ANIKA'S POV
"Hailey!" napasigaw si tita. Agad siyang lumapit at pinaypayan si Hailey.
Tumingin ako kay Castel, nakatunganga lang siyang nakatingin kay Hailey. Malakas ang kutob kong may kinalaman si Castel. Kapag nalaman kong siya ang may kagagawan nang lahat ng ito ako mismo ang papatay sa kaniya!
Kitang-kita ang pag-aalala sa mukha ni Xandre. Tahimik lang siyang hinihimas ang buhok ni Hailey. Kinuha niyanang throw pillow na nasa kanang bahagi ng upuan. Dahan-dahan niyang inangat ang ulon ni Hailey at isinuksok unan sa kanyang ulunan.
Tumayo si Xandre. "I need to do something, gusto ko kapag gumising si Hailey ay may maibigay akong impormasyon sa kanya."
"Bro, samahan kita," sabi ni Jairus na nag-aalala rin.
Pareho silang lumabas bg cottage. Sumunod din si tito Anton. Napatingin ako kay Castel.
"My God, sana naman walang masamang mangyari kay Zyla," sambit niya.
Hindi ako nakapagpigil ay nilapitan ko siya. Tumingin ako tay Tita Hanni na busy na nagpapaypay kay Hailey.
"Siguraduhin mo lang na wala kang kinalaman dito, dahil tatadtarin ko yang mukha mo ng sampal," mahina subalit gigil na gigil kong sabi kay Castel.
"Seriously? Tanga ka ba? O nagtatanga-tangahan? Paano ko magagawa iyon sa isang batang walang muwang? At bakit ko naman gagawin 'yon?" pagalit niyang sabi.
"Sa hitsura mo palang, alam kong gagawin mo ang lahat para makuha mo si Xandre!"
Tumalikod siya at umalis na. Hindi ko alam pero ang lakas ng kutob kong siya ang may kagagawan nito. Sinundan ko siya. Nakita ko siyang kinakapa niya nag kanyang bag at inilabas ang cellphone mula dito.
Hindi ako nagpahalata, dahan dahan ko siyang sinusundan.
"Gawin mo ang lahat para maibalik na ligtas si Zyla." Dinig na dinig kong sabi ni Castel sa kausap niya. At ibinalik ba niya ang telepono sa bag.
Hinila ko ang braso niya.
"Sh*t!" sigaw niya. Hinawakan ko siya sa braso ng mahigpit. "Ano bang problema mo?" galit na tanong niya.
"Sinong kausap mo? Nagbago ba ang isip mo? O nakokonsensiya ka na kaya sinabi mo sa kumuha kay Zyla na ibalik siyang ligtas!"
Ikinampay niya ang kanyang braso na hawak ko. "I'm just asking help sa kaibigan kong pulis. Kaya pwede ba, tigilan mo ako. Wala akong alam sa sinasabi mo!" Naglakad siya nang mabilis. Hinayaan ko na lamang siya.
Sana nga wala siyang kinalaman dito. Bumalik ako sa cottage.
"Ma'am, Hailey patawarin niyo po ako," umiiyak na sabi ni yaya. Mabuti naman at nagkamalay na si Hailey.
Hindi umiimik si Hailey bagkus ay tanging hikbi lang niya ang naririnig ko. Lumapit ako sa kanya. Hinawakan ko siya sa kamay. Masyadong marami na ang kanyang pinagdaanan.
"Magtiwala ka lang sa Panginoon, makikita din si Zyla." Sana kahit papaano ay makatulong ang mga salitang ito para maibsan ang takot na nararamdaman niya.
"Tama si Anika, anak." Hinagod ni tita ang likod ni Hailey.
Biglang tumayo si Hailey at naglakad palabas ng cottage.
"Hailey!" tawag ni tita, pero hindi lumingon si Hailey.
Agad akong sumunod sa kanya.
"Bes, saan ka pupunta?"
"Hahanapin ko si Zyla," sabi niya habang patuloy pa rin siyang naglalakad.
Humahangos sa pagtakbo si Xandre papalapit sa amin.
BINABASA MO ANG
Unwanted First Kiss (Completed-Editing)
Teen FictionNang dahil lang sa hindi niya inaasahang unang halik ay magbabago ang takbo ng mundo ni Hailey. Kung napigilan lang niya ang pangyayaring ito tiyak na hindi magugulo ang tahimik niyang buhay bilang isang estudyante, bilang isang anak ng kilalang pam...