Chapter 65 Hope in Darkness

16 1 0
                                    

Bigla akong niyakap ni Xandre. "Yes, of course. Yes!"

"What?!" napasigaw na tanong ni Castel.

For sure, nanggagalaiti sa inis, at nangingitngit sa sa galit si Castel.

"Seriously? Pa'no ang trabaho mo dito?" Halatang hindi gusto ni Castel ang desisyon ni Xandre.

"That's a good decision," bulalas ni Jairus. "I guess mapapadali ang paggaling mo kapag kasama mo ang mga mahal mo sa buhay."

"You're too old school," ani Castel kay Jairus.

"Ano ka ba, ilang buwan lang silang mawawala. Kung ano mang work ang maiiwan ni Xandre, I know we can handle it," pagpapaliwanag ni Jairus.

"Castel, stop worrying about my work. I can be of reached anytime kahit nasa America ako." Dinig ko ang mahinang pagtawa ni Xandre. He seemed excited!

"Okay, fine!" Mukhang tuluyan na ngang naiinis si Castel. Narinig ko na lang ang malakas na pagsara ng pinto.

Hawak pa rin ni Xandre ang kamay ko.

"Pagpasensiyahan mo na 'yon, she's such a workaholic and she always sticks to plans. That's why she's worried sa pag-alis ni Xandre." Si Jairus ang nag-explain for Castel.

Halata ang pagiging concern ni Jairus sa inasal ni Castel. Meron pa kaya siyang nararamdaman para kay Castel? Sayang, sana makatagpo si Jairus na tunay na magmamahal sa kanya. Well, it's not my concern. Basta ang alam ko there's something behind that attitude na pinamalas ni Castel kanina, and it's all about her feelings to Xandre.

"Alis muna ako, may pasok pa ako. I'm happy you finally decided na magpatingin sa ibang doctor," sabi ni Jairus.

"Thanks, bro!" Sumagot si Xandre, samantalang nakangiti lang ako.

"Enjoy your date. Make the most out of it."

Narinig ko ang pagsara ng pinto.

Pinaupo ako ni Xandre sa isang malambot na upuan.

"Baby..." tawag ko kay Xandre.

"Hmmm..." tugon niya. Umupo siya sa tabi ko.

Ipinatong ko ang kamay ko sa hita niya at hinipo ko ito.

"I'm sorry, dapat sinabi ko na sa'yo kahapon ang gusto kong mangyari," nahihiya kong sabi sa kanya.

"I understand. Narinig ko kayong nag-uusap ng dad mo, hindi ko maiwasang makinig. But when I heard you telling him, na gusto mong pumunta sa America, honestly I was happy. Dahil alam kong magagamot ka dun, at dahil alam kong hindi ka sumuko," sabi niya.

Tumayo siya. Tila may kinuha at inilapag sa harap ko. Kinuha niya ang kamay kong nasa lap ko. I guess his sitting in a seat in front of me.

"I was surprised sa sinabi mong gusto mo akong kasama."

"Nahihiya nga ako sa'yo kasinalam kong may work ka."

"Huwag mong isipin ang work ko, ang gusto kong mangyari ang makasama ka kahit saan man ito."

"Thanks for not giving up on me," sabi ko.

"Halika na, our daughter is waiting." Bahagya niya akong hinila patayo.

I smiled. Naglakad kami palabas sa office.

"Hmmm, I have an offer." Ito ang mga salitang bungad sa amin ni Castel.

Nandito pa pala siya. I don't care kung anuman ang offer niya.

Patuloy pa rin kaming naglakad ni Xandre magkahawak ang kamay.

Unwanted First Kiss (Completed-Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon