Chapter 7- The Warning

875 57 32
                                    

Tinitigan kong mabuti ang babaeng nasa harapan ng sasakyan ko. Hindi naman niya ako nakikita dahil tinted ito.

Ano na naman kaya ang kailangan ng babaeng 'to? Hindi ba niya talaga ako titigilan? galit kong sabi sa sarili ko.

Lumabas ako ng sasakyan, hindi ko alam kung tama itong ginawa ko, kung hindi naman ako lalabas baka sabihin niyang duwag ako.

Lumapit siya akin, habang nakalagay ang isa niyang kamay sa beywang at nakakunot ang noo.

"Yes?" nakataas ang kilay kong tanong. Nakakairita kasi hanggang ngayon hindi pa niya ako tinatantanan, tatlong araw na ang nakalipas.

"Ang kapal din naman ng mukha mo Miss Abalos, talagang humingi ka pa ng public apology sa boyfriend ko." Nakabusangot ang mukha, sayang lang at pangit ang ugali ng babaeng ito.

Teka nga bakit alam ng babaeng ito ang last name ko. Hindi ko alam marami na palang nakakakilala sa akin dito. Bulong ko sa sarili.

"I deserve it Miss U, so mind your own business," pasarkastiko kong sinabi. Nakakasawa, sa lumipas na ilang araw ganito na lang ang scene na nararanasan ko. Naiinis na talaga ako. Sumandal siya sa kotse ko at nakapameywang pa.

"Hindi mo na lang kasi tanggapin na gusto mo ang halik ng boyfriend ko!" sigaw niya sa akin.

"Miss, kung wala kang mabuting sasabihin pwede ba, get lost! Ah, by the way, hindi ko alam na gustong-gusto mo pala ang halik na lasang sigarilyo," painsulto kong sabi, hinawi ko ang balikat niya senyales na pinapaalis ko siya, umalis naman siya sa pagkakasandal sabay pasok ko sa sasakyan at binagsak ko ang pintuan.

Hindi ko na narinig ang sinabi niya pero kitang-kita ko ang expression ng kanyang mukha, galit na galit. Pinaandar ko ang kotse at bumusina ako ng malakas, biglang atras ang girlfriend ni Xandre. Natawa ako sa naging reaksyon niya.

Ano ba namang klase ng babaeng ito, pinagti-tiyagaan si Xandre, maganda naman siya, sa tingin ko matalino naman. Umiling na lang ako at pinaatras ang kotse. Gusto kong umalis kahit saglit lang para lumamig ang ulo ko, tutal maglalunch break din naman.

HIndi ko na natext si Anika, sigurado akong magtatampo na naman 'yon, halos araw-araw sabay kaming nagla-lunch.

Dumiretso ako sa favorite resto ko, sa Grumpy Joe. Favorite ko ang pizza and pasta nila dito. Pagpasok ko ay agad akong sinalubong ng crew, ang daming tao. May mga nakaupo pa sa labas ng resto for reservation.

"Hi ma'am, table for?" tanong ng lalaking crew.

"Table for one lang sir," nakangiti kong sabi.

"Willing to wait mam? Bale Number 5 kayo mam." Magalang na sabi ng crew. Tumingin-tingin ako sa mga taong kumakain, karamihan sa kanila parang kasisimula lang kumain, samantalang 'yong iba naghihintay ng kanilang order. Naghihintay ang crew sa sagot ko.

"Okay, willing to wait." nakangiti pa rin ako kahit alam kong maiinip ako sa paghihintay.

"Okay mam, maupo muna kayo." Sanay naman na ako dito pero ang ginagawa namin ni Anika tumatawag muna kami for reservation.

Bago pa man ako makaupo ay may babaeng lumapit sa akin.

"You're Hailey, right?" nakangiti siya na parang tuwang-tuwa nang makita niya ako, umupo siya sa tabi ko.

Tumingin ako sa kanya, "Ah...Yes. Do I know you?" walang emosyon kong tanong.

Nakangiti pa rin siya, "Actually you don't know me but I definitely know you. At kung gusto mong makilala ako, you should share a table with me and my boyfriend, ikaw din maiinip ka sa paghihintay." tila nanunukso pa. Itinuro niya kung saan nakaupo ang boyfriend niya. Nagulat ako ng makita ko ang lalaki, nakita ko na siya minsan sa may koridor kasama si Xandre.

Unwanted First Kiss (Completed-Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon