Chapter 70- Pride and Joy

18 1 0
                                    

Hanggang ngayon ay lutang pa rin ako sa pagpropose ni Xandre sa akin. After all, he deserves YES, I believe we deserve each other.

"Ang haba talaga ng hair mo, Bes! Siguro hanggang Amerika na ang kahaba!" Kinikilig akong niyakap ni Anika.

Lumapit si Jairus sa amin ni Anika.

"Congrats!" nakangiti niyang sabi.

"Ako kaya, kelan din hahaba ang hair ko hanggang Amerika?" Tila pinaparinggan niya si Jairus. Natawa na lang ako sa tinuran ni Anika.

"Guys, you want something? Baka gusto niyo pang kumain?"

"Sabihin mo nga Bes siya ang gusto kong kainin," bulong ni Anika. Bigla ko siyang siniko. Nagkunwari nan siyang tumawa.

"Ano daw Hailey?" tanong ni Jairus.

"Wala. Sabi ko gusto ko ng chicken wings!" biglang sagot ni Anika.

"Sige wait lang at mag-oorder ako," nakangiting sabi naman ni Jairus at tumalikod na siya sa amin.

"Hi guys! Akala ko tulog na kayo," sabi ni Castel na kalalabas lang sa kwarto niya.

"Hmmm...we're checking kung complete na ba ang mga gagamitin sa binyag ni Zyla bukas," nakangiting sagot ko. Samantalang nakatingin lang si Anika sa papel na nasa lamesa.

"What can I help?" tanong ni Castel sabay ubo sa tabi ko.

"So far, complete naman na ang checklist ko," walang emosyon na sabi ni Anika.

"Okay." maiksing sagot ni Castel.  "By the way, congrats Hailey. Finally, tinanggap mo na ang proposal ni Xandre," nakangiting sabi niya.

"Thanks," nakangiti kong sabi.

Napansin kong dahan-dahang isinasara ni Xandre ang pinto ng aming kwarto. Napatingin siya sa akin.

"She's asleep," he lipsynced.

"Ang bait naman ng magiging Mister mo, siya ang nagpatulog kay baby Zyla," komento ni Castel.

"Siyempre naman, Hailey is so lucky dahil pareho ko silang aalagaan ng magiging anak namin," nakangiting sagot ni Xandre.

"I am more than lucky." I smiled at Xandre. Umupo siya sa kabilang upuan na napapagitnaan namin ni Anika.

Dumating naman si Jairus.

"Your order ma'am," nakangiti niyang sabi habang nilalapag ang isang platong chicken wings sa harapan ni Anika. Sekreto akong napangiti.

Anika is blushing! Natawa ako sa isip ko.

"Thank you," seryosong sagot ni Anika. Biglang nag-iba ang mood niya, parang bigla siyang nahiya.

Ngumiti si Jairus bilang tugon.

"Guys, all is set for tomorrow. Salamat sa support niyo," singit ni Xandre.

"Everybody is excited! Magiging part na ng Christian World si baby!" excited na sabi ni Castel.

Napatingin ako kay Anika na nag-taas ng kilay. Sana ako lang talaga ang nakakita. She picked a wing sa plato at isinubo niya ito to ignore what has been said by Castel.

"All for my pamangkin," sabi naman ni Jairus.

KINABUKASAN ay hindi ako magkada-ugaga sa pagcheck ng mga details sa binyag ni Zyla.

"Hoy, Bes. Okay na. Huwag kang masyadong praning. Ayos na lahat yan! See!" Umikot pa si Anika habang nakabuka ang kanyang kamay.

"Yes. And thank you!" Napayakap ako sa kanya.

Unwanted First Kiss (Completed-Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon