Chapter 50 Outraged

379 17 15
                                    

Previous

"Tita, please huwag niyo pong sabihin kay Hailey na sinabi ko ang nangyari sa kanya." Tumango siya.

"Thank you, hija. More than anyone else, kailangan niya tayo. Please, stay with her. Nasasaktan ako kapag nakikita ko siyang umiiyak. She's weak, alam mo yan."

"I know, kaya po ni Hailey ito, she's strong now tita." Niyakap ako ni tita.

Sabay kaming tumayo.

"Puntahan mo na siya sa kuwarto niya. Gagawa ako ng sopas." Tumalikod si Tita.

"Ah, tita. May dapat pa po kayong malaman."

Lumakas ang kabog sa dibdib ko nang biglang napatingin sa mata ko si Tita Hannie.

"Ano 'yon hija?"

"Kasi po..." natigilan ako nang marinig ko ang pagbukas ng pintuan, sabay kaming napatingin ni tita kay Tito Anton na nakangiti habang papalapit sa amin.

"Good evening girls." humalik si Tito kay Tita Hannie. "Where's Hailey?" nagtatakang tanong niya.

"Masama daw ang pakiramdam kaya umakyat na," pagsisinungaling ni tita. Napayuko na lamang ako.

Paano nga ba maipagtatapat ni tita ang ginawa ni Xandre kay Hailey? Kaya ko rin bang ipagtapat ang tunay na pinagdadaanan ng kanilang nag-iisang anak?

"Siya sige, akyat muna ako," paalam ni tito. Nagkatinginan na lang kami ni tita Hannie.

"Hija, ano ba 'yong sasabihin mo?"

Naramdaman ko ang panlalamig ng aking mga kamay pero hindi ko pinahalata kay tita. Parang bigla akong nawalan ng lakas ng loob na sabihin sa kanya ang pagdadalang tao ni Hailey.

"Ah...sa ibang araw na lang po baka hinihintay na ako ni Hailey sa kuwarto niya," pagkukunwari ko.

"Mas mabuti pa nga akyatin mo na ang kaibigan mo." Hinimas ni tita ang balikat ko at agad naman akong sumunod sa sinabi niya.

Para akong nabunutan ng tinik, nang hindi na nagpumilit si tita. Baka nga hindi talaga dapat manggaling sa akin ang pagtatapat sa kalagayan ni Hailey.

Nagmadali akong umakyat sa attic at agad na pumasok sa kuwarto ni Hailey, napatigil ako sa paglalakad nang makita kong nakaupo si Hailey sa kama habang hawak ang tiyan na umiiyak. Nagulat na lamang ako nang makita ko ang manipis na linya ng dugo na dumadaloy sa kanyang binti.

"Hailey!" napasigaw ako at nagmadaling lumapit sa kanya. Wala parin siyang tigil sa pag-iyak na parang natulala lamang.

"Tita tulong! Tita! Tito tulong!" para akong batang sumisigaw, humihingi ng saklolo.

Narinig ko na lang ang mga mabibigat na yapak papalapit sa kuwarto ni Hailey.

"What's happen---ing?" Napahinto si tita nang makita niya si Hailey, halos 'di magkandaugaga si tito Anton sa pagbuhat kay Hailey at nagmadaling bumaba sa hagdan ng hindi man lamang naringgan ng kahit na anong salita.

Inakay ko si tita Hannie na nanginginig sa nakita niya at lakad takbo kaming sumunod kay tito Anton.

"Tell me Anika, she's okay," mangiyak-ngiyak na sabi ni tita Hannie.

"Everything will be okay tita, Hailey is a fighter."

Hindi ko alam kung papaano ko ma-a assure ang isang ina na walang mangyayaring masama sa nag-iisa niyang anak.

"Ate!" Narinig kong sigaw ni Abby na nakatayo sa ibabang bahagi ng hagdan habang dumadaan kami sa harapan niya.

Saglit kung ibinitaw ang kanang kamay kong nakahawak sa balikat ni tita a hinawakan ko naman sa kamay si Abby. "She'll be fine, Abby. You stay here."

Unwanted First Kiss (Completed-Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon