang ako sigurong nag-i-expect.
This is my first relationship, at na-i-excite pa rin akong basahin ang mga text na galing sa kanya.
Luminga-linga ako sa paligid ng room, ako na lang pala ang nasa loob at marami ng mga estudyante ang nagsisipasok sa kuwarto para sa kanilang susunod na klase. Nagmadali kong hinila ang bag at isinukbit ko ito sa balikat at umalis.
Nakalagpas na ako sa pintuan ay nagulat ako nang may humila sa bag ko. Napatingin ako sa likuran, napangiti ako nang makita ko si Jared na hawak ang bag ko na agad niyang itinago sa likuran niya.
"Hoy, ibalik mo 'yan sa akin!" sigaw ko habang pilit kong kinukuha ang bag ko na nasa kanyang likuran.
"Ano ka ba Hailey, ako na lang tutal wala 'yong taga bitbit mo," nang-aasar niya sabi. "Bakit nga ba wala siya? May lakad na naman 'yon without telling you kung saan siya pupunta?" pagbibiro ni Jared.
Hindi ko makuhang ngumiti man lang sa biro niya, paano kung may kasama nga siyang iba? Yumuko na lamang ako.
Inakbayan niya ako na tila nagsisisi sa kanyang mga sinabi. "I didn't mean to hurt you," sabi niya.
I undersatand him, concern siya sa akin dahil kaibigan niya ako. Inalis niya ang kamay niya sa pagkakaakbay sa akin at biglang napasigaw.
"Shit!" sigaw niya. Napalingon naman ako sa likuran ni Jared, sumilay sa akin ang tila galit na mukha ni Xandre, hinila niya ang bag kay Jared.
Itininulak ni Xandre si Jared, "anong sinabi mo?" Magkasalubong ang kilay niyang nakatingin kay Jared.
Isinandal ni Xandre si Jared. Pumapalag si Jared subalit sadyang mas malakas si Xandre. Hinawakan ko sa kamay si Xandre, nagsimula nang magbulungan ang mga estudyante sa paligid. Kinakabahan ako sa pwede pang mangyari.
"Xandre, let's go." mahinahon kong sabi. Binitawan niya ang kwelyo ni Jared at minsan pa itinulak niya ito. Tumingin ako kay Jared na tila nakikiusap na huwag na lang niyang patulan si Xandre, mabuti na lang at hindi na sumugod si Jared.
Naunang naglakad si Xandre bitbit niya ang bag ko. Nagmadali akong naglakad para sundan siya without looking back to Jared.
"Xandre," mahina kong tawag sa pangalan niya. Huminto siya.
"Stay away from him," itinuro niya si Jared na malayo na sa amin.
"Xandre, stop it."
"Bullshit! Sinisiraan niya ako sa'yo." galit niyang sabi. "I'm telling you, stay away from him," tila nagbabanta niyang sabi.
"You don't have to tell me kung ano ang dapat kong gawin, he's my friend at kilala ko siya and I'm not staying away from him." Nagsimula nang uminit ang ulo ko. Kahit kailan ayokong sinasabihan ako kung ano ang dapat kong gawin. "Kung hindi mo kayang i-control yang init ng ulo mo marami kang makakaaway."
XANDRE'S POV
"What are you trying to say, na kasalanan ko? You're too naíve Hailey. You're insensitive," naiinis kong sabi.
Gagong Jared, gusto niya akong siraan kay Hailey. Ayokong may nakahawak na iba kay Hailey kahit pa kaibigan niya. So what kung magkaibigan sila?
"What did you say? I'm insensitive? Okay fine!" sigaw niya. Hinila niya ang bag sa balikat ko sabay alis. Sumunod ako sa kanya, I'm trying to stop her sa pamamagitan ng paghawak ko ng braso niya pero inaalis niya ito. I know, medyo sumobra ang sinabi ko sa kanya dahil galit ako at nagseselos.
BINABASA MO ANG
Unwanted First Kiss (Completed-Editing)
Teen FictionNang dahil lang sa hindi niya inaasahang unang halik ay magbabago ang takbo ng mundo ni Hailey. Kung napigilan lang niya ang pangyayaring ito tiyak na hindi magugulo ang tahimik niyang buhay bilang isang estudyante, bilang isang anak ng kilalang pam...