Chapter 43-Sinister Smile

291 19 10
                                    

XANDRE'S POV

Bigla na lang tumawag si Lola, it's already three in the afternoon, hindi ko alam kung gaano kalayo ang pinapahanap niyang lugar, may usapan kami ni Hailey. Pero hindi ko dapat palagpasin ang pgkakataong may malaman ako tungkol kay mom. Maybe I can make at 6:00PM para sunduin si Hailey.

Paminsan-minsan lang tumatawag si Lola kapag meron siyang sinasabi tungkol kay mom ang huli naming pag-uusap ay noong nakausap daw niya si mom, telling the old lady that she's fine but she never told her whereabouts.

Kailangan kong puntahan ang address na sinabi niya. Isang napakalaking katanungan bakit ilang taon kaming tinikis ni mom na hindi makita, alam kong may mali at 'yon ang gusto kong alamin.

Hindi ko na sinayang ang oras, pinuntahan ko ang isang lugar na hindi pamilyar sa akin. Halos isang oras kong hinanap ang lugar na 'to. Isang exclusive subdivision ang pinuntahan ko, sa istraktura pa lang ng mga bahay ay hindi lang basta-basta mayaman ang mga nakatira dito. Malaki ang mga bahay at may pader na may metal fence ang bawat paligid. Napansin ko ang mga letrang metal na nakadikit sa gate, lumapit ako sa mismong harapan ng gate at muli ko itong binasa North Crest Subdivision, ito na nga ang hinhanap ko.

"Sir, may hinahanap ba kayo?" Halos mapa-atras ako nang may nagsalita sa harapan ko, isang guard pala at tanging gate lang ang namamagitan sa amin. Nilapitan siya ng isa pang guard.

"May problema ba?" nakahawak ang isang kamay ng guard sa lalagyan ng baril na nakasabit sa beywang ng lumapit na guard.

"Ah, boss nandito ba si Franco Buenavista?" tanong ko. Nagtinginan silang dalawa at muling tumingin sa akin ang unang guard.

"Sino ka ba, anong kailangan mo kay Attorney?" tanong ng guard pero hindi nakaligtas ang mata niyang tila nanghihinala.

"Gusto ko lang siyang makausap, importante lang." If this is not for my family I will not do this, nakakairita ang mukha ng dalawang gurd na 'to.

Nakita kong kinuha ng pangalawang guard ang telepono at may tinawagan. Maya-maya ay lumapit ang guard.

"Pare wala daw ina-asahang bisita si Attorney."

Napakamot ako sa batok dahil sa narinig ko. Of course, hindi naman ako nag-set ng appoinment!

"Kung gusto mo daw paki-antay na lang siya, lalabas sila sa loob ng sampung minuto." Dugtong pa niya sabay talikod, ang sarap sapakin kung makatingin sila at makangisi para akong isang kriminal.

Kung hindi lang ito tungkol kay mommy hindi ako mag-aaksayang pumunta dito, at hindi rin ako magtitiis na maghintay sa kung sino mang attorney na 'yon.

Minabuti ko na lang na tawagan ang isang sikat na restaurant para mag-pa-reserve sa date namin ni Hailey. Muli akong tumingin sa relo, it's four at ang tagal ng attorney, lumipas na ang sampung minuto. Hindi ako nakatiis ay lumapit ulit ako sa guard.

"Boss, matagal pa ba si Attorney?"

"Maghintay ka lang lalabas na 'yon!" Sigaw ng guard na ikinainis ko.

Magsasalita pa sana ako pero may parating na isang White Montero Sports na sasakyan. Huminto ang kotse sa tapat nung isang guard at lumapit naman ang guard sa sasakyan.

"Pangalan daw!" sigaw niya, mahigit sampung talampakan ang layo namin.

Agad ko namang sinabi ang pangalan ko sa guard na nasa harapan ko.

"Xandre Fernandez daw!" sinigaw ng guard sa kasama niya.

Muling umandar ang kotse at binuksan naman ng guard ang gate, pagtapat sa gate ay huminto ang sasakyan.

Unwanted First Kiss (Completed-Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon