Chapter 68 Thorn

19 1 0
                                    

"Bes, swimming na tayo," pagyaya ni Anika habang nakaupo kaming pinagmamasdan ang mga naliligo sa pool.

"Sobrang init pa," kontra ko sa kanya. Masyadong mataas pa ang sikat ng araw, isa pa nag-ienjoy ako sa pag-aalaga kay Zyla.

"Oooh! Look!" napasigaw si Anika. Tumingin ako sa gawi ng inginuso niya.

It's Castel! Wearing her two-piece red hot swimming attire. Napataas ang isang kilay ko but no doubt lumitaw ang pagka-sexy niya. She's so damn hot. Pinagtitinginan siya mga mangilan-ngilang naliligo.

"Uwian na Bes, may nanalo na." Hindi ko mawari kung naiinis ba o sadyang napahanga si Anika sa kaseksihan ni Castel.

Sa hindi ko malamang dahilan ay biglang hinanap ng mata ko si Xandre.  I really don't like what I feel right now, biglang kumabog ang dibdib ko.

Ano ka ba Hailey, hindi niya maagaw sa'yo si Xandre dahil kung ginusto siya ni Xandre sana noon pa. Tila pinapakalma ako ng aking isip.

Biglang umiyak si Zyla. Tumayo ako para aliwin siya. Nang mapatahan ko siya ay nagpasiya akong bumalik sa cottage para kay yaya. Pagdating ko sa cottage ay wala si Xandre at Jairus. Maya-maya naman ay sumunod si Anika.

"Hailey, halika na kasi magswimming na tayo!" pagpupumilit ni Anika.

"Oo nga naman Baby, let's enjoy this moment. Swimming na tayo." Naglalakasd palapit sa amin si Xandre galing sa pintuan.

"Xandre, saan ka ba galing kanina pa kita hinahanap."

"May inayos lang kami ni Jairus," pagpapaliwanag niya.

"Saan na si Jairus?" tanong ni Anika.

"Ayon siya, sinasamahan si Castel," sagot ni Xandre.

"What?" Biglang tumayo si Anika at nagpamewang. "Sinabi ko naman sa'yo Miss Abalos na magswimming na tayo, 'yon tuloy naunahan na naman ako ni Castel." Nagkukunwaring galit si Anika.

Tumawa si Xandre. "Don't worry, Jairus is safe from Castel," sabi niya na dahilan ng pagkunot ng noo ko.

Yes, Jairus is safe from Castel kasi ikaw nga ang gusto niya! Sigaw ng isip ko.

"Mahilig talagang magswimming si Castel kaso lapitin siya ng mga guys kaya dapat may kasama siyang nagsi-swimming," nakangiting kwento ni Xandre.

I'm starting to feel jealousy pero hindi naman dapat.

"Wow ha, ano siya diyosa?" natatawang sabi ni Anika. "Ay hindi pala kasi kung diyosa siya hindi niya kailangan ng bodyguard."

Pasekreto akong natawa sa sinabi ni Anika.

"Guys, give her a chance. She's nice I swear."

Mukhang nakahalata si Xandre sa pagdisgusto namin kay Castel. Well, you can't blame us kasi si Castel ang nagpakita ng kanyang kaantipatikahan.

"Sige na Bes, magchange attire ka na nang makapagswimming ka na," sabi ko kay Anika.

"Eh, ikaw?" tanong niya.

Lumapit si Xandre sa akin at bumulong. "Go, magpalit ka na at magswimming na tayo."Nakiliti ako nang literal niyang hinalikan ang tenga ko.

"Stop it!" pagsuway ko sa kanya.

"Na naman!" sigaw ni Anika at padabog na pumasok sa kwarto.

Pumasok din si Xandre sa kwarto nila ni Jairus. Wala akong nagawa kundi ang sumunod na lang din kay Anika.

Lumabas si Anika mula sa CR. Lumaki ang mata ko nang makita ko siya. Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa. Nagmodel pa siya sa harap ko.

She's wearing a peach wrap waist one piece bathing suit. I know she's flawless and sexy cool as well, pero hindi ko inakalang she have the guts to wear such suit.

Unwanted First Kiss (Completed-Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon