HAILEY'S POV
Napabalikwas ako ng bangon nang marinig kong mag-alarm ang phone ko. Nakapikit kong kinapa ito sa lamesang nasa tabi ng kama. Kinusot ko ang mga mata ko at agad bumangon. Wala pa sina mom at dad dito, pero ngayong araw daw ang dating nila, sobra ko silang namiss, kung wala lang pasok siguradong sasama ako sa kanila.
Pumunta ako agad sa banyo at ginawa ang mala-ritual ko araw-araw. Matapos ang ilang minuto ay handa na akong pumasok sa school.
Tinignan ko ang aking sarili sa life size na salamin, naalala ko pa nang ito ay ilagay sa kwarto ko. "Hailey, remember this." Hinila ako ni mom papunta sa harap ng salamin. Inayos niya ang buhok ko at itinaas niya ng bahagya ang baba ko at 'di ko maiwasang tignan ang sarili ko sa salamin. "What matters most is how you see yourself," turan ni mom.
Napaisip ako sa sinabing ito ni mom. Tama siya, kilala ko kung sino at ano ako 'yon ang mahalaga. Napabuntong-hininga na lamang ako at nag-chin up.
"Okay, kaya ko 'to!" sigaw ko sa aking sarili.
Buti na lang at nakapagrecharge ako sa dalawang araw na walang pasok, walang gulo, walang inis, walang galit. Kaya naman parang napakagaan sa pakiramdam. Pero sa tatlong gabing nagdaan ay paulit-ulit na umi-eksena si Xandre sa ala-ala ko.
"Senyorita Hailey, kain ka muna." tawag ni Manang Azon habang naglalakad ako palabas ng bahay.
"Manang, sa school na ako kakain!" pasigaw kong sabi para marinig niya kahit na malayo na ako.
Sumakay ako sa Cadillac ko at pinaandar na ito, buti na lang at nakabukas na ang gate. Isinuksok ko ang headphone sa tenga ko at tinawagan ko si Anika.
"Hoy Bess, dadaanan ba kita sa bahay niyo?"
Hindi niya kasi ako tinext kung dadaanan ko siya.
"Hindi na Bess, on the way na ako sa school," sabi niya. Pagkarinig ko ng sinabi niya ay pinatay ko agad ang phone.
Nang makita ko na ang Gate ng school namin ay bigla na naman akong kinabahan, ewan ko ba sa tuwing papasok ako dito ay hindi maalis ang kaba na nararamdaman ko. Kaya bago pa man ako makapasok sa gate ng school ay isinabit ko na ang School Pass sa windshield para hindi na ako sitain ng guard.
Dating gawi pinark ko ang kotse ko sa bandang dulo ng parking area, habang inaayos ko ang pagkakapark ay nakita ko na si Anika na nakatayo sa bandang gilid ng kotse. Nang mai-ayos ko na ang kotse ay lumabas ako agad.
Naalala ko ang huli naming pagkikita ni Anika, hindi niya ako tinigilan hangga't hindi ko sinabi sa kanya ang dahilan kung bakit kasama ko si Xandre. Medyo lumambot yata ang puso niya nang sinabi kong si Xandre ang nakipag-areglo sa Tito niya para sa kotseng nabangga ko. Ganyan naman talaga si Anika, may pusong mamon lalo na kung nagawan mo siya ng mabuti.
"Ang tagal mo namang i-park yang kotse mo," reklamo niya habang nakapout siya.
"Bakit ka kasi nagmamadali, ha?" tinaasan ko naman siya ng kilay.
"Hindi pa kasi ako nag-almusal eh, nagrereklamo na ang mga alaga ko sa tiyan," hinawakan pa niya ang kanyang tiyan.
"Wala naman ang pagkain sa akin," nang-iinis kong sabi.
Nagpout siya ulit at inakbayan niya ako, "Bess naman eh, nakakainis ka ha." paglalambing niya.
"Sige na nga, daan tayo saglit sa canteen. Take note saglit lang ha." Tinitigan ko siya ng masama.
"Opo ma'am," nakakaloko niyang sabi.
Nasa tapat na kami ng canteen nang napadaan si Lianne kasama ang kanyang friend. Nang makita nila kami ay huminto sila, tinignan ako ni Lianne mula ulo hanggang paa, at tumingin din ang friend ni Lianne nang napakasakit kay Anika. Napataas ang kilay ko sa inasta ng mga babeng ito.
BINABASA MO ANG
Unwanted First Kiss (Completed-Editing)
Teen FictionNang dahil lang sa hindi niya inaasahang unang halik ay magbabago ang takbo ng mundo ni Hailey. Kung napigilan lang niya ang pangyayaring ito tiyak na hindi magugulo ang tahimik niyang buhay bilang isang estudyante, bilang isang anak ng kilalang pam...