Chapter 72 FEAR

25 2 0
                                    

XANDRE'S POV

Nakaramdam ako ng matinding takot nang hindi pa gumising si Hailey bagamat naihinto ko na ang sasakyan.

Isang malakas na pag-iyak ni Zyla nag gumising sa kanya.

She rubbed her eyes na para bang naalimpungatan lang siya. Agad niyang hinarap si Zyla.

"Yaya, baka gutom si baby," sabi niya.

Nakatitig lamang si Yaya kay Hailey na tila nagtataka at nagtatanong kung ano ba ang nangyari.

"Hey, yaya bakit ganyan ang tingin mo sa akin?" Finally, tinapunan niya kami ng tingin ni Anika. "What's with that look?" nagtatakang tanong niya habang kinakarga niya si Zyla. "Bakit tayo huminto?" tuloy na tanong niya.

Agad namang kinuha ni yaya ang botilya na may gatas at inabot ito kay Hailey.

"Are you okay?" tanong ko sa kanya.

Habang nakaupo si Zia sa lap niya ay hawak naman niya ng kanyang isang kamay ang boteng may gatas. She rubbed her eyes again. Ilang beses niya itong kinurap-kurap.

"Bes, okay ka lang ba? May masakit ba sa'yo?" 'di mapigilang tanong ni Anika.

"I'm okay. Bakit nga ba tumigil tayo?"

"Baby, you were shouting and we're trying to wake you up pero matagal bago ka gumising," pagsasalaysay kong may pag-aalala.

"I was just dreaming siguro," hindi niya siguradong sagot.

Natatakot akong baka bumalik uli ang kanyang trauma and worst baka mabulag ulit siya.

"There is a big chance of reoccurrence," naalala kong sabi ng doctor.

Hindi na siya nagkwento ng kanyang panaginip. She seems fine, and I thank God for it.

Pagdating namin sa bahay ay isang sulat ang binigay ni Yaya Azon.

"Kanino galing, yaya?"

"Nakita ko lang po sa gate," sagot ni Yaya.

Napatingin ako kay Hailey na nakatingin din pala sa akin.

"From who?"

Agad kong binuksan ang pink envelope, ito ay may lamang isang greeting card.

Welcome to the Christian World, Baby Zophia Ysabel Fernanadez.

Ito lamang ang natatanging laman ng greeting card. Walang nakalagay kung kanino galing.

"Walang address, o pangalan na nakalagay," sabi ko.

"Nandito na ba sina dad?" biglang tanong ni Hailey.

Si Aling Azon lang at si Mang Boy ang naiwan, halos lahat ng kasambahay at guards ay kasama namin.

Hindi pa nakakasagot si Aling Azon ay biglang bumukas ang pinto.

"We're late may dinaanan pa kami," bungad ng mom ni Hailey.

"Where are the bodyguards?" Tumaas ang boses ni Hailey na ikinagulat namin.

"Bakit mo hinahanap ang mga body guards?" tanong ng dad ni Hailey na nakasunod sa likod ng mom niya. "Pinauwi ko ang iba, si Roman lang pinaiwan ko."

"What? Dad, bakit mo naman sila pinauwi, they need to be here, my daughter's life is at risk," nayayamot na sagot ni Hailey.

Agad akong lumapit kay Hailey, hinila niya ang greetinf card na nasa kamay ko. "Baby..." Hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko ay nagsalita siya.

"So who do you think gave this?" Itinaas niya ang greeting card. "Walang pangalan kung kanino nanggaling, wala!" Itinapon niya ang greeting card sa sahig. "Dad, please bring here all the securities, please dad!"

Unwanted First Kiss (Completed-Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon