Chapter 10-Undesirable Feeling

732 50 25
                                    

XANDRE'S POV

"Hailey?" Halos hindi lumabas sa bibig ko ang kanyang pangalan. May kung anong damdamin ang hindi ko gusto sa oras na 'to. Ang maantig ang puso ko nang makita ko ang mga luha sa mga mata ni Hailey.

Tumayo siyang bigla at sabay alis, hindi na niya pinagpag ang kanyang pantalon na puno ng buhangin.

"Hailey, wait!" Sigaw ko. Subalit hindi siya huminto. Inihakbang ko ang mga paa ko patungo kay Hailey, hindi ko man alam ang dahilan pero hindi ko mapigilan ang sarili ko na sundan siya. "Hailey, wait!" Inulit ko lang ang sinabi ko, halos tumakbo na ako hila si Zai para habulin siya. "Hai--," bago ko pa makumpleto ang pangalan niya ay nakaharap na pala siya sa akin.

"Ano pa ba ang gusto mong mangyari?!" Punong-puno ng galit ang kanyang mga mata.

Nakatayo pa rin ako habang tinititigan ko siya.

"Hindi pa ba sapat ang ginawa mo sa akin, ang ginawa niyo sa akin. Hindi ka pa ba nakuntento sa pagpapahiya sa akin sa harap ng maraming tao?" Muli ay nakita ko ang mga luhang umaagos sa mga mata niyang magaganda.

"Hai-ley," bakit sa pag-kakataong ito ay nauutal ako sa babaeng pinagti-tripan ko lang.

"Huwag na huwag mong tatawagin ang pangalan ko, you don't have any right para banggitin mo ito!" sigaw niya sa akin. Pinunasan niya ang kanyang mga luha at muli siyang tumalikod.

Sinundan ko pa rin siya, samantalang tumatahol naman si Zai. Humarap siyang muli sa akin.

"Please lang huwag mo akong sundan," matigas ang kanyang pagkakasabi.

"Hailey, once and for all tapusin na natin ito." Parang bigla akong natauhan, narealize ko na napakalumanay nang pagkakasabi ko sa kanya, parang biglang nawala ang inis at galit ko sa babaeng kaharap ko, na hindi ko naman alam kung saan nang-gagaling ang emosyon na 'to.

"Pwede ba, don't mention my name," may katigasan pa rin sa pagkakasabi niya, hindi ko siya masisisi.  "Tama ba ang narinig ko? Tapusin na natin ito? Hindi mo na ako malilinlang Mr. Fernandez. Kung gusto mong tapusin 'to ipakita mo na nagsisisi ka sa ginawa mo at linisin mo ang pangalan ko sa campus. Pero sadyang napakahirap ibalik ang iniingatan kong dignidad na ninakaw mo sa akin, kaya pwede ba magpaka-lalaki ka!" Ang kaninang matang puno ng luha ay nababalutan ng galit.

Tuluyan na siyang umalis at hindi ko na sinundan pa. Biglang bumalik ang ala-ala ng una naming pagtatagpo, ang araw na hinalikan ko siya nang walang kalaban-laban at pahiyain ko siya sa harap ng maraming tao. Bigla akong nanghina ng marealized ko kung gaano kasakit ang nagawa ko kay Hailey, subalit hindi ko na kayang ibalik pa ang mga iyon.

Bumalik ako sa bahay namin para iuwi si Zai. Hindi ko namalayan na alas diyes na pala. Pagpasok ko pa lang sa loob ng bahay ay biglang may kung anong matigas na bagay ang dumapo sa mukha ko, paglingon ko ay si Jairus pala, sinuntok ako ni Jairus at napasandal ako sa pader.

"Look what have you done to Hailey, never siyang nag-absent sa class niya pero wala siya kahit sa bahay nila dahil sa kagagawan mo!" Sigaw ni Jairus.

Umalis ako sa pagkakasandal at hinarap ko si Jairus, "Wala akong pakialam, it's her choice na hindi pumasok!" Sigaw ko sa kanya, hinawakan ko siya sa kuwelyo at sinuntok. Natumba siya sa sahig. Hindi ko mapigil ang sarili kong suntukin siya. Alam kong gusto niya si Hailey, at ayoko kong makita siya na masaya.

"What's happening here!" Sigaw ng madrasta ko. Nang makita niyang tumatayo si Jairus ay napatakbo siya dito.

"Jairus, are you okay?" Nag-aalala niyang sabi. Hindi sumagot si Jairus at dumiretso siya sa kuwarto niya. Tumingin ang madrasta ko sa akin, subalit wala siyang sinabi, ni hindi siya nagalit sa akin. Pinuntahan niya ang anak sa kuwarto. Maya-maya ay biglang sumigaw ang mommy ni Jairus.

Unwanted First Kiss (Completed-Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon