Previous from Unwanted...
Hinawakan niya ako sa braso, "Hailey! Don't act af is you don't care, as if you don't like my kiss, you even kissed me back." Ayoko ng pakinggan ang mga sinasabi niya, ayokong marinig pa mula sa kanya ang paghalik namin kagabi. Ikinampay ko ang kamay ko sabay talikod habang hindi pa namumuo ang mga luha sa mata ko. Nang nakita kong nakatayo si Jairus sa hindi kalayuan nakatingin sa akin.
Napahinto ako habang nakatingin kay Jairus na papalapit sa amin. Nagkunwaring umubo si Xandre na nasa likuran ko.
Nang nasa harap ko na si Jairus ay kumunot ang noo niya habang nakatingin kay Xandre.
"Hailey, are you okay? Meron ba siyang ginawa sa'yo?" nag-aalalang tanong ni Jairus.
"N-no, no, nagkataon lang na magkasabay kaming lumabas sa comfort room," pagsisinungaling ko sa kanya.
Napatingin ako kay Xandre at ngumisi siya. Naglakad na siya paalis sa kinatatayuan namin at sinadya niyang banggain sa balikat si Jairus. Ano bang problema ng lalaking ito? Di ko maiwasang mainis.
Hinawakan ako ni Jairus sa braso para alalayan, "let's go?" Pagyaya ni Jairus, marahan akong tumango sa kanya. Pagbalik namin sa loob ay nakaupo na si Xandre. Paupo pa lang kami ni Jairus nang biglang tumayo si Xandre, sinadya niyang hilain ang upuan ng may ingay.
"We have to go," tumingin siya kay Lianne na kumakain pa rin ng dessert, agad namang tumayo si Lianne habang pinupunasan niya ang kanyang lips. Nauna nang lumabas si Xandre samantalang nasa likuran lang niya si Lianne. Naramdaman kong nagkatinginan ang mga kasama ko sa table samantalang pinilit kong maging casual. Hindi ko alam kung bakit ganoon na lang ang reaction ni Xandre.
Tumayo ulit si Jairus, "Mom, dad we also need to go back at school," hinawakan niya ako sa balikat. Tumayo ako habang lumapit siya sa mom niya para halikan sa noo, ganun din ang ginawa niya kay Allaine.
"Ma'am, sir we have to go," nahihiya kong sabi. Bakit ba naman sa pagkakataong ito ay dumalaw ang pagka mahiyain ko. Hindi naman ako mahiyaan, ayoko lang talagang makipagsocialize.
"Come on Hailey, just call me tita," tumayo ang mom ni Jairus at hinawakan niya ako sa kamay.
"Hija, thank you for coming," at niyakap niya ako. Napangiti na lang ako sa sinabi ng mom ni Jairus. Tumingin ako kay Mr. President, nakangiti siya.
"Bye Allaine!" Masayang paalam ni Jairus, which saves me maybe from embarrasment dahil alam kong Allaine doesn't like me.
JAIRUS' POV
I know something happened between Hailey and Xandre outside the comfort room. I heard Hailey shouting at Xandre, ayoko lang i-pressure si Hailey kaya mas pinili kong manahimik. Nasa sasakyan na kami subalit tahimik pa rin si Hailey, I want to ask her if Xandre is still bothering her. Nauunahan ako ng takot baka somehow may makita akong reaction ni Hailey that will break my heart.
"Hailey, thank you sa pagsama sa akin," nakangiti kong sabi habang hawak ko ang manibela.
"I enjoyed it." Ngumiti din siya.
"Can I invite you over to a Painting Exhibit?" Hindi ako sigurado kung narinig niya ang sinabi ko dahil nakikita ko sa gilid ng mata ko na nakatingin siya sa labas ng bintana. Umaasa akong papayag siya.
"Really? Kailan?"
Napatingin ako sa kanya, kita ko ang excitement sa kanyang mata. I love drawing, magmula pa noong bata pa ako ay mahilig na akong magdrawing. I hope Hailey likes it too, sa tuwing nakikita ko naman siya during our drawing subject, very attentive and she exerts effort, minsan nga halos awayin niya si Jared kapag nagkakamali ang partner niya. Tahimik lang akong nagmamasid sa kanya.
BINABASA MO ANG
Unwanted First Kiss (Completed-Editing)
Novela JuvenilNang dahil lang sa hindi niya inaasahang unang halik ay magbabago ang takbo ng mundo ni Hailey. Kung napigilan lang niya ang pangyayaring ito tiyak na hindi magugulo ang tahimik niyang buhay bilang isang estudyante, bilang isang anak ng kilalang pam...