HAILEY'S POV
"Aheeem..."
Boses ng babae ang narinig ko. Bigla akong kumawala sa pagkakayakap ni Jairus at naramdaman kong nag-init ang mukha ko, hindi ako sanay sa ganitong eksena. Napatingin akosa nagsalita.
Napatitig ako sa isang mala modelong babae na nasa aking harapan, pero hindi tumagal ang titig kong iyon nang makita ko si Xandre na nasa tabi ng babae. Nakatitig siya sa akin, kumunot noo niya nang mag-abot ang aming tingin. Natauhan lang ako nang magsalita ang babae.
"Hi Mr. Jairus Milan Samonte," niyakap niya si Jairus.
Hindi natinag si Jairus sa kinatatayuan niya na parang balewala ang pagyakap na iyon. Kumalag sa pagkakayakap ang babae.
"How are you, it's been two years, walang nagbago. Ikaw pa rin ang dati kong bestfriend na sobrang guwapo," muli niyang niyakap si Jairus while I and Xandre are standing na nanunuod sa kanilang dalawa.
"I think the event will start in just a few minutes," singit ni Xandre.
Bakit parang may naramdaman akong tensiyon, Jairus is not even smiling when she saw the girl, biglang kumalam ang sikmura ko. Feeling ko naa-out of place ako.
"I'm good, long time no see." Finally nagsalita si Jairus. "How have you been?" Pilit niyang ngumiti sa babae.
"Oh, I'm fine. Buti na lang na-contact ko itong si Xandre, I was supposed to come here alone, but thanks to this man." Bahagya niyang isinandal ang ulo niya kay Xandre. Hindi ko maiwasang tumingin sa mga mata ni Xandre, as if I am studying his reaction sa kanyang mga mata, but he's serious, I can't read his mind.
Inilayo ng babae ang kanyang ulo sa dibdib ni Xandre, "wait, wait. She must be your girlfriend," tumingin siya sa akin at hinawakan ang braso ni Jairus.
Nag-init ang mukha ko sa sinabi niya.
"She's pretty,! Wala ka pa ring ipinagbago. Your taste is good," nanunuksong sabi niya.
"Oh, by the way this is Hailey Amira Abalos, she's special." Inilagay niya ang kanang kamay niya sa likuran ko. Napalunok ako sa sinabi ni Jairus. Sinuklay ni Xandre ng kanyang daliri ang kanyang buhok. Bakit ganito na lang ang nararamdaman ko, I just want to see every reaction na pwedeng gawin ni Xandre sa pagkakataong ito, as if binabantayan ko lahat ng kinikilos niya.
"And this is Castel Alea Lopez," pagpapakilala niya sa babae. Hindi ko pa narinig ang pangalan niya from Jairus, but she called Jairus as bestfriend.
Inabot ko ang kamay ko to shakehands with her, pero nakipagbeso siya sa akin.
"Nice meeting you Hailey, I hope we could have some fun one of these days." Parang nakaplaster na ang smile sa kanyang labi, she's always smiling while talking.
"Oh sure, nice meeting you too." Sinuklian ko ng isang napakatamis na ngiti si Castel.
"You must be lucky," sabi niya kay Jairus at siniko nito sa tiyan.
"Wala ba kayong balak pumasok?" pasarkastikong singit ni Xandere, nakakunot ang noo.
"Hey, relax. Hanggang ngayon napaka-impatient mo pa rin," nanunuksong sabi ni Castel kay Xandre.
May pakiramdam ako na matagal na silang magkakilala. Ex-girlfriend ba siya ni Xandre, hindi ko maiwasan ang magtanong sa isip ko.
"We better go," sabi naman ni Jairus. Hinawakan ni Jairus ang likuran ko habang magkasabay kaming naglalakad, nakahawak naman si Castel sa braso ni Xandre.
Lumapit kami sa table ng mom and dad ni Jairus, and politely greeted them.
"Hija, I'm glad you came." Niyakap niya ako. "Jairus is very uneasy kanina pa, but it seems he's okay now," mapanuksong banat ni tita.
BINABASA MO ANG
Unwanted First Kiss (Completed-Editing)
JugendliteraturNang dahil lang sa hindi niya inaasahang unang halik ay magbabago ang takbo ng mundo ni Hailey. Kung napigilan lang niya ang pangyayaring ito tiyak na hindi magugulo ang tahimik niyang buhay bilang isang estudyante, bilang isang anak ng kilalang pam...