Itinulak niya ako sa dingding ng kubo habang hawak niya ang magkabilang braso ko. Hinipo niya ang braso ko, sinamantala kong binitiwan niya ang isang kamay ko upang siya'y maitulak ko pero hindi man lang siya natinag. Muli niyang hinawakan ang isa kong braso. Nakaradamdam ako ng matinding takot kasabay nang panghihina ng tuhod ko. Huwag kang duwag Hailey, magpakatapang ka. bulong ko sa sarili ko.
"Bitiwan mo ako! Ano bang pinagsasabi mo? Sabi nang bitiwan mo ako! Tulong!" Sigaw ko habang pilit akong kumakalas sa pagkakahawak niya sa akin.
"Sinaktan lang naman niya ang babaeng inagaw niya sa akin! Pina-ibig at iniwan, hayop na Xandre Fernadez 'yon, tignan ko lang kung anong mararamdaman niya kapag nalaman niya 'to!" Halos bumaon ang kuko niya sa braso ko, naramdaman ko ang malamig na dingding ng kubo, hindi ako makakilos dahil sa bigat ng katawan niyang nakasandal sa akin, inilapit niya ang mukha niya sa leeg ko at nakakalokong tumingin sa akin. Sinubukan kong alisin ang kamay ko sa pagkakahawak niya pero hindi ko nagawa, napakalakas niya.
Inilayo niya ang kanyang mukha. "Huwag kang atat darating tayo diyan." Inamoy niya ang buhok ko. Pilit kong nilalayo ang mukha ko sa kanya. Nang bigla niya akong hinila mula sa pagkakasandal at muli siyang ngumisi na parang isang demonyo.
Buong lakas akong sumigaw, baka sakaling may makarinig sa akin sa kabila ng lakas ng tugtog na nang-gagaling sa videoke. "Hayop ka bitiwan mo ako! Tulong!" Patuloy pa rin akong lumalaban kahit nanghihina na ako.
Inilapit niya ang kanyang mukha sa mukha ko. "Kailangan mong maranasan ang ginawa niya kay Althea!" galit niyang sigaw. Naramdaman kong umuga ang kubo nang buong lakas niya ulit akong pinasandal sa dingding, napasigaw ako sa sakit.
"Bitiwan mo ako, parang awa mo na." Nanghihina na ako sa pagtangkang lumaban sa kanya, nana-nalangin na sana dumating na si Jared.
"Gusto kong maramdaman niya ang sakit na naramdaman ko nang pinagsamantalahan niya ang kahinaan ni Althea!" Hindi ko siya lubusang maintindihan. Sino si Althea? Anong ginawa ni Xandre? Bagama't pilit kong iginagalaw ang ulo ko para hindi niya ako mahalikan ay wala pa rin akong magawa. Ini-harap niya ako sa dingding. "Kulang pa 'to sa ginawa niya kay Althea at kahit ilang beses pa siyang mabugbog ay hindi sapat iyon para mai-pag-higanti ko si Althea." Idinikit niya ang katawan niya sa akin habang nakatalikod ako. Isa-isa nang dumaloy ang mga mapapait na luha sa mata ko. Ramdam ko ang paghalik niya sa buhok ko na parang isang baliw.
"Hayop ka! Bitiwan mo siya!" Narinig ko ang pagsigaw ni Jared, naramdaman kong nabitawan ako ni Jake, humarap ako sa kanila. Nakita ko na lang na natumba na sa sahig si Jake. Hinila siya ni Jared at muli itong sinuntok sa mukha, nasagi ni Jake ang laman ng lamesa at natumba ang mga bote. Nanghihina akong napaupo sa sahig, yakap ang dalawang tuhod ko, pumikit na lamang ako habang nagsisigawan sila. Naramdaman ko na lamang na may humawak sa braso ko.
"Are you okay?" Pinatayo ako ni Jared. Nanginginig akong humawak sa balikat ni Jared para makatayo.
"Hindi ba 'yan ang gusto mo, ang maipag-higanti natin ang kapatid mo kay Xandre!" Sigaw ni Jake, hindi ko gaanong maintindihan dahil nasasapawan ito ng lakas ng videoke, subalit malinaw kong narinig ang sinabi niyang paghihiganti.
"Tumahimik ka Jake, wala sa usapan natin ito!" sigaw ni Jared habang patuloy niya akong ina-alalayan. Ano bang pingsasabi nila? Plano ni Jared ito? Pilit kong ini-intindi ang sinasabi nila.
Nakatayo si Jake habang pinagmamasdan niya kami ni Jared. "Come on Jared! This is the right time para maipag-higanti natin si Althea sa gagong Xandre na 'yon!" Mas malakas pa sa tunog ng musika ang narinig ko, para akong binuhusan ng malamig na tubig.
Tinabig ko ang kamay ni Jared na nakahawak sa beywang ko. "Anong ibig niyang sabihin?" Tinitigan ko ng masama si Jared.
Hinawakan niya ako sa balikat, "Let's go, Hailey." sabi niya.
BINABASA MO ANG
Unwanted First Kiss (Completed-Editing)
Teen FictionNang dahil lang sa hindi niya inaasahang unang halik ay magbabago ang takbo ng mundo ni Hailey. Kung napigilan lang niya ang pangyayaring ito tiyak na hindi magugulo ang tahimik niyang buhay bilang isang estudyante, bilang isang anak ng kilalang pam...