HAILEY'S POV
I and Xandre had a smooth relationship. Kahit na busy siya sa review niya noon he never fails to connect with me, at times nagpapadeliver siya ng boquet of tulips kahit nasa Canada ako. Lalong lumalim ang pagmamahal ko sa kanya kahit pa ilang milya ang pagitan naming dalawa.
I am 6 months pregnant, from the time we learned the gender of our baby, pati siya mismo ay bumibili ng gamit ni baby, ipapakita na lang niya sa video call 'yong mga gamit na nabili niya. Hindi maitago ang kanyang excitement.
"Dad, pwede bang sa Philippines na lang ako maglabor?" tanong ko kay dad habang kumakain kami ng breakfast.
From the past months, ngayon ko lang nauunawaan ang lahat ng ginawa ni dad. Kahit hindi niya sabihin, he wants us to establish first our career, he wants Xandre to focus sa career niya for our future kung sakaling 'di man kamo sumuko.
I never complained kay dad at mom. We never have fight again because of Xandre. I was freely connected to Xandre anytime.
Hindi sumagot si dad, I looked at mom tila gusto muna nilang pag-isipang mabuti ang kanilang isasagot.
"Besides, it's Xandre's birthday two weeks from now at magbubukas sila ng Construction Firm," pagpapatuloy ko.
"Really, it's kuya Xandre's birthday?!" natutuwang sambit ni Abby. "Sana pumayag si dad na umuwi tayo. I learned to love Pinas, especially my school." Nalungkot si Abby.
Malapit na ang birthday ni Xandre, it will be our first to celebrate his birthday together kung saki, sana kahit papaano ay masorpresa ko siya. And I am very excited to support his chosen career. Sa tulong na din ng mom niya kaya magiging possible ang construction firm na pinangarap ni Xandre. Bagamat medyo matagal pa ang gugulin niya bilang pagiging apprentice para makapag-exam ng Board Exam for Architecture ay alam kong makakaya niya.
I never expected him how responsible he is despite of all the jugdement na natanggap niya noon. I admire him, and I'm proud of him.
"Inspired talaga si Kuya Xandre eh. Sigurado ako excited na rin siya sa paglabas ni baby," Abby added smiling.
Napatawa na lang ako sa sinabi niya. Nakita ko si dad at mom nakangiti lang.
"We'll talk about it darling," nakangiting sabi ni mom.
Bagamat may pagkakataon na hesitant akong magsabi kina mom and dad when it comes to Xandre, alam kong they will listen to me.
"By the way, send our congratulations to Xandre." Bagamat hindi nakatingin si dad, alam kong sincere siya sa sinabi niya.
My tears were about to fall, tears of joy pero biglang nagsalita si Abby. "Yehey! Hindi na galit si dad!" sigaw ni Abby na parang bata.
"Abby, nasa harap tayo ng hapagkainan," seryosong puna ni dad.
Natahimik si Abby, pero pangiti-ngiti pa rin siya. Natawa ng malakas si mom.
"Everybody deserves a second chance," sambit ni mom.
"Thank you, dad, mom..." Ito lang ang mga salitang nabanggit ko.
During our almost 5 months stay sa Canada ay hindi ako humintong matuto. I enrolled in Culinary Arts, dahil may special program sila, I finished some of the curriculum. Hindi naman ako nahirapang maglihi and I enjoyed cooking.
Naghihintay parin ako sa decision ni dad, and I am fervently praying na sana pumayag siyang umuwi ako sa Pinas.
While I and Abby are doing our Lasagna and garlic bread for our snacks ay tumawag si Xandre. It's video call.
BINABASA MO ANG
Unwanted First Kiss (Completed-Editing)
Teen FictionNang dahil lang sa hindi niya inaasahang unang halik ay magbabago ang takbo ng mundo ni Hailey. Kung napigilan lang niya ang pangyayaring ito tiyak na hindi magugulo ang tahimik niyang buhay bilang isang estudyante, bilang isang anak ng kilalang pam...