Sapat na lahat ang narinig ko kay Xandre. Isa lang ang gusto kong gawin sa oras na ito at sa mga susunod pang araw, 'yon ay ang mahalin siya.
Tila isang mapaglarong kapalaran, ang lalaking halos isumpa ko noon ay siya rin ang lalaking minamahal ko ngayon.
"May gusto ka bang puntahan?" tanong ni Xandre na nakahawak sa manibela. Sadyang katamtaman lang ang pagtakbo niya ng sasakyan.
Umiling ako bilang tugon sa tanong niya.
"Next time, I'll make sure wala nang istorbo sa susunod nating date." Tumingin siya sa akin, at ngumiti.
Hindi ko maipaliwanag ang kakaibang ngiting ito na patuloy na pumupukaw sa puso ko. Napakalakas ng impluwensiya ng mga ngiti niya kaya naman isang napakatamis na ngiti ang iginanti ko sa kanya.
"Movie?" bigla niyang tanong.
"Movie? It's too late, magsasara na ang mall," nang-aasar kong sabi at inayos ko ang buhok kong hinahangin dahil nakabukas ang bintana ng sasakyan. Honestly, hindi ako nanood ng sine, ayoko 'yong madilim na paligid nito.
"Sa bahay niyo." Ikinagulat ko na sagot ni Xandre.
"No way," mabilis kong sagot sa kanya. Hindi siya sumagot. "Hindi naman sa ayaw kitang pumunta sa bahay ko, you see, hindi pa kami okay ni dad at mom," pagpapaliwanag ko. Ayokong ito na naman ang panggalingan ng 'di namin pagkaka-unawaan.
Nakatingin ako sa kanya habang nakatangin siya sa kalsada. Bigla niyang itinabi ang sasakyan na napapansin kong ginagawa niya sa tuwing may seryoso siyang sasabihin.
Humarap siya sa akin, "Bakit hindi mo subukan, ilang weeks na rin na hindi mo kinakausap ang parents mo?" mahinahon niyang sabi.
Napabuntong hininga ako. "I'm not yet ready, hindi ko pa rin matanggap na niloko nila ako." Nakayuko ako na tila may kinakapa sa bag, hindi ako at ease na pag-usapan ang tungkol sa parents ko.
Kinuha niya ang kanang kamay ko at pinisil niya ito, "Hailey, you're lucky, dahil hanggang ngayon kasama mo pa rin sila." Bagamat nakayuko ako naramdaman kong nakatitig siya.
Napakabigat ng binitiwan niyang salita.Tumingin ako sa mga mata, nakikita ko ang kalungkutan dito.
"It's been five years na hindi ko nakakausap ang mom ko, gusto kong malaman kung bakit iniwan niya kami ni Allaine? Bakit pumayag siyang sumama sa iba si dad." Napabuntong hininga siya, pilit niyang ikinukubli ang mga mata niyang puno ng hinagpis.
"Nalaman ko na lang kay Lola na meron ng asawa si mom abroad, ayaw niyang ibigay ang contact number niya sa amin. You have the chance na makasama mo ang parents mo, you have to grab every opportunity na magkasama kayo." Napakalalim ng sinasabi niya.
This is the first time na nag-open siya sa akin. Hindi ko alam ang isasagot ko sa kanya. Hinaplos ko ang kanyang mukha, gusto ko siyang i-comfort.
"It's okay Xandre. One of these days, magkikita rin kayo ng mom mo, sigurado akong meron siyang sapat na dahilan kung bakit siya lumayo," mahinang sagot ko.
Sumandal siya sa upuan at muling hinawakan ang manibela. Hinawakan ko siya sa balikat.
"Ito rin ba ang reason kung bakit hindi ka close sa dad mo?" nahihiya man akong tanungin siya subalit gusto kong malaman ang dahilan dahil gusto kong mas makilala pa siya.
Tumango siya, "but I don't think this is the right time to tell you, I'm sorry."
"It's okay, I understand."
"Thank you, for understanding."
Napakalalim niya, but one thing for sure, gagawin ko ang lahat para hindi niya maramdamang nag-iisa siya.
BINABASA MO ANG
Unwanted First Kiss (Completed-Editing)
Novela JuvenilNang dahil lang sa hindi niya inaasahang unang halik ay magbabago ang takbo ng mundo ni Hailey. Kung napigilan lang niya ang pangyayaring ito tiyak na hindi magugulo ang tahimik niyang buhay bilang isang estudyante, bilang isang anak ng kilalang pam...