Chapter 74 A Friend or An Enemy

33 2 0
                                    

"Ma'am wala pa dito si sir Xandre," wika ng kanilang staff sa information desk.

"Sige, hihintayin na lang namin siya dito," sagot ko.

"Bes, dapat kasi tinawagan mo muna," sabi ni Anika.

"Kaya nga surprise 'di ba?"

"Tayo naman ang nasurprise, 'di ba?"

Hinayaan ko na lang ang tinurang iyon ni Anika. Nasaan na ba kasi si Xandre? Paano kung hindi siya dumating? Dinukot ko ang telepono ko sa bag, bago ko pa man ito mai-dial ay pumasok si Xandre, kasunod ay si Jairus.

"Bro, ang tanging alam ko lang ay naencounter ko ang hayop na Jake na 'yon at si Lianne kagabi," nakakunot na sabi ni Xandre.

Napahinto silang dalawa ni Jairus sa paglalakad nang makita kaming nakaupo sa lobby.

"B-babe," tanging nasambit ni Xandre. Napatayo akong nakatingin lang sa kanya.

"Hi, nandito pala kayo," masayang bati ni Jairus.

"Etong si Hailey kasi gustong i-surprise si Xandre."

Ang galing talaga ni Anikang mang-inis ibubuking pa ako.

Binalewala ko ang sinabi ni Anika katulad ng pagbalewala ko sa narinig ko tungkol kay Lianne. Humalik sa pisngi si Xandre at kinuha si Zyla kay Yaya.

"Kanina pa kayo?" tanong niya.

"Kararating lang namin," sagot ni Anika. Inunahan na naman niya ako.

"Wow, mukhang may dala kayong foods, sakto we didn't eat our breakfast yet," ani Jairus. Kinuha niya ang mga pagkaing nakapatong sa mesa sa lobby. Dinala niya ito sa kanilang opisina, kaya naman sumunod na lang kami kay Jairus.

Sumunod naman agad si Anika kay Jairus.

"Thanks for coming," bulong ni Xandre habang naglalakad papasok sa office.

"Xandre, Hailey can we talk?" Sabay kaming napahinto ni Xandre para tignan ang babaeng nagsalita.

Si Castel.

Hindi ko alam kung gaano kaimportante ang sasabihin niya bakit ngayon pa gayong kailangan din naming mag-usap ni Xandre?

"Makakapaghintay ba 'yan? Gutom na ako," walang emosyong sabi ni Xandre.

"Of course!"

Pagpasok namin sa loob ng office ay nakalabas na lahat ng pagkain.

"Let's eat!" sabi ni Jairus. "Oh, you're here, Castel. Do you need something?"

"Sort of," mahinang sagot ni Castel. I don't know, pero parang kakaiba ang aura niya ngayon. I don't really care. Basta huwag lang siyang gumawa ng bagay na hindi ko magugustuhan dahil talagang susunggaban ko siya.

Tumayo si Castel pumunta kung saan nakalagay ang coffee maker. Hindi ko maiwasang panuorin siya sa ginagawa niya.

Siniko ako ni Anika. Napabuntong hininga na lang ako. Bumalik sa kinaruruonan namin si Castel. Hindi katulad ng dati, tahimik lang siya habang nagkakape, samantalang paminsan-minsan ay sinusulyapan ko si Xandre, maaliwalas ang mukha at tila talagang gutom.

"How's your enrolment, Hailey?" tanong ni Xandre.

"Magpapaenrol pa lang ako mamaya," sagot ko.

"Really? Did I hear it right, Babe?" nagtatakang tanong ni Xandre.

Tumango ako.

"Mabuti naman at natauhan ka," sabat ni Anika.

"Babe, samahan na lang kitang mag-enrol." Napatingin ako kay Castel.

Unwanted First Kiss (Completed-Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon