Epilogue -Road to Forever

46 2 0
                                    

"You may now kiss the bride," pagtatapos ni Fr. Luisa.

Itinaas ni Xandre ang belo ko at madiin niya akong hinalikan. Nagpalakpakan ang mga taong nakasaksi ng pag-iisang dibdib namin.

Humarap kami sa kanila at buong puso akong ngumiti. Kung hindi dahil sa pamilya ko at pamilya ni Xandre marahil ay wala kami ngayon sa ganitong sitwasyon.

Napangiti ako nang makita ko si Zyla na tumatakbo palapit sa amin. Mahigit isang taon din ang hinintay namin para sa pagkakataong ito. Tinupad namin ang mga pangako namin sa aming mga magulang bago kami tuluyang magsasama sa iisang bubong ng lalaking una at huli kong mamahalin.

Sabay kaming napaluhod ni Xandre para salubungin si Zyla. Nangungusap sa kanyang mga mata ang kasiyahan na bagama't ay hindi pa niya mauunawaan ngayon. Mahigpit ko siyang niyakap, at sabay kaming niyakap ni Xandre.

"Mabuhay ang bagong kasal!" sigaw ng sakristan.

"Mabuhay!" sigaw naman ng karamihan.

Walang pagsidlang sayang nararamdaman ko, sa wakas ay matatawag ko ng isang pamilya ang meron kami ng asawa ko.

"Congratulations." Niyakap ako ni mam, niyakap rin niya si Xandre.

Tuloy-tuloy ang pagbati ng aming mga mahal sa buhay. Sa huling pagkakataon kahit man lang sa tagpong ito ay nabuo ang pamilya ni Xandre. Kasama ang kanyang magulang ay nagpakuha kami ng litrato.

"Bes, huwag munang sundan si Zyla," natatawang sabi ni Anika. Tumawa din si Jairus na nasa tabi lang niya.

"Pwede na, kahit tatlo pa," pabirong sagot ni Xandre. "Bro, ikaw kailan kaya?" biglang tanong niya. Napatingin ako kay Anika na nagblush.

"Hindi ko pa nasusungkit ang matamis niyang "OO"," nakangiting tumingin si Jairus kay Anika na lalong nagblush.

Halos kelan lang nang umakyat sa ligaw si Jairus. Hindi ko alam kung bakit naman hindi pa siya sinasagot ni Anika. But I must say, they have mutual understanding.

Lumapit naman si Castel kasama ang kanyang foreigner boyfriend. Nakauwi siya mula sa America.

"Guys, congrats!" sabi niya sabay yakap sa akin. Hinalikan naman niya si Zyla na hawak ko pa rin. "Ang laki na ng inaanak ko," wika niya. Yumakap naman sa kanya si Zyla.
***

"Xandre, ano ba bakit mo tinatakpan ang mata ko?"

"Just wait and see," sabi niya.

"Ano na namang kalokohan ito?" Kunwari naiinis kong sabi.

"Basta," madiin niyang sabi.

"Saan mo ba ako dadalhin?"

"Ang kulit mo, just wait and see, okay?"

Tumahimik ako dahil baka masira lang ang mood kung anumang binabalak niyang gawin. Mga limang minuto akong hindi umimik sa loob ng kotse hangga't naramdaman ko ang paghinto namin.

"Pwede na bang tanggalin 'to? I'm starting to feel uneasy," reklamo ko.

"Babe, saglit na lang. Alam kong kaya mo." Hinalikan niya ako sa noo.

Naramdaman ko na lang ang pagbukas ng pintuan ng kotse at ang paghawak niya sa braso ko para alalayan ako.

"Ready?" tanong niya.

"Kanina pa, babe," nakangiti kong sabi. Bigla akong kinabahan nang unti-unti niyang tinatanggal ang piring ng mata ko.

"One, two, three!" Sabay tanggal ng piring.

Napaawang ang bibig ko nang makita ko kung nasaan kami. Nakikita ko ngayon ang isang kongkretong bahay na pareho naming pinagplanuhan at iginuhit ni Xandre.

"Are you serious?" di makapaniwalang tanong ko.

Tumango-tango siyang nakangiti. Napatalon ako sa tuwa at bigla ko siyang niyakap.

"Diyan natin bubuuin ang malaking pamilya. Diyan natin palalaguin ang pagmamahalan natin kasama ng ating anak at ng magiging anak natin."

Hindi ako nakapigil ay hinalikan ko siya sa labi.

"Thank you, babe!"

Muli kong inilibot ang tingin ko sa labas ng bahay. Isang malaking gate ang nagsisilbing takip sa loob. Isang modelong bahay na nakikita ko ang mga ilang puno sa paligid,bagamat hindi ko pa nasisilayan ang loob nito. Kulay puti at itim ang gate at pader ng bahay, meron namang mangilan-ngilang kulay abu.

Kami mismo ang nagdesenyo ng bahay bilang isang Licensed Architech si Xandre at ako bilang apprentice ng kanilang Construction Company. Pareho silang nakapasa ni Jairus bilang Arkitekto.

"Tara tignan natin ang loob," bulong niya sa akin.

Pagbukas ng maliit na pintuan ng gate ay bumungad sa akin ang mga nakangiting labi.

"Welcome to your Home Sweet Home!" halos sabay sabay nilang sigaw.

Agad bumaba si Zyla kay Anika nang makita kami ng kanyang dad.

"Dada, mommy!" Tuwang tuwang tumakbo sa amin si Zyla. Agad naman siyang binuhat ni Xandre.

Hindi ko mapigilang umiyak. Tumingin sa akin si Zyla. Marahil ay nakita niya ang mga luha sa mata ko, "Mommy, are you sad? Why are you crying?" malungkot niyang tanong. Pilit niyang gustong pumunta sa akin.

Ngumiti ako at hinawakan ko siya sa pisngi.

"No baby, I'm not sad," sagot ko. "Look, mommy is happy," nakangiti kong sabi. Niyakap ko siya habang karga siya ni Xandre.

Hindi huminto ang luha ko kaya naman bahagya akong tumalikod kay Zyla. Hindi ko akalain na magiging ganito ako kasaya sa piling ni Xandre. Sa kabila ng mga napagdanaan namin ay hindi kami sumuko.

Bumulong si Xandre habang karga niya si Zyla. "Nagustuhan mo ba?"

Tumango ako at muli ko siyang hinalikan.

~END~

A/N: After forever natapos ko rin ito. Salamat sa lahat ng nagbasa bagamat sobrang tagal bago natapos ito.

This story is unedited and hopefully maedit ko na siya since tapos naman na.

I'm thinking for Xandre's PoV sa last part.

Thank you! Mwaaah!

Unwanted First Kiss (Completed-Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon