Chapter 33 Perfect Date

525 23 18
                                    

Mula sa pintuan ng antigong bahay ay lumabas ang lalaking may edad na. Nag 'approve sign' siya kay Xandre, at ganun din si Xandre ginaya niya ang matanda. Nakangiting pumasok uli ang matanda sa bahay. Humarap ako kay Xandre at tinitigan ko siya nang masakit, ngiti lang ang iginanti niya sa akin. Alam kong may binabalak siya, hindi ko maiwasang ma-excite. Pumunta sa likuran ko si Xandre at bigla niyang itinakip ang dalawang palad niya sa mga mata ko, nagulat ako sa ginawa niya.

"Hey!" napasigaw ako nang bigla niyang hinalikan ang batok ko, mas lalo akong nakiliti. Pilit kong inaalis ang kamay niyang nakatakip sa mga mata ko subalit lalo pa niya itong idiniin.

"Just walk, Hailey."bBulong niya sa akin.

Naramdaman kong tumagilid siya para mai-guide niya ako habang tinatakpan parin niya ang mata ko. Hindi ko kayang nakatakip ang mga mata ko nang matagal, subalit pinaglalabanan ko ito para hindi masira ang plano ni Xandre. Hinayaan ko na lang na igiya niya ako.

"Can I open my eyes now?" nai-excite kong sabi.

"Oops, not yet." sabi niya.

"Matagal pa ba?"

"Just walk, duckling."

"What? Hey, ang sama mo!" Sabay kaming tumawa. Then he kissed my nape, lalo pa akong natawa dahil nakikiliti ako.

Nakailang hakbang pa kami nang tinanggal niya ang kamay mula sa pagkakatakip ng mata ko. Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko, napanganga ako nang makita ko ang isang table na nasa harapan namin. Nakapatay ang ilaw at may nakasinding kandila sa gitna, at may mga nakahandang pagkain. Hinagod ko ng tingin ang paligid bagamat kandila lang ang nagbibigay ng liwanag sa bahaging ito ng bahay ay hindi ko maiwasang humanga sa lawak ng espasyo, may sala set na nakapwesto malapit sa pintuan, nasa gitna kami ng mismong ibaba ng bahay.

Ivm speechless! Walang patid sa pagkabog itong dibdib ko. Narinig ko na lang ang paghila ni Xandre ng upuan, ipinatong niya ang kanyang kamay sa likuran ko gesturing me to sit down. Sumunod na lang ako sa kanya nang hindi nagsasalita.

"Come on, speak up." Nakangiti siya na tila nai-excite marinig ang sasabihin ko.

"Did you prepare all of this?" Hinawakan ko ang bulaklak na nakalagay sa vase.

"It seems you're doubting my ability," nakangisi niyang sabi habang umu-upo siya. "Hindi ba sinabi ko sa'yo na sa susunod nating date sisiguraduhin kong walang istorbo?"

Date? We're on a date and he prepared all of these. Para akong nakalutang sa hangin. It seems perfect, perfect date?

Sinimulan niyang lagyan ng juice ang babasaging baso na nasa table. Titig na titig ako sa kanya habang binubuhos niya ang juice sa baso. Hanggang kailan ko kaya siya pwedeng titigan ng ganito? Isipin ko lang na magkakalayo kami ay parang hindi na ako makahinga.

Isa-isa na niyang nilagyan ng pagkain ang plato ko, "Miss Abalos, baka matunaw ako sa pagkakatitig mo," nang-iinis niyang sabi.

Bakit na lang napaka-aware niya sa paligid? Sa pagtitig ko sa kanya?

"You have to try my buttered chicken with mushroom, siguradong makakalimutan mong anak ka ng mayor," natatawa niyang sabi.

Hawak ang tinidor at knife ay humiwa siya ng maliit na piraso ng chicken at isinubo sa akin.

"Hmmm...Ikaw ba talaga ang nagluto nito?"

It tastes good. Hindi ko akalain na marunong magluto si Xandre.

"Of course!" proud niyang sabi.

Habang kumakain kami ay naikwento niya ang mga araw na dito sila nakatira. Hindi man niya diretsahang sabihin nararamdaman ko ang kalungkutan sa kanya sa tuwing mapag-uusapan ang mom niya. But he is too good na ibahin ang usapan kapag sumeseryoso na siya.

Unwanted First Kiss (Completed-Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon