Chapter 54 Risk

28 0 0
                                    

XANDRE'S POV

Alam kong ang dad ni Hailey ang nasa likod ng reklamo against me. Alam kong ginagamit niya ito to warn me. After that police investigation, wala ng follow up ang kaso na ipinagtataka ko.

I just called Hailey, she seems doesn't know about the investigation thing. Ayoko nang mag-alala pa siya, I guessed the investigation served its purpose. From there on, hindi na nangulit ang mga pulis.

Nakabalik na daw sina Hailey sa kanilang mansyon, pero hindi pa ako nakadalaw sa bahay nila dahil na rin sa kahilingan ni Hailey. Sigurado akong hanggang ngayon ay galit pa sa akin ang kanyang mga magulang.

Hindi ko pa nakikita si Hailey matapos ang insidente, I'm longing for her but on the other hand, gusto ko munang maging maayos ang lahat.

"Kuya, kuya I want that car!" Tinuro ni Alex ang isang toy car sa play section ng isang mall. Pilit niyang inaabot ang laruan.

"Let me get it," I said.

Tuwang-tuwa si Alex nang hawak na niya ang laruan.

Lumapit si mom sa amin.

"Anak, what did I say, no buying of toys. Ang dami mong toys sa bahay."

Nagusot ang mukha ni Alex, sabay abot niya ng laruan sa akin.

Ibinalik ko ito sa kanya, "Its okay, gift ko sa'yo 'yan," nakangiti kong sabi.

Tumingin si Alex kay mom na parang humihingi ng go signal. Ilang beses namang tumango si mom.

"Thank you, mommy." At niyakap niya si mom.

Hindi ko maiwasang ngumiti. Tila naging pilyo ang isip ko. Gusto ko ng 2 boys and 1 girl na magiging anak namin ni Hailey. Lalo akong napangiti sa kaisipang ito.

"Hey, kanina ka pa nakangiti diyan," puna ni mom.

Inakbayan ko si mom, "Mom, I'm sure you'll like her kapag nakilala mo."

Hindi ko maitago ang excitement na nararamdaman ko sa pagkikita ni mom at ni Hailey.

"You're really in love! Your smile and your eyes tell it."

Ngumiti lang ako sa sinabi ni mom.

Bukas na ang graduation, subalit mas excited ako sa muli naming pagkikita ni Hailey, mahigit isang linggo kaming hindi nagkita.

Uuwi si dad from America, bagamat may kalungkutan dahil hindi niya makakasama si Jairus at Tita Jenny, I'm still thankful dahil naging succesful ang operation ni Jairus. Hindi ko pa nakausap ng personal si Tita Jenny, pero masasabi kong okay na ako sa kanya.

Tinawagan ko si Hailey while mom and Alex are in the play area of the mall.

"Hi baby, I'm excited to see you, parang hindi na nga ako makapaghintay," bungad ko agad sa kanya.

Narinig ko ang mahinang pagtawa niya, tumawa din ako. Her voice alone can make my day. I'm into her.

"Ano ka ba naman, baka hindi ka na makatulog sa excitement mo," nang-aasar niyang sabi. "Baby, congrats! Finally! Sigurado akong magiging isa kang succesful na Architect," tuwang tuwa niyang sabi.

"Pangako, magiging magaling akong Architect, at bubuo tayo ng sarili nating pamilya," seryoso kong sabi.

Sigurado ako sa sinabi ko, gusto kong siya ang kasama kong bumuo ng sarilibg pamilya.

"Gusto kong ikaw ang magiging ina ng magiging anak ko," dugtong ko.

"I have  to go, Babe. I love you."

Unwanted First Kiss (Completed-Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon