Previous from Unwanted First Kiss...
"Hey, miss! I'm not yet done talking to you," sumunod pala ang gagang ito. Mukhang naghahanap talaga siya ng away. Sige pagbibigyan ko siya...
Pumikit ako at nagbilang ako sa isip ko ng one...two..three...at huminga ako ng malalim.
Humarap akong bigla, "ano bang problema niyong dalawa?" nakataas ang kilay kong nagsabi. "Ganyan ba talaga kayong mag-kapatid, nang-aaway ng hindi kakilala?" pasarkastikong sabi ko.
"Hoy! Famewhore! Excuse me, I don't care kahit anak ka pa ng presidente ng Pilipinas!" Matapang na sagot ng kapatid ni Xandre.
Parang nabingi ako sa sinabi niya, Did she call me famewhore? Lalong uminit ang ulo ko. Samantalang nakatingin lang sa akin si Xandre.
Gagong 'to hindi man lang pigilan ang kapatid, mga wala talagang hiya! Pagalit na sabi ko sa sarili.
"Hoy! Miss Fernandez, kung hindi ka kayang disiplinahin ng kuya mo, pwede ba huwag mo akong idamay sa attitude problem niyo." Hindi na talaga ako nakatiis.
Hinawakan siya sa braso ni Xandre, Aba nakapag-isip ng tama ang kuya! Naiinis kung sabi sa sarili ko.
"That's enough, let's go," dinig na dinig kong sabi ni Xandre sa kapatid niya.
Hinila ng babae ang kamay niya, tinitigan niya ako ng masakit na tila gusto pa niya akong sunggaban. Subukan niya lang! Biglang umalis, naiwan si Xandre na nakatayong nakatingin sa kapatid.
Tumingin siya sa akin, "What?" naiinis kong tanong na nakapamewang pa ako.
"Hindi ko akalain na palaban pala ang anak ng Mayor," nakangising sabi ni Xandre habang inaayos ang tuxedo niya.
"Mr. Fernandez, for your information, palaban talaga ako sa mga taong gaya niyo!" Sabay tumalikod ako. May naalala ako kaya bigla akong humarap sa kanya.
"By the way, Mr. Fernandez. I want public apology for what you have done. I deserve it," maangas kong sabi sa kanya.
"You're crazy, I won't do that!" Nakangiti pa siya na parang nanloloko.
"Fine, then you have to choose. You're going to do the public apology or I will sue you. Nakakalimutan mo yata na ako lang naman ang nag-iisang anak ni Mayor Abalos." Nakakaloko ko ring sabi. Ewan ko lang kong hindi pa siya pumayag.
"That's bullsh*t!" Napasigaw siya na umiiling. "You can do anything you want, I will not make a public apology." Very confident niyang sabi.
"Okay, then it's final, wait for a sue letter. Oh no, not yet, I'm still giving you a chance, just in case you made up your mind don't hesitate to talk to me. I'm giving you three days." sabay tumalikod ako at naglakad pabalik sa party.
Akala ko magsasalita pa siya o susundan niya ako pero nagkamali ako, buti naman at hindi na siya nagsalita.
Pagbalik ko sa loob ay bigla akong nairita nang makita ko ulit ang kapatid ni Xandre, pero hindi ko na lang siya pinansin.
"Bess, ang tagal mo ha. Ano bang ginawa mo sa comfort room?" Nag-uusisang tanong ni Anika.
"Wala, may nakita akong ipis na gumapang sa paa ko, kaya natagalan ako," naiinis kong sabi kay Anika.
"Kaya pala, nawala ang ipis dito lumabas pala. So anong nangyari sa ipis?" natatawang tanong ni Anika.
No doubt kaibigan ko nga siya, dahil sa mga salita ko pa lang alam na alam niya ang tinutukoy ko. Itinaas ko ang isa kong kilay.
BINABASA MO ANG
Unwanted First Kiss (Completed-Editing)
Teen FictionNang dahil lang sa hindi niya inaasahang unang halik ay magbabago ang takbo ng mundo ni Hailey. Kung napigilan lang niya ang pangyayaring ito tiyak na hindi magugulo ang tahimik niyang buhay bilang isang estudyante, bilang isang anak ng kilalang pam...