Chapter 42- Angel in Disguise

386 23 10
                                    

HAILEY'S POV

Isang linggo na rin ang lumipas nang may nangyari sa amin ni Xandre, I never regret that day.

Walang nagbago sa pagitan namin bagkus mas masasabi kong naging extra malambing siya. Hind na rin naging issue sa amin ang pagbugbog sa kanya, I did not confront dad about it anymore, subalit hindi pa rin maalis ang hinala ko na si dad ang nagpabugbog kay Xandre kahit ilang beses niyang itanggi ito.

"Bess, nabalitaan mo bang umalis na si Jairus nung isang araw?" tanong ni Anika habang nginunguya niya ang hotdog na almusal namin.

"Really? Loko 'yon hindi man lang nagsabi," kumagat ako sa ham sandwich na hawak ko, habang nakapatong ang isang kamay ko sa lamesa.

Nagkibit balikat lang si Anika sa sinabi.

"Nakakalungkot nga eh, nawalan ako ng isang guwapong friend," nakapout na sabi ni Anika.

Kahit man ako ay nalulungkot sa pag-alis ni Jairus.

"Ay Bess, birthday mo na bukas ha. Any plans?" tanong niya habang walang tigil pa rin ang pag-ngata ng pagkain at pag-sip ng soda, matakaw talaga itong bestfriend ko. Pasekreto na lang akong nangiti sa hitsura niya.

"Kailangan pa bang i-celebrate 'yon? Matanda na ako," pagbibiro ko sa kanya. Muntik pa siyang mabulunan.

"Ano ba yan, sayang naman 'yong ipapakain mo sa amin." pagre-reklamo ni Anika.

Natawa ako sa sinabi niya, basta sa pagkain hindi magpapahuli si Anika.

"Hi girls!" Sabay kaming napatingin ni Anika sa lalaking biglang sumulpot sa harapan namin.

"Jared!" napasigaw si Anika.

"Hoy, ang ingay mo." Sabay ikot ng paningin ko sa mga kasama naming kumakain sa school canteen, at hindi nga ako nagkamali nakatingin sila sa amin. Natakpan naman ni Anika ang kanyang bibig nang marealized niya ang ginawa.

"Puwede ba kaming maki-table?" Tanong ni Jared at tumingin siya sa lalaking kasama niya.

Napatingin ako sa lalaking nakatingin naman sa akin at biglang ngumiti. Para siyang isang anghel kung ngumiti. Inakbayan ni Jared ang lalaki.

"Oh, by the way, this is Jake." Pagpapakilala niya sa kasama.

Inabot ni Anika ang kamay. "I'm Anika, nice meeting you." Sabi niya, samantalang ngumiti lang ako. "Umupo na kayo." Diretsahang sabi ni Anika sa kanila.

"And you are Hailey, right? Xandre's girl." Nakangiting sabi ni Jake. "Bilib na ako sa kanya, but this time I think he's serious." Tumango-tango pa siya na akala mong kilalang-kilala niya si Xandre. Biglang nag-iba ang impression ko sa kanya. Kilala nga ba niya si Xandre?

Tinapik ni Jared sa balikat si Jake, naupo si Jake sa tabi ko, si Jared naman sa tabi ni Anika.

After that incident na nagkasagutan kami ni Jared hindi pa kami muling nagkasama katulad nito, medyo awkward pero hindi ko pinapahalata, besides kaibigan ko pa rin siya.

Tumunog bigla ang cellphone ko, agad kong dinukot ito sa Jansport kong bag. Without seeing the caller ID ay sinagot ko ito.

"Hello." tinatamad kong bungad.

"Darling, are you free tonight?" malumanay na sabi ni mom.

"Why mom?" patanong kong sagot.

"I and your dad are planning to throw a party for you, pwede ba nating pag-usapan over a dinner?"

I know her, kinukuha na naman niya ako sa ganitong mga bagay, but I appreciate her patience towards my stubborness. Hindi ko lang talaga matiis si mom, sa dami nang pinagdaanan namin last few days, hindi siya sumuko para kausapin ko sila.

Unwanted First Kiss (Completed-Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon