Previous from Unwanted...
May inilabas siya sa bag niya at inabot sa akin, laking gulat ko nang makita kong pareho ang card na inabot niya sa card na hawak ko. Lalong bumilis ang tibok ng puso ko, feeling ko mahihimatay ako. Napatitig ako sa kanya habang binubuksan ko ang card. Binasa ko ulit ito, parehong-pareho sa mga nakasulat sa card na nasa bulaklak kanina. Napatitig ulit ako sa kanya.
"H-hailey, I'm sorry. I can't hide it anymore." Nauutal niyang sabi.
"I like you, Hailey Amira."
Para akong nabingi sa mga salitang sinabi ni Jairus. Hindi sumagi sa isip ko na siya si Mr. Heartless.
Ang tanga ko naman hindi ko man lang naalala ang boses niya, siya pala ang lalaking tumawag sa akin nang mahulog ko ang panyo. Nakayuko ako, hindi ko alam ang isasagot ko sa kanya.
"Hailey, please give me a chance para ipakita at iparamdam ko sa'yo ang nararamdaman ko," mahinang-mahina niyang sabi, ramdam ko ang tensiyon sa kanya.
"Jairus..." Hindi ko mahanap ang mga salitang dapat kong sabihin sa kanya. Natatameme ako, hindi ko ini-expect ang pangyayaring ito.
"I know, hindi mo pa ako masyadong kilala, but if you'll give me a chance, gusto kong makilala mo akong mabuti."
Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko, I know Jairus is a good guy, pero tama siya hindi ko pa nga siya masyadong kilala. Yes, he's attractive, masaya ako sa tuwing nakikita ko siya, lalo na kapag nakangiti siya, hinahanap ko siya kapag hindi ko siya nakikita, pero hindi ako sigurado sa nararamdaman ko.
Biglang sumagi sa isip ko ang nangyari sa amin ni Xandre kagabi, no way! Sigaw ng isip ko. Kung meron man akong gugustuhin na mahalin 'yon ay si Jairus na alam kong hindi ako iiwan at lolokohin, Jairus is more than a perfect boyfriend na gusto ko.
Hailey, you have your goal, no boyfriend yet. Paalala ng isip ko.
"Take your time Hailey, sapat ng kasagutan ang hindi mo pag-iwas." Nakangiting sabi ni Jairus.
"Thank you, Jairus." Nahihiya kong sabi sa kanya. Hindi ko akalain ganito ka-expressive si Jairus.
Nag-ring ang phone ni Jairus. "Take the call," nakangiti kong sabi.
"Yes dad, I'll be there in 15 minutes," nakangiti niyang sabi sa dad niyang nasa kabilang linya.
Tumayo si Jairus sa harapan ko, "Will you come with me?" Tanong niya. Kitang-kita ang saya sa kanyang mga mata, iba sa mga nakita ko sa kanya noong mga nakaraang araw.
"A-ah..." hindi ko pa natapos ang sasabihin ko ay hinawakan niya ako sa kamay.
"Please?" pakiusap niya. Tumango ako.
Hawak parin niya ang kamay ko, napatingin ako sa kanya. Binitiwan niya ang kamay ko,"I'm sorry," sabi niya.
XANDRE'S POV
Sh*t hindi ko pa rin makalimutan ang mukha ni Hailey habang nakangiti siyang ina-amoy ang mga puting rosas. Parang may kung anong kurot ang naramdaman ko kanina. Lalapitan ko sana siya kanina para kamustahin pero 'yon ang tumambad sa akin ang nakangiting Hailey na inaamoy ang bulaklak at binabasa ang card. Halos matawa ako sa pamamaraan ng kung sino man ang nagbigay ng bulaklak sa kanya pero habang nakikita ko ang masaya niyang mukha ay napahiya ako sa sarili ko.
Tumawag si dad, kailangan daw naming magkita sa Eastwood Country Club.
Naglalakad ako papuntang kotse nang makita kong kasama ni Hailey si Jairus heading to his SUV. Pinagbuksan niya si Hailey ng pintuan, nakangiting namang pumasok si Hailey.
BINABASA MO ANG
Unwanted First Kiss (Completed-Editing)
Novela JuvenilNang dahil lang sa hindi niya inaasahang unang halik ay magbabago ang takbo ng mundo ni Hailey. Kung napigilan lang niya ang pangyayaring ito tiyak na hindi magugulo ang tahimik niyang buhay bilang isang estudyante, bilang isang anak ng kilalang pam...