Chapter 41 No Regrets

410 21 7
                                    

Kinabahan ako sa sinabi ni Mang Ben. Hindi ko na pinatapos magsalita si Mang Ben, agad akong nagbihis. Kailangan ko siyang puntahan. Kailangan ako ni Xandre.

Pagbaba ko mula sa attic ay nakaupo si Abby sa sofa.

"Abby, may importante akong pupuntahan bahala ka nang magpaliwanag kina mommy." Tumayo siya subalit hindi ko na siya hinarap, bagkus ay dumiretso na ako palabas ng bahay.

"Ate!" Narinig ko pang sigaw niya, subalit hindi ko na siya binalikan.

Magkahalong kaba at takot ang nararamdaman ko habang minamaneho ko ang kotse ko.

Sino ang gagawa sa kanya nito?

Halos paliparin ko ang kotse para lamang madaluhan ko agad si Xandre. Binugbog siya. Isa-isa kong inisip kung sino ang maa-aring magpabugbog sa kanya.

Itinabi ko ang sasakyan at dinukot ang cellphone sa bulsa ng pantalon ko. Nanginginig akong pinindot ang number ni dad.

"Anong ginawa mo kay Xandre, dad!?" sumigaw ako. Nagfri-freak out na ako. Ayoko mang paniwalaan ang isip ko pero sadyang ito ang sinasabi nito.

"What are you talking Hailey?" sagot ni dad.

"Hindi ako makapaniwala na kaya niyo palang manakit ng ibang tao, bakit si Xandre pa dad?!" gusto kong umiyak, pero natatabunan ito ng galit na nararamdaman ko kay dad. Bakit umabot pa sa ganito.

"Hindi kita maintindihan, ano bang pinagsasabi mo?"

"I won't forgive you dad, oras na may mangyaring masama kay Xandre." galit na galit ako.

Bakit kailangan nilang saktan si Xandre? Binaba ko na ang phone, ayoko nang marinig pa ang kasinungalingan ni dad.

Hindi ko na kayang pigilan pa ang mga luhang dulot ng sakit na ginawa ni dad. Napadiin ang hawak ko sa manibela dahil puno ng galit at pag-aalala ang dibdib ko, mabilis kong pinaandar ito na para akong wala sa sarili.

Pagdating ko sa bahay ng lola ni Xandre ay agad akong nagdoor bell at pinagbuksan naman ako agad ni Mang Ben.

"Saan po si Xandre?" tanong ko sa matanda

"Nasa kuwarto niya, nagpapahinga." Pinapasok ako ni Mang Ben.

Mabilis kong pinuntahan ang kuwarto ni Xandre. Bahagyang nakabukas ang pintuan kaya pumasok ako, nakatingin lamang si Xandre sa kisame habang nakapatong ang isang kamay sa noo niya. Tila hindi niya naramdaman ang pagdating ko. Naglakad ako patungo sa kanya, paglingon niya sa kinaroonan ko ay nabagbag ang aking damdamin. Bahagyang namumula ang ibabang bahagi ng kanyang labi, pumutok pati ang kanyang kilay.

"What are you doing here?" Bungad niya at iniwas niya ang kanyang tingin sa akin.

Nilapitan ko siya, subalit hindi pa rin siya tumingin sa akin. Umupo ako sa tabi niya at hiwakan ko siya sa kamay.

"Xandre, what happened?" ito lang ang tanging nabigkas ko. Hinipo ko ang kanyang pisngi.

"Hindi ka na dapat pumunta dito, baka lalo ka lang mapagalitan ng dad mo." walang emosyon niyang sabi.

"I'm sorry kung napahamak ka dahil sa akin."

"What do you mean?" Nabigla niyang tanong.

"Alam kong si dad ang may kagagawan nito." Siguradong-sigurado ako sa sinabi ko.

"Hailey..." tila hindi siya makapaniwala sa sinabi ko. Tumingin siya sa akin.  "Umuwi ka na, hinahanap ka na ng dad mo." Muli niyang iniwas ang mukha niya.

"No, I'll take care of you." Muli kong hinipo ang kanyang pisngi. Bigla siyang tumayo.

"Ihahatid na kita sa inyo." Dire-diretso siyang lumabas sa kuwarto.

Unwanted First Kiss (Completed-Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon