Previous...
"Hi everyone!" Pagsisimula ni Xandre.
"I know you already knew me so I don't need to introduce myself to you," nagpalakpakan ang mga nanonood na tila nakapasok sila sa sinihan ng libre.
Tumingin si Xandre sa akin at itinuro niya ako "and she is Hailey." Nakangiting sabi niya. Lalong naghiyawan at palakpakan ang mga tao. Lalo akong kinabahan sa pagkakabanggit niya ng pangalan ko. Napansin kong nakatingin ang lahat ng mga mata sa akin, nang biglang naglakad papunta kay Xandre ang kanyang girlfriend.
~~~
"And for your information, this is my girlfriend, Lianne Izabella." Hinalikan siya ng girlfriend niya sa pisngi.
Hinawakan ako ni Jairus sa braso, "Hailey, let's get out of here." nag-aalala niyang sabi.
"I'm okay, thanks." Hindi ko na lang masyadong pinansin ang sinabi ni Jairus.
"Bess, umalis na lang kaya tayo," hinihila na ako ni Anika.
"No, we're not leaving, ayaw mo bang marinig ang sasabihin ng gagong 'yan," sabay turo ko kay Xandre.
"Okay, okay..nag-aalala lang naman ako," malambing na sabi ni Anika.
"Aheeeem..." sabi ni Xandre na tila may bumabara sa kanyang lalamunan habang nakatitig siya sa akin.
"I would like to take this opportunity para patunayan ko na mahal ko ang girlfriend ko." Tumingin siya sa girlfriend niya habang nakangiting nakahawak sa beywang ni Xandre si Lianne.
"At sa pagnanais ni Ms. Hailey Amira Abalos na humingi ako ng apology sa kanya, I'm doing this para tigilan na niya ako," walang hiya niyang sinabi na parang nakakalokong nakangiti sa akin.
"Ooooh..." sabay na nagsabi ang mga nanood na nakatingin ng masakit sa akin lalo na ang mga babae.
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Nagulat ako sa sinasabi niya, hindi ko siya titigilan? Samantalang 'yong girlfriend niya ang patuloy na nanghaharass sa akin.
"Okay, I'm so sorry Miss Abalos, sa pagti-trip namin sa'yo ng mga kaibigan ko, napag-utusan lang naman ako kaya ko nagawa 'yon. Don't worry hindi ko rin ginusto 'yon," pangiti-ngiti niyang sabi. Nagtawanan ang mga estudyante.
Ano bang pinagsasabi ng gagong ito? Hindi yan ang gusto kong marinig sa kanya. Tila nanggigil kong sabi sa sarili ko.
"And one more thing, hindi naman kita kilala, it's just really a deal. At wala naman sigurong magkakagustong humalik sa babaeng hindi marunong humalik, I feel so sorry for you, I'm really sorry hindi na mauulit 'yon, I have no plans to do so." Diretso na sabi na para bang gusto lang niya akong mapahiya sa harapan ng maraming tao. Ito ba ang plano niya bakit siya pumayag sa gusto ko? Ito ang tinatago niya na dapat ko sana siyang pinabayaan na lang, ang bastusin at pahiyain ako?
Nanginig ang buong katawan ko sa sinabi niya, para akong isang nakakahawang sakit na tila unti-unting lumalayo ang mga tao sa tabi ko, lahat sila ay nakatingin sa akin. Patuloy pa ring nagsasalita si Xandre, pero hindi ko na naririnig pa ang mga sinasabi niya. Namumuo na ang mga luha sa mata ko, hinawakan ako ni Anika sa balikat. Naramdaman ko naman si Jairus na kumilos at akmang lalapit kina Xandre pero naunahan siya ni Jared na biglang sinuntok si Xandre.
"Hayop ka! Magpakalalaki ka!" sigaw ni Jared kay Xandre. Bumawi naman si Xandre kay Jared, sinuntok din niya ito sa mukha.
"Gago! It's none of your business," sigaw din ni Xandre. Nag-umpisa nang magsigawan ang ibang mga babae. Hinila ko ang kamay ni Jairus ng humakbang siya papunta sa harap.
BINABASA MO ANG
Unwanted First Kiss (Completed-Editing)
Teen FictionNang dahil lang sa hindi niya inaasahang unang halik ay magbabago ang takbo ng mundo ni Hailey. Kung napigilan lang niya ang pangyayaring ito tiyak na hindi magugulo ang tahimik niyang buhay bilang isang estudyante, bilang isang anak ng kilalang pam...