Previous from Unwanted...
"Blackmailing again?" nakapamewang na siya. Tumingin siya sa kinaroronan ni Jairus.
"Say goodbye to the other Love bird." nang-iinis kong sabi.
"Shut up!" galit niyang sabi. Bumalik siya kay Jairus samantalang nakatitig lang ako sa kanila. Hindi ko narinig ang pinag-usapan nila, nakita kong kinuha niya ang bag niyang nasa upuan at isinukbit sa balikat niya, nakangiti ako sa kanya habang siya'y papalapit, inirapan lang niya ako. Napatawa na lang ako sa ginawa niya.
Kinuha ko ang kanyang bag at isinukbit ko ito sa balikat ko. Hinila niya ito, pero napalakas ang hila ko dahilan at nagkadikit ang aming katawan. Naamoy ko pa ang napakabango niyang buhok at tila naramdam ko ang pagdikit ng kanyang ulo sa aking dibdib.
Umatras siya agad sa pagkakadikit ng aming katawan, "Stupid! Give me my bag!" Nanggi-gigil niyang sabi.
"Don't be rude, ikaw na nga itong tinutulungan," bahagyang tinaasan ko ang boses ko, at naglakad ng mabilis.
HAILEY'S POV
Hay nakakainis talaga, akala ko naman nakaligtas na ako. Ano na naman kasi ang trip ng lalaking ito? Sinundan ko siya pababa ng hagdan, ano kasi ang sasabihin niyang importante?
"Xandre, ano ba kasi ang sinabi ng Tito mo baka pwede mo nang sabihin sa akin dito," pakiusap ko. Hindi pa rin siya humihinto, teka nga bakit ba ako nakikiusap sa lalaking ito? Hindi pa ba nasabi ni Mr. President ang pakiusap kong layuan na ako ng anak niya?
Hindi ko namalayan nakababa na pala kami. Diretso lang siya, naiinis na talaga ako. Teka nga, mukhang sa gazebo pa siya dadaan. Hindi nga ako nagkamali, sa gazebo nga siya dadaan. Habang naglalakad kami ay nakatitig na naman ang mga come what may club member. Gusto ko nang hatakin ang bag ko kay Xandre pero mukhang mai-issue na naman ako. Pagtapak namin sa mismong gazebo ay nakaupo sina Lexie, Matthew at ang iba pang mga kaibigan ni Xandre.
"Hi, Hailey!" bati ni Lexie at napatayo siya sa pagkakaupo. Huminto naman si Xandre at nakipag-high five sa mga kaibigan niya. Para silang mga nakakalokong nakatingin kay Xandre na para bang may ibig sabihin.
"Hailey can you join us later?" tanong ni Lexie na naka-akbay sa akin. Bakit niya ako niyaya? Saan naman? kasama ba ang mga kaibigan ni Xandre?
"Saglit lang naman eh, we are celebrating our 6 monthsary," nakangiting sabi niya.
"Asa ka pa, hindi sasama 'yan." Singit ni Xandre na nakasmirked. Pinipigilan ko talaga ang sarili kong magalit para makaiwas sa gulo.
"Oh, it's okay. Marami pa namang next time." Nanghihinayang na sabi ni Lexie. Narinig ko ang bahagyang pagtawa ni Xandre.
"No, I'm coming." Sabi ko na ikinabigla ni Lexie. Tumingin ako kay Xandre at nagsmirked din ako.
"Really? Wow! Sigurado ako mag-ienjoy ka, ipapakilala kita sa ibang friends ko," tuwang-tuwa na sabi ni Lexie. "Then, see you later." Sabi pa niya.
"Let's go," narinig kong sabi ni Xandre. Napasunod na naman ako sa kanya.
Huminto kami sa tapat ng kotse niya. Humarap siya sa akin, "so, pupunta ka pala sa celebration nina Lexie and Matthew?" Nakakaloko niyang sabi.
"Iyon ay kung hindi ka pupunta," nang-iinis ko ding sabi.
"Oh! Of course not, bakit naman ako pupunta kung nandoon ka, baka mabored lang ako." Walanghiyang monster, parang sinabi niya na boring akong kasama.
"Better!" gigil na gigil kong sabi. Binuksan niya ang pintuan ng kotse, bago pa man siya makapasok ay nagsalita ako ulit.
"Xandre, please lang sabihin mo na ang sasabihin mo, I don't have time for this, pwede ba?" Malapit na talaga akong sumabog sa lalaking ito.
BINABASA MO ANG
Unwanted First Kiss (Completed-Editing)
Teen FictionNang dahil lang sa hindi niya inaasahang unang halik ay magbabago ang takbo ng mundo ni Hailey. Kung napigilan lang niya ang pangyayaring ito tiyak na hindi magugulo ang tahimik niyang buhay bilang isang estudyante, bilang isang anak ng kilalang pam...