Pagdating namin sa bahay nina Xandre, tuwang-tuwang umupo si Anika sa sofa. Mukhang hindi sila nakutento sa pinanood namin sa sine at isinalang agad ni Allaine ang DVD ng Beautiful Creatures.
Natauhan ako nang nagsalita si Xandre, "I'll go to my room." walang emosyon niyang sabi. Hindi pa ako nakakapagsalita ay nakatalikod na siya, hindi ko alam kung bakit bigla siyang naging tahimik pagkatapos naming manood ng sine. Tumingin si Anika sa akin na parang nakahalata.
"Guys, puntahan ko lang si Xandre." Napatingin si Allaine at Abby sa akin, sabay pa silang tumango na tila naiintindihan nila ako.
Kinakabahan ako, bakit parang napakabigat ng mga paa kong pumunta sa kuwarto niya? Huminto ako sa tapat ng kuwarto niya, kinapa ko ang dibdib ko na hanggang ngayon ay mabilis pa rin ang tibok. Dahan-dahan kong itinulak ang pinto at pumasok, hinagod ko ng tingin ang buong kuwarto, subalit wala si Xandre. Lumapit ako sa banyo at idinikit ko nang bahagya ang mukha ko nang bigla bumukas ang pinto.
"Shit!" napasigaw ako sa gulat at muntik na akong matumba ng mabangga ako ni Xandre buti na lang mabalis niya akong nayakap. Lalong bumilis ang tibok ng puso ko nang mag-abot ang tingin namin. Nang nakabalik na ako sa tamang posisyon ay binitiwan ako ni Xandre at dumiretso siya sa harap ng cabinet para kumuha ng damit. I feel rejected, parang ang sakit sa dibdib anytime ay maiiyak na ako.
Hindi ako nakatiis, lumapit ako sa kanya at niyakap ko siya habang siya'y nakatalikod.
"X-xandre, may problema ba tayo?" nag-aalangan kong tanong. Dahan-dahan niyang inalis ang kamay kong nakayakap sa kanya, isa pang rejection from him, iiyak na ako. Sinundan ko siya ng tingin, naupo siya sa kama. Tumayo ako sa harapan niya at hinawakan ko ang kanyang pisngi. "Baby," mahinahon kong sambit. Nakayuko lamang siya, umupo ako sa tabi niya.
"Please answer me honestly, may dapat ba akong malaman?" tanong niya.
Lalo akong kinabahan, patawarin ako ng Diyos pero kailangan kong magsinungaling. You will understand me kung bakit ko ginagawa 'to ayokong mapahamak si Xandre.
Tumingin siya sa akin, naghihintay ng isasagot ko, he knows me, hindi ako makakapagsinungaling sa kanya pero kailangan kong panindigan ito.
"Xandre, what do you mean?"
"Pakiramdam ko may tinatago ka, may mga pagkakataon na tumatahimik ka na lang. Boyfriend mo ako, I need to know kung meron kang problema." Hinawakan niya ang kamay ko. "Look, I'm here, kung meron mang gumugulo sa isip mo, nandito lang ako. You're always beside me everytime I need you, I want to do the same." Pinipigil ko ang luha ko sa mga sinasabi niya.
I'm sorry, but I can't tell you.
"I'm okay, dahil alam kong nandiyan ka lang. Kung meron man akong problema, sasabihin ko sa'yo." Hinagkan ko ang kanyang mukha, at inilapit ang mukha ko dito, dahan-dahan kong inilapat ang labi ko sa labi niya, isang halik ng pagmamahal, halik ng kasiguraduhan na siya lang ang lalaking nagbibigay ng lakas sa akin. Naramdaman ko ang paghawak niya sa baba ko while he's kissing me so gently.
"I'm serious." Hinimas niya ang buhok ko. "Just promise me, that you'll be honest." Tumango ako sa sinabi niya.
Lumipas ang ilang araw, bitbit ko pa rin sa aking dibdib ang paglihim ko kay Xandre. Maraming pagkakataon na gusto kong sabihin sa kanya pero nauunahan ako ng takot.
"Hi! Hailey! Long time no see!" pasigaw na sabi ni Lexie at yumakap siya sa akin. Niyakap ko rin siya. Nakataas ang kilay ni Anika habang nakatitig sa amin, tila naa-artehan sa eksenang nakikita niya.
Hinawakan niya ang kamay ko, "How's Xandre? Loko 'yon hindi man lang nagpapakita. Pinagbawalan mo ba siya?" nakakaloko niyang tanong. Umiling akong nakangiti. "Let's meet sometime before graduation. Tell-Xandre-na-huwag-siyang-magtago." Nakatingin lang ako sa kanya sa bilis niyang magsalita. "Hope to see you at school." Niyakap niya ako ulit.
BINABASA MO ANG
Unwanted First Kiss (Completed-Editing)
Teen FictionNang dahil lang sa hindi niya inaasahang unang halik ay magbabago ang takbo ng mundo ni Hailey. Kung napigilan lang niya ang pangyayaring ito tiyak na hindi magugulo ang tahimik niyang buhay bilang isang estudyante, bilang isang anak ng kilalang pam...