Chapter 28- I Love You...

711 31 31
                                    

Mas lalo akong kinabahan nang tumaas ang boses ni Jairus. Hindi ko nga siya boyfriend pero magkaibigan, hindi ko kayang nakikita siyang nasasaktan.

Bakit hindi ko naramdaman kay Jairus ang nararamdaman ko para kay Xandre? Sana nga siya na lang dahil alam kong hindi ako masasaktan, pero hindi ko kayang turuan ang puso ko, si Xandre ang itinitibok nito.

Nakayuko pa rin ako, kailangan na sigurong malaman ni Jairus. 

When I was about to speak, biglang lumitaw si Xandre sa harap ng pintuan. Napatayo si Jairus, napatayo din ako agad at hinawakan ko sa braso si Jairus.

"Jairus, please no." Sana sa pagkakataong ito ay pakinggan niya ako.

Naglakad papalapit si Xandre sa amin, hindi maipinta ang mukha, tila may mga tanong sa kanyang mga mata.

Tumingin ako sa kanya na parang nakikiusap na huwag siyang magsasalita. Napabuntong hininga ako, pilit kong binabasa ang isip niya, bumitiw si Jairus sa kamay ko at sinunggaban si Xandre. Itinulak ni Jairus si Xandre at muntik nang masagi nito ang upuan, nagpanic ako. Tumakbo ako sa kinaroonan ni Xandre sa pag-aalalang matutumba siya.

"Hailey, bakit hindi mo pa sabihin sa kanya ang lahat?" Halos mapaubo ako sa sinabi niya.

Ano ang sasabihin ko kay Jairus, na ilang beses kaming naghalikan, na muntik nang may nanggyari sa amin? Na mahal ko siya? Lalo lang masasaktan si Jairus.

"Stop it Xandre!" Hindi ko akalain na nasigawan ko si Xandre.

"Kung ayaw mong sabihin ako ang magsasabi sa kanya." Lalo akong nataranta, samantalang nakatayo lang si Jairus na pawang nalilito kung sino ang dapat niyang paniwalaan.

"Tama na Xandre, wala ring patutunguhan ito. Kaya please lang," pakiusap ko sa kanya, kumunot ang noo niya.

"Bakit hindi mo sabihin sa kanya na ang nangyari kahapon, na muntik ng may mangyari sa atin? Mas mabuti nang malaman niya. Sabihin mo sa kanya na ako ang mahal mo." Napaawang ang bibig ko, nagulat ako sa sinabi niya. Hindi ko akalain na kaya niyang sabihin ito sa harap ni Jairus, sa harap ko. Mahal? Ganun ba kaobvious na mahal ko siya, ako lang naman ang nagmamahal dito. Gusto ko mang sabihin na mahal ko si Xandre pero gusto kong magalit sa kanya, bakit parang napakadaling sabihin niya na muntik ng may nangyari sa amin sa ibang tao, sinabi rin ba niya ito sa mga kaibigan niya?

"What did you say?" Biglang hinawakan ni Jairus ang kwelyo ni Xandre.

"Hayop ka!" Galit na galit na sigaw ni Jairus.  "Hailey, totoo ba ang sinasabi ng gagong ito?" Nagpupuyos sa galit ang mga mata ni Jairus.

Naag-uunahan na ang mga luha ko sa pagpatak. Nakatingin sa akin si Xandre, naghihintay ng isasagot ko.

"Oo, totoo lahat ang sinabi niya," napakahina nang pagkakasabi ko, katulad ng panghihina ko sa ginawang pagsawalat ni Xandre sa nangyari sa amin. Tumitig ako kay Xandre, "masaya ka na?" Magkahalong sakit at galit ang nararamdaman, hindi ba importante sa kanya ang nararamdaman ko?

Nag-iba ang expression ng kanyang mukha, na tila may pagsisisi sa ginawa niya pero hindi na niya pwedeng bawiin ang mga salitang iyon, napahiya na ako kay Jairus, nanliliit ako ngayon sa sarili ko. Tumakbo ako papalabas ng kuwarto.

"Hailey!" Narinig kong sabay nilang tinawag ang pangalan ko, subalit hindi ako tumigil.

Nagmadali akong bumaba sa hagdan, hindi ko alintana kung may mabangga man ako, ayokong makita ng mga kasalubong ko na umiiyak ako.

He just told me na ayaw niya akong nakikitang umiyak, pero anong ginawa mo sa akin Xandre?

"Hailey!" boses ni Xandre ang naririnig kong tumatawag sa akin.

Unwanted First Kiss (Completed-Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon