Kung meron man akong ipinagpapasalamat 'yon ay nangyari ang pagsuntok ni Xandre kay Christian sa pathway ng CR, dahil kung hindi siguradong gulo ang mangyayari.
Dumiretso ako sa table na kinaroroonan nila Anika, hindi ko namalayan na nasa likuran ko lang pala si Xandre. Hinila niya ang upuan na uupuan ko, umupo na lang ako para hindi nila mahalata. He sit beside me.
"Saan ba kayo galing?" bulong ni Anika. Hindi ko siya pinansin, nakahalata yata.
"LQ?" nang-iinis na bulong niya. Tinaasan ko siya ng isang kilay.
Naramdaman kong hindi mapakali si Xandre sa upuan niya. Inabot niya ang isang kamay ko na nakapatong sa lap ko, pinisil niya at bumulong siya sa akin.
"I'm sorry, baby." Sabi niya. Nakatingin si Anika na parang nagtatanong.
Lumapit sa amin ang bagong kasal kasama ang lalaking sinuntok ni Xandre.
"Hi guys, kain lang kayo." Sabi nung friend ni mom. Tumayo si mom at niyakap ang friend niya.
"Congratulations, Anne," tuwang-tuwang bati ni mom.
"By the way this is my husband, John and his son Christian." Pagpapakilala niya. Oo, Christian pala ang pangalan niya.
Bigla akong nahiya nang mapansin kong nakatitig sa akin si Christian, naalala ko ang ginawa ni Xandre. Samantalang nakatingin lang si Xandre sa pagkain niya. He never said a word.
After taking pictures with us ay umalis na ang mag-asawa at si Christian.
Pagkatapos naming kumain nauna na kami ni Xandre sa room, hindi ko pa rin siya kinakausap. Pumasok ako sa kuwarto without talking to him.
Hindi ko siya maintindihan, he's always out of control. Seloso! Mahirap bang intindihin na siya ang lalaki sa buhay ko?
Dumapa ako sa kama, gusto ko lang magpalipas ng init ng ulo, ng sama ng loob.
Tatlong magkakasunod na katok ang narinig ko, "Hailey, please talk to me. Hindi ko sinasadya, nadala lang ako ng selos," narinig kong sabi ni Xandre.
Kahit kailan hindi ko siya kayang tiisin. Tumayo ako at binuksan ang pinto subalit bumalik ako agad sa pagkakahiga. Naramdaman kong umupo si Xandre sa kama.
"I'm sorry," he said in very low voice.
Umupo akong bigla.
"Iyan ang hirap sa'yo Xandre, 'yang init ng ulo mo na lang palagi pinapairal mo. Don't you trust me?"
"I said, I'm sorry?" mahinahon pa rin ang boses niya.
"Hindi naman yata pwedeng pagkatapos mong magsorry okay na lang lahat, kailangan nating pag-usapan 'to. Ano bang problema, Xandre?" I sighed out of frustrations.
Yumuko siya. I held his hand, humarap ako sa kanya.
"Xandre, you have to trust me."
"I'm afraid na baka makakilala ka ng mas higit sa akin, ng isang perfect boyfriend. Hindi katulad kong maraming nakaraan, hindi katulad kong napakasama. Hailey, I'm afraid you might leave me." garalgal ang boses niya.
Kung alam mo lang Xandre, wala na akong ibang hiniling kung hindi ang makasama ka.
Dahan-dahan kong itinaas ang ulo ko, tumingin ako sa kanya.
"Hailey, ayokong iwan mo ako katulad nang ginawa ni mom." Hinawakan niya ang pisngi ko. "I need you, Hailey," para siyang bata na naghahanap ng kalinga. Niyakap niya ako ng mahigpit, tila kusang yumakap ang dalawang kamay ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
Unwanted First Kiss (Completed-Editing)
Teen FictionNang dahil lang sa hindi niya inaasahang unang halik ay magbabago ang takbo ng mundo ni Hailey. Kung napigilan lang niya ang pangyayaring ito tiyak na hindi magugulo ang tahimik niyang buhay bilang isang estudyante, bilang isang anak ng kilalang pam...