Isang Linggo na rin ang lumipas magmula nang nalaman ni Jairus na mahal ko si Xandre, subalit hindi pa rin siya tumitigil sa panunuyo sa akin. Gusto ko na siyang layuan subalit hindi kaya nang konsensiya ko, inilihim ko kay Xandre ang lahat nang ito, ayokong mas lalo silang mag-away. Sa kabilang banda ay guilty pa rin ako sa ginawa ko kay Jairus.
"Bess, ano bang iniisip mo ha, kanina ka pa nakatulala," puna ni Anika. Nasa isang canteen kami sa labas ng campus, simula sa araw na komprontahin ako ni Lianne ay hindi na kami kumain sa canteen ng Campus lara umiwas.
"Wala Bess, may naalala lang ako."
"Si Xandre na naman? Naku Hailey kahit kailan hindi ako boto sa lalaking 'yon, bakit hindi nalang kasi si Jairus." Kumagat siya sa sandwich na hawak niya.
Ilang beses na niyang sinasabi sa kin ang bagay na 'to pero hindi ko naman pwedeng turuan ang puso ko. Dahan-dahan kong binaba ang tinidor na nakasubo sa bibig ko. Nahalata niya 'ata na sumeryoso ako, kahit papaano ay nasasaktan ako sa sinabi niya.
"Nagsasabi lang ako ng totoo, paano mo natitiis na sumama kay Xandre gayong ayaw niya ng commitment, nililigawan ka ba niya? Sinabihan ka na ba niya ng I love you? Hindi pa diba, kasi ayaw niya sa commitment, lahat ng naging karelasyon niya, no commitment," madiiin niyang sabi
Nabigla ako sa sinabi niya, pero kahit pagbalik-baliktarin ko man ang mundo totoo lahat ang sinabi ni Anika.
Tumayo ako at kinuha ang bag na nasa kabilang upuan, "balik na tayo sa campus," pagyaya ko kay Anika. Nauna na akong naglakad nang hindi man lang siya nilingon?
"Hailey, sorry na hindi ko na naman napigilan 'tong matabil kong dila." Sumusunod lang si Anika sa likod ko. Kinakalabit niya ako, "Bess, sorry." Pangungulit niya.
Humarap ako sa kanya, "huwag kang mag-sorry totoo naman lahat ng sinabi mo."
Hindi ko magawang magalit sa kaibigan ko kahit nasaktan ako sa sinabi niya, masakit ang katotohanan . Naglakad ulit ako. Nang naramdaman kong nagvibrate ang phone ko. Dinukot ko ito sa bulsa ng pants ko and checked who's calling. Not registered number, nag-aalangan kong sagutin ito pero hindi pa rin tumitigil ang pagva-vibrate nito kaya naman sinagot ko na.
"Hello, sino 'to?" Tanong ko habang naglalakad na nakikipag-usap.
"Hailey, pwede ba kitang mainvite sa dinner?" Boses ni Jairus, paano niya nalaman ang bago kong number? Si Xandre, Anika at si Abby lang ang nakakaalam nito, huminto ako at tinitigan si Anika.
"Sino 'yan?" Mahinang tanong ni Anika.
"Nag-iinvite si Castel for dinner, for sure tatawagan din niya si Xandre," pagpapaliwanag ni Jairus, alam kong magbestfriend sila pero imposibleng pupunta si Xandre. I never heard about Castel mula kay Jairus at Xandre pero parang nacurious ako bigla sa babaeng misteryoso sa akin.
"I can't promise, Jairus."
Kailangan kong tikisin si Jairus, ayokong ito ang pagmumulan ng away namin ni Xandre.
"Okay, I hope makapunta ka. Just let me know." Umaasa pa rin siya na sasama ako. In-off ko na ang telepono ko. Tumingin ako kay Anika bago naglakad.
"Anika, bakit binigay mo kay Jairus ang number ko?" Naiinis kong sabi sa kanya.
"Mapilit eh, tsaka kaibigan mo rin naman siya diba?" Naglakad din siya nang mabilis para masabayan niya ako. "Sorry na. Bess, sorry na." Inakbayan niya ako. Hindi na ako umimik pa.
Malayo pa lang kami ni Anika ay tanaw ko na ang apat na kalalakihan sa may daanan papuntang main building, kumaway si Matthew, samantalang titig na titig si Nathan sa akin. Pagtapat namin sa kanila, "hi, Hailey." Bati ni Tyron. Ngumiti lang ang isa pang lalaking kasama nila na hindi ko maalala ang pangalan ang ngumiti din sa akin.
BINABASA MO ANG
Unwanted First Kiss (Completed-Editing)
Teen FictionNang dahil lang sa hindi niya inaasahang unang halik ay magbabago ang takbo ng mundo ni Hailey. Kung napigilan lang niya ang pangyayaring ito tiyak na hindi magugulo ang tahimik niyang buhay bilang isang estudyante, bilang isang anak ng kilalang pam...