Chapter 27- Confused

757 31 32
                                    

Wala akong ganang pumasok, pero kailangan kong makausap si Jared para sa project namin. Nanghihina pa rin ako hindi dahil pagod ang katawan ko kung hindi dahil sa kaiisip kung bakit dumating nag punto na muntik ng may mangyari sa amin ni Xandre.

Napakatanga ko talaga bakit hinayaan kong mangyari ang isang bagay na alam kong hindi niya sinadya, at sa bandang huli ay pagsisihan niya.

Dahan-dahan akong bumangon at umupo sa kama habang nakatingin sa isang painting na halos napapaligiran ng kadiliman at isang bituin lang ang kakaibang kulay dito, katulad ng painting ay tila napakadilim ng isipan ko at sana may isang bituin na magbibigay liwanag sa isip ko.

Hindi na dapat pang dugtungan ang anumang namamagitan sa amin, meron nga bang namamagitan sa amin? Kailangan ko nang tuldukan ang hindi tamang nararamdaman ko. 

Alam kong may girlfriend siya pero hinayaan kong mahulog ang loob ko sa kanya, na sa simula pa lang ay sinabi na niyang kahit kailan ay hindi siya magkakagusto sa isang tulad ko  Isang napakalaking pagkakamali na naniwala ako sa mga sinabi niya noong gabing nasa beach kami. Isang pagkakamali na mahulog ako sa bitag niya.

Nanlulumo akong tumayo at pumasok sa banyo, humarap ako sa salamin, dahan-dahan kong itinaas ang t-shirt na binigay ni Xandre na suot kong natulog. Naalala ko ang init ng mga halik niya, napapikit ako and starting to touch my lips. Suddenly, natauhan ako at pinukpok ko ang ulo ko ng palad ko, sana makalimutan ko na lang pero sadyang napakahirap.

Ano bang ginagawa mo Hailey? Masasaktan ka lang, masasaktan lang si Jairus, maraming pwedeng masaktan. Habang kaya mo pang matarok ang nararamdaman mo, kailangan mo nang tumigil. Pigil ng isip ko.

Hindi ko namalayan na may tumulong luha sa pisngi ko, bakit ba ako nagkakaganito? Bakit sa dami nang lalaki sa kanya ko pa naramdaman ito, bakit hindi na lang kay Jairus? Naalala ko ulit kung paano ako halikan ni Xandre, kung paano niya hawakan ang mukha ko, kung paano niya banggitin ang pangalan ko. Bakit mo ba ginagawa sa akin 'to Xandre?

Bumaba agad ako pagkatapos kong mag-ayos ng sarili.

Kaya mo 'to Hailey, you need to be strong. Kailangan mo nang lumayo kay Xandre, ginugulo lang niya ang isip mo.

Bitbit ko ang Jansport backpack ko,  nakasiksik lahat ng gamit na kailangan ko sa drawing. Mas mabuti na lang siguro na bumalik ako sa mga dati kong ginagawa.

Habang naglalakad ako papuntang kitchen ay kinapa ko ang phone sa front pocket ng bag kailangan kong tawagan si Anika. Shit! Wala pala akong phone, nakaramdam na naman ako ng kalungkutan when I realized na si Xandre na naman ang unang pumasok sa isip ko. Cheers Hailey! Okay lang yan, makakalimutan mo rin siya. I'm trying to be positive, kahit sa pamamaraang ganito ay maging maayos ako. Nagulat ako nang may nagsalita sa likuran ko.

"Amira, nagbreakfast ka na ba?" Tanong ni dad na may pag-aalala, hawak niya ang isang sandwich. 

Hanggang ngayon hindi ko pa rin sila kinikibo, hindi ako nakikisabay sa pagkain, yes, okay na kami ni Abby, pero hindi ko pa sila kayang kausapin.

Hindi ako sumagot sa tanong ni dad, binuksan ko ang ref at nilagyan ng gatas ang basong hawak ko.

"Darling, please kausapin mo na kami ng mommy mo," hinawakan ni dad ang balikat ko.

"I have to go, malilate na ako." Nagmadali akong lumabas sa kitchen, iniwan kong nanlulumo ang aking ama.

Hindi ko maiwasang maiyak habang palabas ako ng bahay, hindi ko alam kung ang sanhi ng pag-iyak ko ay ang panloloko nila sa akin o ang kaisipang nahuhulog ako sa isang lalaking alam kong hindi magkakagusto sa akin.

Unwanted First Kiss (Completed-Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon