Chapter 38 She Doesn't Know Him Well

464 18 12
                                    

HAILEY'S POV

KINAUMAGAHAN pagdating ko sa campus ay napansin kong wala pa ang sasakyan ni Xandre. I'm worried, sa halos ilang buwan kaming nagkakakilala at naging magkasintahan, I never heard of him totally drunk.

Kinuha ko ang phone ko sa bag at tinawagan ko si Xandre, gusto ko lang masiguro na okay siya. Nagri-ring lang ang kanyang telepono.

May kumatok sa bintana ng sasakyan ko, in-off ko agad ang phone. Nakita kong nakatayo si Anika sa labas, binuksan ang pinto at agad siyang umupo sa passenger's seat.

Nakatingin siya sa akin na tila nagtatanong.

"What?" nakataas ang kilay kong nagtanong. Alam ko kung ano ang tumatakbo sa isip niya.

"Bess, alam mo na ba ang trending ngayon sa campus?" Tumingin siya sa harapan na tila hindi na makatagal sa pagkakatitig sa akin.

Hindi ako sumagot bagkus kinuha ko ang bag sa tabi ni Anika at nagkunwaring may inaayos.

"Alam ko kung sino ang may pakana nang lahat ng ito," dugtong niya. "Saan si Xandre?" Hinawakan niya ako sa balikat, "Bess, okay ka lang?" nag-aalala niyang tanong. Tumango lang ako.

These past days inaamin kong marami akong inilihim sa bestfriend ko dahil alam kong hindi niya gusto si Xandre.

"I'm okay Anika, let's go," sabi ko.

"Sigurado ka ba, ayaw mong pag-usapan?"

She has never failed me pagdating sa mga ganitong pagkakataon. Meron mang pangamba akong nararamdaman kung ano ang makikita at maririnig ko paglabas ko sa aking sasakyan ay pilit kong itinatago ito.

"Ano ka ba Anika, sa ilang buwan ko dito sa Eastwood halos lahat ng pagkakataon ay may nakakabit na issue sa akin," pagkukunwari ko, gusto ko lang tanggalin ang kabang nararamdaman ko, but this is really different, pati ang nanahimik kong pamilya ay malalagay sa isang kahihiyan na kagagawan ko.

I already decided not to give up Xandre.

"Alam mong iba 'to ngayon. Pwede ka namang huwag munang pumasok," suhestiyon niya.

Tumunog ang telepono ko. When I checked the caller ID ay agad ko itong sinagot.

"Xandre, saan ka na ba?" Nakapatong ang siko ko sa manibela habang nakayuko na tila hindi ko nais iparinig kay Anika anuman ang mapag-usapan namin. Hindi ako nakatiis, tumingin ako kay Anika na nakatingin sa akin na tila blanko ang kanyang mukha.

"Papunta na ako sa campus, saan ka?" Sa tinig ni Xandre ay para siyang nagmamadali.

"Nandito na sa campus," yumuko ulit ako dahil ayaw kong ipakita kay Anika ang expression ng aking mukhang nababalisa.

"Shit! I'm sorry dapat kanina pa ako, nasa room ka na ba?" nag-aalala niyang tanong.

"Here at my car with Anika."

"Just stay there with Anika, okay? Hintayin niyo ako, I'll be there in ten minutes." Nawala na ang kabilang linya.

I know he's worried.

Napakatahimik namin ni Anika sa loob ng sasakyan, tila nakikisabay siya sa nararamdaman ko. Hindi ganito si Anika, hindi niya ako titigilan hangga't hindi niya ako napagsasalita. Ipinatong niya ang kamay niya sa kamay kong nakahawak sa manibela.

"Bess, nandito lang ako, alam mo 'yan." Seryoso siyang nakatingin sa akin.

"I know, I know. Thank you, pero pwede bang huwag na lang nating pag-usapan. Lalo lang akong kinakabahan."

Unwanted First Kiss (Completed-Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon