XANDRE'S POV
Pagkakita kong umalis na ang kotse ni Hailey ay agad ko ring pina-andar ang kotse ko. May kung anong panghihinayang akong nararamdaman, binalewala ko ito. Pinatugtog ko ang stereo.
"Xandre, so I don't know mahilig ka na pala sa mga love songs ngayon," pansin ni Lianne na nakangiti.
Hindi ko napansin na malumanay pala ang music, and I really don't know kung anong song ito. I really hate love music, para akong nabibingi everytime nakakarinig ako nito.
"Kelan pa?" nang-aasar na tanong ni Lianne.
"Will you shut up?!" napasigaw ako sabay patay ng stereo.
"Oh, saan naman nang-gagaling ang emosyon na yan?" Mukhang ayaw pa rin niya akong tigilan sa pang-aasar.
Kumunot ang noo ko, "Stop it Lianne, it's not funny!" Lalo kong pinabilis ang takbo ng sasakyan. Tumahimik si Lianne dahil alam niyang seryoso ako. Nakafocus lang ako sa pagda-drive nang naging mabagal ang pagtakbo ng sasakyan dahil na rin sa traffic.
Ilang minuto na rin na hindi umuusad ang sasakyan, "Sh*t! Pati ba naman dito traffic?" naa-asar kong sabi. Sumandal ako habang hinihintay na umusad na ang jeep na nasa harapan ko. Hindi na ako nakatiis, lumabas ako ng kotse.
"Wait!" Narinig kong sigaw ni Lianne pero hindi ko na siya pinansin.
Kaya naman pala traffic dahil may banggaan. Napakamot ako sa batok nang makita kong napakahaba ng traffic. Pati sa kabilang lane ng kalsada ay natraffic na rin.
Lumapit ako sa may banggaan, laking gulat ko nang makita kong nakatayo si Hailey sa harap ng pulang kotse, nandun din ang babaeng kasama niya kanina. Nagmadali akong naglakad.
Nakaakbay ang babaeng kasama niya sa kanya, "Are you okay, may masakit ba sa'yo?" nag-aalalang tanong ng babae samantalang nakapikit si Hailey at umiling.
Kumurap-kurap si Hailey at pinahid ang mata, hinawakan niya ang kamay ng babae, "Tita, okay lang po ako. Nasaktan po ba kayo?" Halatang sobra sa pag-alala si Hailey.
HAILEY'S POV
Hanggang ngayon ay nanginginig pa rin ang mga tuhod ko, naalala ko na biglang lumabo ang paningin ko at nagkamali ako sa paghawak ng manibela napadiin ang apak ko sa preno nang biglang bumusina ang kotseng kasalubong ko subalit huli na ang lahat, bahagyang bumangga ang bumper ko sa side ng kotse.
Natauhan ako nang may humawak sa braso ko. "Hailey?" Kumabog ang didib ko nang marinig ko ang isang pamilyar na boses. Lalong bumilis ito nang makita ko si Xandre. Hinila ko ang braso kong hawak niya.
"Miss, tignan mo kung anong ginawa mo." Nagtitimpi sa galit ang lalaking may kotse.
"Tito Paul?!" gulat na sambit ni Xandre. Tito pala niya itong lalaking kanina pa nagagalit na kung maari lang ay saktan niya ako.
"Xandre! Do you know this reckless lady?" Tinuro pa ako ng lalaking ito, pinisil ko ang kamay ni Tita Jana, dahil kanina pa siya nagtitimping patulan ang lalaking tinawag ni Xandre na tito.
I admit, kasalanan ko naman talaga, pero ang hindi ko maintindihan ay ang biglang paglabo ng mata ko kanina.
"Yes, Tito. She's my friend. In fact, she's the only daughter of Mayor Abalos." Nakangiting sabi ni Xandre habang nakaakbay sa Tito niya. Nanlaki ang mata ng lalaki sa narinig.
"Sir, baka pwedeng pag-usapan na lang natin 'to. We'll pay for the damages." Mahinahong nakikipag-usap si Tita Jana.
"Tito, ibalato mo na lang sa akin ito, tutal babayaran naman nila ang damages, aregladuhan na lang," tila confident na nakikipag-usap sa Tito niya.
BINABASA MO ANG
Unwanted First Kiss (Completed-Editing)
Teen FictionNang dahil lang sa hindi niya inaasahang unang halik ay magbabago ang takbo ng mundo ni Hailey. Kung napigilan lang niya ang pangyayaring ito tiyak na hindi magugulo ang tahimik niyang buhay bilang isang estudyante, bilang isang anak ng kilalang pam...