Chapter 55 Hopeless

30 2 1
                                    

HAILEY'S POV

"Ano bang ginagawa mo Xandre?" I'm starting to panic.

Lumingon ako sa likod, hindi nga ako nagkamali sumusunos ang dalawang body guard ni dad.

"Mas lalo mo lang pinapalala ang sitwasyon," mahina kong sabi. Ayokong makipagbangayan sa kanya, ayokong magalit sa kanya dahil naiintidihan ko siya.

"There's something you're not telling me." He's serious.

Mabilis pa rin ang takbo ng sasakyan. Tumutunog ang telepono ko.

Agad kong sinagot. "Anika?"

"Bes, ilang beses tumawag si tito galit na galit. Saan ba kayo?" nag-aalala niyang tanong.

"I'm sorry Bess pati ikaw nadamay. I'll call you later," nalulungkot kung sabi.

Hinawakan ko sa braso si Xandre.

"May dapat ba akong malaman?" mahinahon niyang tanong habang mabilis pa rin ang pagmamaneho niyo.

Nakatuon pa rin ang tingin ko sa telepono ko. I'm starting typing.

*Dad, please just give me this last with Xandre, please dad.*  I pressed the send button.

"Hailey, answer me! May dapat ba akong malaman?"

Tumingin ako sa likod, wala na ang sasakyan ng dalawang body guard.

Nahihirapan akong magbigay ng sagot sa tanong ni Xandre.

Itinabi niya ang sasakyan. Pinukpok ni Xandre ang manibela.

"Are you hidingnl something from me!?"

Lalo akong kinabahan.

"Calm down, baby."

"Paano ako magka-calm down, kanina pa ako nagtatanong, you don't even give a damn!" Galit siya.

Hinawakan ko ang kamay niya. "Please listen," mahina kong sabi.

Hinaplos ko ang kanyang mukha.

"Baby, mahal na mahal kita. Kung meron man akong gustong makasama habang buhay ay ikaw 'yon at ang magiging anak natin."

Napaawang ang bibig niya sa kanyang narinig. "What?"

Nagsimula nang dumaloy ang mga luha ko, tila nag-uunahan sila sa pagpatak.

"I'm pregnant at natatakot ako sa pwedeng mangayari."

Umiling si Xandre, hindi ko mawari ang dahilan ng kanyang pag-iling, alam kong nabigla siya sa kanyang narinig pero hindi ganito ang gusto kong makitang reaksyon nya.

"Ayokong mapahamak ka." Yumuko ako.

"Wait, you're pregnant?" Tila hindi pa rin makaget over sa nalaman.

Alam kong baka mapahamak siya dahil sa ginawa ko dahil sa pagsabi ko sa kanyang buntis ako, bit he needs to know, ayokong maglihim sa kanya.

Bigla niya akong niyakap. "Magiging dad na ako," bulong niya. Hindi maipagkakaila ang saya sa kanyang tinig.

Tumango ako. Muli ko siyang hinawakan sa pisngi.

Paano ko sasabihin sa kanya na aalis kami ng magiging anak niya, na kailangang magpakatatag siya hanggang sa aming pagbabalik?

"Pananagutan ko 'yan. I will be a good father," nakangiti niyang sabi.

Hinalikan niya ako sa labi.

"I love you very much, Hailey Amira Abalos." Napakasarap pakinggan.

"I love you to the moon and back, Mr. Xandre Zyrus Fernandez."

Unwanted First Kiss (Completed-Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon