Chapter 69 Wait For Me

19 1 0
                                    

"Hailey, can we talk?" ulit ni Castel.

I was surprised sa sinabi niya. Agad namang bumitiw si Xandre sa pagkakayakap sa akin.

"Okay, punta muna ako sa aking prinsesa," sabi ni Xandre.

Nang wala na si Xandre ay umupo sa tabi ko si Castel. I feel uneasy this time. Waiting for her to speak up, napabuntong hininga ako.

"Ahm..." pagsisimula niya. "I just want to say sorry sa lahat ng mga nasabi kong hindi maganda."

Tumingin ako sa kanya, and seems she's sincere.

"I easily get jealous, especially with my two bestfriends. Hindi ako sanay that their attention is focused to you," sabi niya.

I understand her, but it's a childish act na magselos siya since ako ang girlfriend ni Xandre.

"I understand. Kung mahalaga sila sa'yo mahalaga din sila sa akin. You don't have to get jealous kasi alam kong you are important to them."

"So, you forgive me?"

Ano bang gagawin ko sa taong humihingi ng sorry? I know she mean it.

"Kalimutan na natin 'yon, what's important ay hindi natin nasasaktan ang damdamin ng mga taong mahal natin at nagmamahal sa atin," sabi ko.

"Thank you," she said at niyakap niya ako.

"Anong meron?" Nabigla ako nang marinig kong magsalita si Anika.

For sure kikwestyunin na naman niya ang nakita niyang reconcialliation naming dalawa ni Castel.

Tumingin ako sa kanya, nakataas ang isang kilay niya.

"I have to go." Tumayo si Castel. "Thanks, Hailey," sabi niya at kumaway pa siya bago lumabas ng pintuan.

"Wow, Bes! Anong kadramahan ang nakita ko?" mapanghinala niyang tanong.

"She apologized."

"What? Really?" She flipped her hair while smirking at me. "Naniwala ka naman, Bes?"

"Sincere naman siya, Anika. Why don't just give her a chance like Xandre said."

"Ang dali mo talaga maniwala, nagmukha lang sincere, sincere na agad?"

"Bes, don't worry mag-iingat naman ako. Ayoko lang na nagwoworry din si Xandre about us, and I think this is the best way para maging tahimik ang lahat," malumanay kong sabi.

"Sana nga, Hailey dahil baka hindi natin alam ikaw ang gusto niyang patahimikin."

Hindi na ako sumagot sa kanya. At the back of my mind, pwedeng mangyari ang sinasabi ni Anika.

"Saan na ba si Jairus?" pag-iiba ko ng usapan.

"Bakit sa akin mo siya hinahanap? Nanay ba niya ako?" nakasimangot na sabi ni Anika.

Tumawa ako sa sinabi niya. "Hindi ka pa rin ba niya napapansin? Sa ganda't sexy mong yan?"

"Iyon na nga eh, alangan namang maglupasay ako sa harap niya para lang mapansin niya ako. Baka naman, alam mo na." Tinaas taas pa niya ang kanyang kilay.

"That's for you to know!" sigaw ko sabay tawa ko ng malakas.

"Ang sarap ng tawanan niyo, huh."

Sabay kaming napalingon ni Anika kay Xandre at nagtinginan kaming dalawa, sabay tawa ulit.

Tinakpan ko ang bibig ko para pigilin ang aking tawa.

"Pssssh...huwag kayong maingay tulog si Zyla," sabi ni Xandre na nakatayo sa pintuan ng kwarto ko at ni Anika.

Unwanted First Kiss (Completed-Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon