Previous from Unwated...
"Hi guys! Late na ba kami?" biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang marinig ko ang isang pamilyar na boses. Tama ba 'yong pandinig ko? Sh*t is that Xandre? Dahan-dahan akong tumingin, naglalakad papalapit si Xandre kasama si Lianne na nakapulupot ang kamay sa beywang ni Xandre. Parang biglang nagliparan ang mga paru-paro sa tiyan ko. Lalong lumakas ang pintig ng aking dibdib.
Parang napako ang tingin ko sa kanya, naramdaman kong nag-init ang mukha ko. Kailangan ko ng tubig, parang may nakasabit na kung ano sa lalamunan ko.
"Guys, sorry!" Natauhan ako nang muli siyang magsalita. Bigla siyang tumingin sa akin at ngumiti. Ngayon ko lang siya nakitang ngumiti na parang walang pagkukunwari, lumabas ang isang dimple nya sa kanang pisngi. Nakaclean cut, at napakalinis ng patilya, nakawhite shirt at black pants. Hoy! Hailey ano bang ginagawa mo? Inis na tanong ko sa sarili. Yumuko ako bigla nang mag-abot ang aming tingin.
"Hi guys!" Bati ni Lianne, di ko napansin nasa likuran pala nila si Elle. Kumaway naman ang mga kaibigan niya,pero hindi ko nakitang kumaway si Lexie. Ibinaling niya ang tingin sa akin, bahagya niyang itinaas ang kanyang kilay habang nakayakap parin ang kamay niya kay Xandre. Humangin lang talaga siguradong kita na ang kaluluwa ni Lianne sa suot niyang skirt, isama mo pa ang sleeveless blouse na bumakat pa ang panloob niya. Lumapit si Elle sa lalaking nasa kanan ko at humalik siya dito. Ang landi! Napabulong na lang ako sa sarili ko. Naupo sina Xandre at Lianne sa tapat ko.
"Let's start the game, nandito na ang game master!" Sigaw ni Matthew. Nakita kong kumuha ng fries si Lianne at isinubo kay Xandre, yumuko ako na parang walang nakita. Samantalang kanina pa umiinom ng alak ang mga lalaki at ang kanilang partner.
"Hailey, tagay ka!" Sigaw ng babaeng nakayakap kanina sa boyfriend.
"No, thanks." Malumanay kong sabi, sabay subo sa shanghai na kinakain ko kanina pa. Hindi ako umiinom, maamoy ko nga lang ang amoy ng alak parang nalalasahan ko na, katulad ngayon hindi pa siguro ako umiinom lasing na ako.
"Huwag niyo siyang painunim baka magkalat lang 'yan dito," mayabang na sabi ni Xandre. Bastos! Kung pwede lang ay ibato ko sa kanya ang pinggan na hawak ko.
Sabay tawa naman ng kanilang kaiibigan. Hinawakan ako ni Lexie sa braso.
"Pasensiya ka na Hailey, talagang mapagbiro lang yang kaibigan namin," sabi naman ni Matthew at tumawa ulit sila. Pinalo naman ni Lexie sa balikat si Matthew.
"Okay lang siyang magbiro sa iba basta huwag lang niya akong lokohin," tumingin ng masakit sa akin si Lianne habang sinasabi niya ito. Sabay yakap niya ulit kay Xandre. Naa-alibadbaran talaga ako sa babaeng ito, kung makakapit daig pa ang tuko. Eto namang si Xandre akala mo kung sinong hari na parang gustong-gusto ang ginagawa ni Lianne. Stupid!
"Ikot na ang bote!" Sigaw ni Matthew. Ano bang sinasabi nito, don't tell me lahat kami tutungga sa bote na may alak. Naiinis kong sabi sa sarili. Nakita kong may kinuha sa kanyang likuran ang lalaking medyo singkit, nang ilabas niya ito mula sa likuran ay isang empty bottle pala. Sh*t don't tell me magtu-truth or dare sila. Nagkamali talaga ako nang pumayag na sumama dito. Umikot ang paningin ko sa mga nakaupo, kitang kita sa kanila ang excitement sa mukha nila. Mukhang sanay na sanay sila sa ganitong kasiyahan. Inilapag ng lalaki ang bote sa gitna at pinaikot niya ito.
"Woah!" Nagulat pa ako sa sigaw ni Elle. Napasigaw siya dahil sa kanya nakaturo ang nguso ng bote.
"Truth or dare?" Halos sabay nilang tanong.
"Dare!" Sigaw ni Elle sabay inom ng alak.
"Kiss Nathan in 10 seconds!" Sabi ni Lianne. What? kiss talaga in 10 seconds? Bigla akong hindi mapakali dahil baka sa akin huminto ang bote. Naalala ko pa, huli kong nilaro ito nung 1st year highschool ako, dare ang sinabi ko noon, at sa kasamaang palad inutusan nila akong halikan ang lalaking nagkakagusto sa akin, ang ginawa ko umalis na lang ako at hindi na bumalik. Akalain mo ba namang 'yon sana ang first kiss ko sa isang lalaking ayoko pa mapupunta. Pero sa bandang huli din pala sa lalaking ayoko rin napunta ang first kiss ko, sa monster na si Xandre.
BINABASA MO ANG
Unwanted First Kiss (Completed-Editing)
Teen FictionNang dahil lang sa hindi niya inaasahang unang halik ay magbabago ang takbo ng mundo ni Hailey. Kung napigilan lang niya ang pangyayaring ito tiyak na hindi magugulo ang tahimik niyang buhay bilang isang estudyante, bilang isang anak ng kilalang pam...