Chapter 25-Sudden Change

616 33 12
                                    

XANDRE'S  POV

What the fuck! Kay aga-aga akala mo kung may mamatay sa tindi ng lakas ng pagkatok sa pinto ko, sino kaya ang tarantadong kumakatok sa pinto ko?! 

Agad akong bumangon para buksan ang pinto, nang isusuot ko pa lang ang aking panyapak ay bumukas ang pinto. Bumungad sa akin ang galit na galit na mukha ni Jairus. Lumapit siya sa akin na magkasalubong ang kilay. Tinititigan ko lang siya habang mabilis siyang humahakbang papalapit sa akin. Magsasalita na sana ako nang bigla niya akong sinuntok sa mukha.

"What do you think you're doing Xandre?!" galit na galit niyang sabi. Muli niya akong sinunggaban. Hinawakan niya ako sa kwelyo, bago pa man niya ako masuntok sa pangalawang pagkakataon ay naitulak ko na siya.

Hinawakan ko ang mukha kong nasuntok ni Jairus.

"I warned you already Xandre na layuan mo si Hailey, I know your tactics!"

Bigla akong naglakad palayo sa kanya. Ayoko siyang patulan sa pagkakataong ito. Sinundan niya ako papalabas ng kuwarto at hinila niya ang braso ko.

"Where did you bring her?"

Buong lakas kong ikinampay ang braso ko na dahilan ng pakakabitaw niya dito.

"Are you really asking me that? Tarantado ka pala eh, ikaw 'tong nang-iwan kay Hailey sa ere matapos kang sumama sa first love mo!" Dinuro ko siya dahil sa galit ko. "Oh, well, thank you dahil binigyan mo ako ng pagkakataon," nakangisi kong sabi habang inaayos ko ang kwelyo ko.

"F*ck you! Alam kong pinaglalaruan mo lang si Hailey!" M.uli niya akong sinuntok sa mukha na siyang dahilan ng pagsandal ko sa pader.

Susunggaban ko na sana siya nang may sumigaw sa may 'di kalayuan sa kinatatayuan namin.

"Stop that!"

Sabay kaming napatingin sa nagsalita. Si dad nakatayo sa gilid ng kuwarto ni Jairus na katabi lang ng akin. Hawak ko pa rin ang bahagi ng mukha kong sinuntok ni Jairus. 

Pasalamat siya dahil dumating si dad. Dahil baka hindi ko alam kung ano ang magawa ko sa kanya.

"What's with you boys?" Papalapit siya sa amin, nakakunot ang kanyang noo. "Hindi na ba kayo titigil sa pagbabangayan? Ano na naman ba ito? You keep on fighting! Grow old kids!" pasigaw na sabi ni dad.

No one dares to speak. We know him, the more na sasagot ka sa kanya, the more na umiinit ang ulo niya. Wala na akong magawa kung hindi ang tumalikod na lang, it will not make sense, anyway. Ako na naman ang lalabas na masama, na kesyo pinatulan ko na naman ang ini-ingatan niyang anak-anakan.

"Xandre, where are you going? I'm not yet done talking to you!"

Napahinto ako sa sinabi niya, all this time lahat ng sinasabi niya sinusunod ko. Gustuhin ko mang humarap sa kanya nang may panggalang at respeto, hindi ko magawa dahil hindi naman niya ako paniniwalaan.

It started nang hindi na kami nagkikibuan ni Jairus dahil kay Castel.

Nalulong si Jairus noon sa alak, at sigarilyo. Simula noon ay kakaibang atensyon na ang ibinibigay niya kay Jairus dahil natatakot siya na mawala ang anak-anakan niyang may sakit sa puso.

Huminto ako, subalit nakatalikod pa rin sa kanila, kung ang hindi ko pagharap sa kanya ay maituturing na pagdisrespect sa kanya kahit minsan lang ay magawa ko ito,  napabuntong hininga ako.

"I don't owe you an explaination, kaya nang ipaliwanag ni Jairus ang lahat, kung sa palagay niyo ako ang may kasalanan, I'll accept it."

Hinihintay ko siyang magsalita. Subalit sa ilang segundo ay hindi ko narinig ang kanyang tinig.

Unwanted First Kiss (Completed-Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon