ANIKA'S POV
"Hailey Amira Abalos, will you marry me?"
Nakaluhod habang nakatingin na may hawak na singsing si Xandre.
Pati ako kinikilig sa natutunghayan ko. Everyone is shouting.
"Bes, say YES!" sigaw ko.
"YES! YES! YES!" chorus na sinisigaw ng bawat isa.
Nilibot ko ang aking tingin ang lahat ng kamag-anak at kaibigan ng dalawa ay nakangiti.
Lahat kami ay naghihintay sa sagot ni Hailey.
Pero parang walang naririnig si Hailey, hindi niya kami tinapunan ng tingin. She's not smiling neither. Nakatingin lang siya kay Xandre, halata ang pagbigat ng kanyang mga mata. Is she crying?
Naghihintay si Xandre ng sagot ni Hailey habang nagsisigawan pa rin ang lahat, but I feel anxious. Parang may kung anong bumabagabag sa kaibigan ko.
"Hailey, please marry me," muling tanong ni Xandre.
Dahil nasa gilid ako ay kitang-kita ko ang pagtulo ng luha ng Hailey. Hindi ko maintindihan ang nakikita kong reaction sa mukha ni Hailey.
Dahan-dahan niyang ibinaba ang kamay ni Xandre na nakahawak pa rin sa kanya.
"I'm sorry." Tuluyan na siyang humagulgol.
Natahimik ang buong event room. Ang kaninang nagsisigawan ay biglang nawalan ng boses. Alam kong nagulat sila sa sagot ni Hailey, lalo na ako.
Hindi naging kaila kanino man ang pagmamahal meron si Hailey kay Xandre. Hindi siya sumuko, kahit ano pang pinagdaanan nila ay naging matapang at matatag siya.
Is there anything wrong, bakit nagsosorry si Hailey? Bakit hindi YES ang sagot niya. Hindi ko maiwasan ang maluha dahil sa pag-iyak ni Hailey na punong puno ng emosyon.
Hindi pa rin tumayo si Xandre. Yumuko siya.
"I'm so sorry." Tanging ito lamang ang mga salitang paulit-ulit na sinasabi ni Hailey.
"Why?" Xandre is already crying. Tumayo siya. "Ayaw mo ba akong pakasalan? Ayaw mo ba akong makasama habang buhay?"
Umiling-iling si Hailey in contrary sa tanong ni Xandre.
Alam kong she wants to spend the rest of her life with Xandre. Ilang beses na niyang sinabinm sa akin ito, pero bakit niya tinanggihan si Xandre?
Napatingin ako kina tito Anton at tita Hannie, pati sila ay nagtataka sa sagot ni Hailey.
"Hindi pa ba sapat ang pinaramdam kong pagmamahal?" mahinang tanong ni Xandre. "Alam mong mahal na mahal kita at gusto ko kayong makasama ng anak natin, but I respect your decision." Laylay ang balikat at malungkot na sabi niya.
Nabitawan niya ang dala niyang singsing. Tumalikod siya kay Hailey at humakbang papalayo. Wala kaming magawa kundi ang tumingin na lang sa dalawa.
"Anytime ay mabubulag ako, kaya mo bang tanggapin na ang magiging asawa mo ay mabubulag!"
Para akong nabingi sa sigaw ni Hailey. Lahat natulala.
Napahinto si Xandre.
"Oo mabubulag ako! At hindi ko alam kung anong kasalan ko sa Diyos at bakit pinahihirapan niya ako!" humagulgol na sigaw ni Hailey.
Hindi ko napigilan ang sarili kong umiyak. Gusto kong tumakbo para yakapin siya.
Lumapit agad si tita kay Hailey, samantalang parang tuod si Xandre na hindi makapaniwala sa kanyang narinig.
BINABASA MO ANG
Unwanted First Kiss (Completed-Editing)
Teen FictionNang dahil lang sa hindi niya inaasahang unang halik ay magbabago ang takbo ng mundo ni Hailey. Kung napigilan lang niya ang pangyayaring ito tiyak na hindi magugulo ang tahimik niyang buhay bilang isang estudyante, bilang isang anak ng kilalang pam...