HAILEY'S POV
Mabilis akong bumaba sa kotse samantalang napasandal sa harap ng kotse si Xandre sa pagkakasuntok sa kanya ni dad. Hawak ni dad sa kuwelyo si Xandre na galit na galit. Hinila ko ang kamay ni dad.
"Dad! Ano ang ibig sabihin nito? Why did you hit Xandre?"
Nabigla ako sa ginawa ni dad. Nanginginig ako sa galit at takot. Bahagya siyang lumayo kay Xandre. Yumuko si Xandre na parang ayaw ipakita ang sakit na naramdaman sa natamong suntok.
"How dare you!" napasigaw si dad habang turo niya si Xandre. "Ipinagkatiwala ko ang anak ko sa'yo knowing that you came from a good family, dahil anak ka ng kaibigan ko, but I was wrong. Hayop ka!"
Muli niyang sinunggaban si Xandre but I shouted.
"Stop it dad! Hindi ko kayo maintindihan!" Nakayakap ang isang kamay ko sa baywang ni Xandre.
May dinukot si dad sa kanyang bulsa.
"Eto, anong ibig sabihin nito? Explain it to me."
Hinablot ko ang phone na hawak niya. Lumaki ang mata ko nang makita ko ang picture na magkadikit ang labi namin ni Xandre sa gazebo.
"Sino nagpadala sa inyo 'to dad?"
"Isang nagmamalasakit na tao!" Galit parin na sabi ni dad.
"Dad," mahina kong sabi.
"Pumasok ka na Hailey," utos ni dad.
"No way, hindi ko iiwan dito si Xandre." Muli kong niyakap si Xandre.
"Sir, I'm sorry but I love your daughter," lakas loob na sinabi ni Xandre. Kita sa mukha niya ang sincerity.
Kinalimutan ko na kung ano man ang nangyaring hindi maganda sa amin ni Xandre, pero kahit pa pagbalikbaliktarin mo ang mga nangyari, nang dahil sa hindi ko inaasahan at hindi ginustong halik ay nakilala ko ang lalaking mamahalin ko ng higit pa sa sarili ko, at alam kong mahal din ako ni Xandre.
Muling hinawakan ni dad sa kuwelyo si Xandre. "Mahal? Alam mo ba ang ibig sabihin niyan? Sinira mo ang dignidad ng anak ko. Pinagpipiyestahan na ito sa social media! 'Yan ba ang sinasabi mong pagmamahal?" Nagpupuyos sa galit si dad.
Itinulak niya si Xandre na katulad ko nabigla rin sa sinabi ni dad. Alam ko kung sino ang may pakana nang lahat ng ito, she wants to ruin me at pati ang pamilya ko nadamay.
"Please, go inside Hailey. Dahil baka kung ano pa ang magawa ko sa lalaking ito," utos ni dad.
Umiling lang ako habang nakatingin ako kay Xandre.
"Hailey, sundin mo ang sabi ng dad mo. I'm okay," malungkot niyang sabi.
Nag-uumpisa nang lumalabo ang mata ko dahil sa luhang nagbabadyang pumatak.
"Dad, please don't do this," pakiusap ko kay dad. Pero sadyang pinal na ang kanyang desisyon.
"Hailey, I said go inside."
"Hailey, please just go. Don't worry about me," pakiusap ni Xandre.
Tuluyan nang umagos ang mga luha ko, tumakbo ako papasok ng bahay. Narinig ko na lang ang malakas na pagsara ng gate.
"Hailey, we need to talk," sabi ni dad habang sumusunod siya sa akin. "What happened? Ito ba ang ganti mo sa akin sa nagawa kong paglihim sa'yo?"
Huminto akong nakatalikod pa rin sa kanya. Ayoko siyang sagutin, iiyak lang ako. Oo nasaktan ako sa ginawa nila sa akin pero hindi ko inisip ang magrebelde sa kanila, I just need time.
BINABASA MO ANG
Unwanted First Kiss (Completed-Editing)
Teen FictionNang dahil lang sa hindi niya inaasahang unang halik ay magbabago ang takbo ng mundo ni Hailey. Kung napigilan lang niya ang pangyayaring ito tiyak na hindi magugulo ang tahimik niyang buhay bilang isang estudyante, bilang isang anak ng kilalang pam...