ONE WEEK na lang bago kami pumunta sa America, everything is settled. Two days before my daughter's Christening. Katulad ng plans si Anika at Xandre ang nag-coordinate lahat. Hesitant akong hawakan ni Castel ang anumang details ng binyag ng anak ko. Yes pumayag akong maging ninang siya dahil sa friendship nila ni Xandre, mahirap 'yon on my part dahil alam kong she's something for Xandre.
"Bes, nakapack ka na ba ng gamit mo for our out of town trip?" tanong ko kay Anika habang chinicheck niya ang checklist ng binyag ni Anika.
"Can't you see, Bes. I'm busy?" maarte niyang sabi. "Ay sorry, Bes you can't see pala," nangsusutil na sabi niya. Sabay yakap niya sa akin.
Tumawa ako sa sinabi at ginawa niya.
"Humanda ka kapag nakakita na ako!" nakapout kong sabi.
"Excited na ako, Bes na makakita ka na. Makikita mo na ang mala-diyosa kong make-over," natatawa niyang sabi.
Itinulak ko siya, "ang kapal mo talaga!"
"Seriously, kasama talaga ang asungot na Castel na 'yon sa binyag?"
"Kahit papaano bestfriend siya ni Xandre."
"Naku, ewan ko ba diyan sa Xandre na 'yan walang pakiramdam. Baka magkagulo pa."
"Subukan niya lang, Anika! Kahit hindi ako nakakakita talagang kakalbuhin ko siya!"
"Hey, sino ang kakalbuhin mo?"
Natahimik ako nang marinig ko boses ni Xandre. Naramdaman ko ang pag-upo niya sa tabi ko amd kissed me sa cheeks.
"Hailey, sino ang kakalbuhin mo?" tanong niya ulit.
"Si Castel!" sigaw ni Anika na ikibigla ko.
Sinubukan kong abutin si Anika lara hilain pero hindi ko siya maabot. Walanghiya talaga 'tong Anika na 'to pahamak!
Hinintay ko ang sasabihin ni Xandre. Narinig ko na lang siyang tumatawa.
"What's funny?" pagalit kong tanong.
Inakbayan ako ni Xandre. "Are jealous of Castel?" nang-aasar niyang tanong.
"Of course not!" sagot ko agad. "Magkaiba ang selos sa inis. Naiinis ako sa kanya, period!" sa wakas nasabi ko rin kay Xandre ang pagkainis ko kay Castel.
"Oh! Relax!" nang-aasar pang sabi ni Xandre samantalang tumatawa lang si Anika. "So bakit ka naiinis sa kanya? Dahil ba nagseselos ka?"
"Bakit naman ako magseselos unless may dapat akong pagselosan?" I raised my brow.
"Walang-wala, parang kapatid na ang turing ko kay Castel. We grew up together," pagpapaliwanag niya.
"Naman pala eh, assuming lang talaga 'yong babaeng 'yon!" sabi ni Anika na halatang inis na inis kay Castel.
"She's nice. Minsan lang may pagkasutil at pagkaprangka kasi matagal siyang tumira sa America."
"Okay!" pasarkastikong sabi ni Anika.
I admire Xandre for being so nice specially sa mga kaibigan niya. Wala siyang nasabing masama tungkol kay Castel.
"So much of that. Anyway, Bes okay na 'yong souvenir?" tanong ko kay Anika.
"Ako pa ba, Hailey?" nagmamayabang niyang sagot.
"Ikaw na talaga, Anika. The best ka talaga!"
"Naman!" sigaw niya.
"Seriously, thank you Bes kasi kung hindi dahil sa'yo malamang nagkakandarapa na ngayon si Xandre." seryosong sabi ko.
"Para 'to sa inaanak ko," sabi naman ni Anika.
BINABASA MO ANG
Unwanted First Kiss (Completed-Editing)
Teen FictionNang dahil lang sa hindi niya inaasahang unang halik ay magbabago ang takbo ng mundo ni Hailey. Kung napigilan lang niya ang pangyayaring ito tiyak na hindi magugulo ang tahimik niyang buhay bilang isang estudyante, bilang isang anak ng kilalang pam...