Chapter 48- Unwanted Revelation

354 19 17
                                    

"Why did you do that?" Mahigpit ang hawak ni Xandre sa manibela habang nakakunot ang noo. "Mapapahamak ka lang, paano kapag nalaman ito ng dad mo, paano kung malaman nila ang ginawa ng hayop na 'yon sa'yo?!" sigaw niya. I'm trying to understand him,alam kong distress siya sa mga nangyari.

"I'm just trying to help you, Xandre." Hinawakan ko siya sa braso.

"No, you're just making things complicated! Look, ikaw ang malalagay sa alanganin."

"Who the hell, I care. I just care about you. Gusto ka niyang ipakulong, hindi ko kayang makita ka sa kulungan Xandre." Nag-umisa ng tumulo ang mga luha ko.

"I'm just trying to protect you." Patuloy pa rin siyang nakatingin sa harap ng sasakyan.

"You promised me na hindi ka gagawa ng ikakapahamak mo, you promised me na kakalimutan na natin ito, what happened?"

"You can't blame me na sa tuwing naiisip kong hinawakan ka niya kahit man lang sa kamay mo ay hindi ko mapigilang magalit, hindi ko mapigilang gusto ko siyang patayin. Dahil sa tuwing naalala ko ang nagyari sa'yo sinisisi ko ang sarili ko." Yumuko siya sabay pukpok ng manibela.

"Xandre, hindi mo kasalanan ang kademonyohan ng lalaking 'yon." Hinimas ko ang kanyang likod.

"Nang dahil sa akin nasaktan ka, muntik nang mapahamak. I'm sorry." Hinawakan ko ang baba niya para iharap sa akin ang mukha niya. Hindi ko maiwasang umiyak nang makita ko ang luhang pumatak sa kanyang mga mata, mga luhang tumutusok sa aking dibdib.

"Baby, look at me." Yumuko ulit siya. "Please." Dahan-dahan niyang inangat ang ulo niya.

"I'm sorry, Hailey. You don't deserve this."

"Pssssshhh...Huwag mong sisihin ang sarili mo. We'll get through this, kakayanin natin. Please, huwag kang sumuko, please..." Niyakap ko siya ng buong puso. Marami na siyang pinagdaanan sa buhay niya, hindi ko kayang makita siyang malungkot.

"I'm sorry." Humigpit ang yakap niya sa akin.

Pagkatapos naming mag-usap ni Xandre ay hindi ko pa siya nakita. Buong araw na hindi nagpaparamdam si Xandre, I tried to call him pero hindi siya sumasagot. Tinawagan ko si Allaine pero hindi pa raw niya nakita si Xandre ng buong araw. Hindi ako sanay na hindi man lang siya makita sa isang araw, na hindi ko man lang siya naka-kausap.

Xandre, nasaan ka na?

ANIKA'S POV

"Ayos ka lang ba Bess?" nag-aalalang tanong ko kay Hailey nang makita kong hawak niya ang kanyang ulo.

"Bigla akong nahilo, biglang sumama ang pakiramdam ko." Inalalayan ko siyang umupo sa sofa ng sala nila.

"Kumain ka na ba?" Tumango siya.

"Puyat lang 'to, Anika," sabi niya.

"May problema ba kayo ni Xandre?" Hindi siya umimik bagkus sumandal siya sa sofa.

Ikinwento niya ang nangyari between Xandre and Jake.

"Ayaw ka lang niyang madamay, tama si Xandre dapat hindi mo ginawang makipag-bargain sa gagong Jake na 'yon."

"Para ano? Makulong si Xandre? Look, wala ang dad niya dito, walang tutulong sa kanya. Ito lang ang alam kong paraan para huwag siyang idemanda ni Jake."

"Hindi mo obligasyon si Xandre, Hailey," I said out of frustration.

"Mahal ko siya, you don't understand dahil hindi mo pa nararanasang magmahal." Natahimik ako sa sinabi niya, nasaktan. I'm just trying to make her realize na wala siyang pananagutan kay Xandre, choice ni Xandre ang ginawa niya kay Jake. "Sorry, Bess. Hindi ko sinasadya." Hinawakan niya ako sa kamay.

Unwanted First Kiss (Completed-Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon