Chapter 64 Deep Emotions

21 2 0
                                    

Naramdaman ko ang isang halik sa aking noo, habang nakahiga akong nagmumuni-muni.

"Baby?" tanong ko. Hindi ko naramdaman na may pumasok sa kwarto. Pumunta kanina sa garden si Yaya kasama si Zyla.

"Hmmm, mukhang malalim ang iniisip mo baby." Napabalikwas ako ng bangon.

Ewan ko ba na sa tuwing nandiyan si Xandre ay para parin akong natataranta ng hindi ko alam.

Inalalayan naman niya ako. "Okay ka na ba?" May saya sa kanyang mga tinig subalit gusto ko sanang makita ang kanyang reaction.

"Hindi naman ako nagkasakit, huh," nakangiti kong sagot.

"You know what I mean," he said habang inaayos niya ang buhok ko.

"Wait, bakit andito ka na, sobrang aga mo," I said assuming na ang oras ay mga 7:30 o 8:00 ng umaga.

"Ayaw mo bang nandito ako?" nanunukso niyang tanong.

"Bakit nga?"

"I want to date you and baby Zyla!" bulalas niya.

"What? Are you sure? 'Di ba may trabaho ka?" sunod-sunod kong tanong.

"Hey, relax everything has been set. Nagpaalam ako sa office. I want to spend time with my two girls."

I smiled. Sumandal ako sa uluhan ng kama. Naramdaman ko rin siyang umupo at sumandal. Hinawakan niya ang isang kamay ko. He kissed it. Isinandal niya ang kanyang ulo sa balikat ko.

Bakit parang naradamdaman ko na may mabigat siyang dinadala. I remember the time na dinala niya ako sa Japanese Garden, when he first lean his head on my shoulder, malungkot siya sa oras na 'yon.

"Xandre may problema ba?"

Gumalaw ang kanyang ulo, contradicting my statement.

Humiga siya sa lap ko. How I wish I could see his reactions to figure out if he's okay, but I can sense there's something wrong.

Hinimas ko ang kanyang buhok. Dahan-dahan kong ibinaba ang kamay ko sa kanyang pisngi, habang hawak ko ang kanyang pisngi ay inaalala ko ang kanyang mukha.

"Hindi ka ba nakatulog kagabi?" Maybe he's tired o 'di kaya ay puyat.

"Hindi," mabilis niyang sagot. "Kaya pwede ba akong matulog while my head is in your lap?" malumanay niyang tugon.

Muli kong hinimas ang kanyang buhok. "I'm sorry kung pinag-aalala kita," sabi ko.

Inabot niya ng hintuturo niya ang labi ko. "Pssssh...don't feel sorry," napabuntong hininga siya. "Basta, andito lang ako."

Umalis siya mula sa pagkakahiga. Bigla niyang hinila ang kamay ko.

"Mag-ayos ka na, aalis tayo," sabi niya.

"Saan kasi tayo pupunta?" nagmamaktol kong tanong.

"Magdi-date nga tayo. Isama natin si Zyla, para complete. One happy family." Niyakap niya ako mula sa likuran ko.

"Baka mahirapan ka, alalahanin lang ako."

"Hey, 'wag mong sabihin 'yan. Kung pwede nga lang palagi kitang kasama. Don't ever under estimate your ability." Hinawakan niya ang pisngi ko. "Hailey, mata mo lang ang may problema. Kung ang paningin mo ang wala sa'yo it doesn't mean you stop seeing beautiful things," sabi niya.

I can't stop my tears.

"Feel those beautiful things. At sana kahit hindi mo kami makita maramdaman mong mahal ka namin."

Niyakap ko siya nang mahigpit. "Promise, I'll be tough with this," bulong ko sa kanya.

I can't ask for more. I don't want to disappoint him. Kumalas ako sa pagkakayakap.

Unwanted First Kiss (Completed-Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon