Chapter 31 Water is Thicker Than Blood

612 24 19
                                    

ANIKA'S POV

Nagising ako sa ungol ni Hailey, bigla akong napabalikwas para tingnan siya, subalit patuloy pa rin siya sa pag-ungol.

"Hailey, gising..." bumulong ako sa kanya at marahan kong tinapik ang kanyang balikat subalit hindi pa rin siya nagising.

"Parang awa niyo na po..." umiiling siyang nagsasalita habang natutulog.

Niyugyog ko nang ilang beses ang kanyang balikat.

"Hailey, gising!" Napalakas ang sigaw ko sa pag-aalala ko sa kanya.

Naalimpungatan siyang humihingal na parang nakipaghabulan sa panaginip niya. Umupo siya mula sa pagkakahiga, agad akong tumayo at kumuha ng tubig na nasa lamesang katabi lang ng kama. Inabot ko sa kanya ang basong may tubig samantalang hinilamos niya ng kanyang kamay ant kanyang mukha na pawisan. Kinuha niya ang tubig sa kamay ko at agad niya itong ininom.

Inayos ko ang kanyang buhok, "Bess, ayos ka lang ba?" nag-aalala kong tanong. Tumango lang siya at muling humiga yakap ang kanyang unan.

Napatingin ako sa pintuan na biglang bumukas, marahil narinig ni tita ang sigaw ko kanina, nasa ibabang bahagi ng attic lang naman ang kuwarto.

Dumungaw si Tita, pumasok siya. Lumapit siya sa amin at umupo sa tabi ni Hailey. Nakatalikod si Hailey samantalang hinihimas ni Tita ang buhok ng kanyang anak.

"Nightmare again?" Puno ng pag-aalala sa tinig ni Tita. Tumuwid ng pagkakahiga si Hailey at tumingin kay Tita.

"Mom, I'm okay balik ka na sa pagtulog," mahinahon niyang sabi kay Tita.

"Are you sure, okay ka lang anak? Gusto mo bang tabihan ka namin ni Anika?" tila hindi kumbinsido ang ina. Tinapik ni Hailey ang kamay ng mommy niya na kakapatong sa kama.

"Yes mom, I'm okay."

Hinalikan ni tita sa noo si Hailey, "okay then, matulog ka na." Tumayo na siya at naglakad patungong pintuan, bago pa man makalabas ng kuwarto.

"Anika, bahala ka na sa bestfriend mo." Pansin ko pa rin ang pag-aalala sa mga mata niya.

"Don't worry Tita, ako na po bahala sa kanya."

Patuloy nang lumabas ng kuwarto si Tita.

"Good night, Bess," mahinang wika ni Hailey at itinalukbong na ang kumot na nakatakip sa kanyang katawan.

Tumingin ako sa orasan, it's three in the morning. Napangiti ako, "Good morning, Bess," pabulong kong sabi, subalit hindi na siya umimik.

Ilang beses ko na siyang natunghayang nanaginip, bagama't hindi ko alam ang totoong nagyari sa kanya alam kong may kinalaman ito sa pagiging takot niya sa dilim at tila parang nasasakal sa tuwing napakasikip o marami mang tao. Ayaw na itong mabanggit pa nina tito at tita, kaya naman hindi na namin ito napag-uusapan.

Hindi ko na makuha ang antok ko, patuloy pa ring gumugulo sa isip ko ang karanasang iyon ni Hailey. Para na ring kapatid ang turing ko kay Hailey, simula high school siya na ang kasama ko. Empleyado ni Mayor ang ama ko, siya ang messenger ni Mayor magmula nang manilbihan ito bilang Vice Mayor at ngayo'y Mayor na sa aming bayan. Ni minsan hindi ko nakitaan ng masama ang pamilya nila, sadyang napakabuti nilang pamilya.

Naalala kong bigla ang senaryo kagabi sa sala habang nanood kami, kakaiba ang nakita kong sigla sa mga mata ni Hailey. Hindi ko rin akalain na mahuhulog siya kay Xandre. Hindi pa nagkakaroon ng boyfriend si Hailey. Marami namang nanliligaw sa kanya subalit sadyang pihikan siya. Ang mga characters na gusto niya sa lalaki ay hindi umiinom, hindi naninigarilyo at higit sa lahat walang hindi magandang nakaraan sa pakikipagrleasyon pero itong lahat ay nasa katangian ni Xandre kaya naman malayo ang loob ko sa kanya.

Unwanted First Kiss (Completed-Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon