Chapter 13 His Reason

844 45 22
                                    

Previous from Unwated...

Sumandal din si Xandre at bahagya niyang inilapit ang ulo niya sa akin at biglang kinuha ang isang piece ng headphone. Isinandal niya ang ulo niya sa upuan ko, at pumikit siya.

Biglang lumakas ang pintig ng puso ko, nang-iinis ba talaga 'tong monster na 'to? Naiinis kong bulong sa sarili ko.

Itutulak ko sana siya nang tumingin ako sa kanya ay nakapikit pa rin siya, parang damang-dama ang kanta sa phone ko.

~Hold, hold me for a while
I know this won't last forever
So hold, hold me tonight
Before the morning takes you away.

Parang umurong ang gusto kong gisingin siya at ang gusto kong lumayo siya sa akin nang makita ko ang kanyang mukha. Napailing na lang ako, kung gaano kasama ang ugali ay siya namang ikina-amo ng mukha. Napatingin ako sa kanyang dibdib na parang alon sa paghinga, at nagising ako sa katotohanang nakahubad pala siya, biglang nag-init ang mukha ko nang marealized ko na nakatitig pala ako sa matipuno niyang katawan.

~What's the sparkle in your eyes?
Is it tears that I see?
Oh tomorrow you are gone
So tomorrow I'm alone
Short moments of time
We have left to share our love.

Nagulat ako nang bigla siyang dumilat. "Huli ka!" Sabay tawa niya ng malakas. Samantalang nabigla ako at natameme, tila umakyat ang dugo sa mukha ko, sigurado akong namumula ang mga pisngi ko, kaya iniwas ko ang tingin sa kanya at tumingin ako sa labas.

"Sinasabi ko na nga ba eh, may pagnanasa ka sa akin!" Bumalik siya sa pagkakaupo sa driver's seat at nakikita ko sa side ng mata ko na nakangiti pa rin siya kaya naman bigla akong humarap sa kanya.

"What?! Hoy, mahiya ka naman. Kahit kailan hindi ako magkakagusto sa tulad mong magnanakaw!" Inalis ko ang headphone sa tenga ko. Hindi ko na kayang makasama pa 'tong lalaking ito. Tumingin ako sa labas, salamat naman at tumigil na rin ang ulan.

"Aminin mo na kasi, you liked my kiss," nang-aasar pa niyang sabi.

"Will you shut up or else...!" Hindi ko mapigilang magalit. "Pwede ba problemahin mo na lang 'tong sasakyan mong bulok na katulad mo!" Naiirita talaga ako sa kanya.

Lumabas siya sa sasakyan at binalibag ang pinto. Kahit kailan bastos talaga siya. Pumunta siya sa harapan ng kotse at tinignan ang makina. Makalipas ang ilang minuto ay bumalik siya sa loob at pina-start ang kotse, nang gumana ito ay nagsmirked siya.

"Siguro may balat ka sa puwet kaya namatay ang makina," nang-iinis na naman niyang sabi. Inirapan ko lang siya, ayoko nang simulan pa ang pakikipagtalo sa kanya. Lumabas siya ulit at may kinuha sa compartment ng kotse. Pagbalik niya ay nakasuot na siya ng puting t-shirt. Pinaandar na niya ang kotse, salamat naman at umandar na.

Tumingin ako sa orasan, napahawak na lang ako sa noo ko nang makita kong alas-kwatro na ng hapon. Sumimangot ako nang marealized kong hindi na ako nakapasok sa halos lahat ng subject ko. Isinuksok ko ulit ang headphone, sumandal ako at pumikit.

"Obviously, you like love song," narinig kong sabi ni Xandre pero hindi ko na siya pinansin at hindi ko na idinilat ang mga mata ko.

XANDRE'S POV

Nakapikit lang si Hailey habang nakikinig ng music sa kanyang phone. Paminsan-minsan ay tumitingin ako sa kanya, hindi ko maiwasang tumingin sa mala-anghel niyang mukha.

"Hailey," tawag ko sa pangalan niya, pero hindi pa rin siya umimik.

"Hoy, Ms. Abalos," hindi pa rin siya sumasagot. Inalis ko ang isang piece ng headphone, pero hindi pa rin siya nagreact. Nakatulog siya siguro. Ang bilis naman niyang makatulog. Himbing na himbing siya na tila pinaghehele siya.

Unwanted First Kiss (Completed-Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon