Chapter 51- Hurt Heart

101 7 3
                                    

Hailey's POV

"Dad, huwag niyo na pong ipaalam sa dad ni Xandre. Wala pong makakaalam lalo na si Xandre na buntis ako." Tila isang napakatatag na desisyon ang binitiwan ko. Galit ako sa kanya, at kinamumuhian ko siya.

Pagkaramdam ko palang sa sakit ng aking tiyan kanina ay buo na ang aking pasya na huwag ipaalam kay Xandre ito, ayoko nang makinig pa sa mga paliwanag niya dahil baka sa bandang huli hindi ko siya matiis. Tanging ang iniisip ko lamang ay ang kapakanan ng anak ko.

I don't deserve this, ang tanging ginawa ko lang ay mahalin ang maling tao, ang ibigay sa maling lalaki ang puso at pagkatao ko.

Hinagod ni mom ang buhok ko. Halos hindi ko maitingin ang mga mata ko kay dad na siyang higit na apektado sa nangyari. Ang dignidad ng pamilya na kanyang inalagaan ay minsanang nabasag dahil sa kapusukan ko.

"Dad, I'm sorry," buong pagpapakumbaba kong binigkas habang nakayuko ako.

Wala akong mga salitang narinig galing sa kanya bagkus nilapitan niya ako at mahigpit na niyakap. Higit pa sa mga salitang nais kong marinig ang naramdaman ko sa mahigpit na yakap ni dad. Muli na namang umagos ang mga luhang kanina ko pa pinipigil.

"Ssshhh...tahan na makaka-sama kay baby ang pag-iyak nang pag-iyak." Mangiyak-ngiyak na sabi ni mom.

Bahagyang kumalas sa pagkaka-yakap si dad at tumingin sa akin, "everything will be okay, you need to be strong."

Yumakap ako kay dad na parang batang itinago ang mukha sa dibdib niya.

Nakabibinging mga salita ang bumalik sa aking ala-ala.

"Muntik nang mabaliw ang kapatid ko dahil kay Xandre! Sinubukan niyang magpakamatay dahil pinaglaruan siya ni Xandre, na siya ring dahilan para malaglag ang dinadala niya dahil hindi niya alam na buntis siya !"

...dahilan para malaglag ang dinadala niya!

...ang dinadala niya!

Paulit-ulit na naririnig kong sumisigaw si Jared sa aking ala-ala. Bigla akong natakot at agad kong hinipo ang aking tiyan. Dahan-dahan akong humiga sa stretcher na hawak-hawak ang aking tiyan.

"May masakit ba sa'yo anak?" nag-aalalang tanong ni mom.

Umiling ako, "I'm okay, mom." Ipinikit ko na lamang ang aking mga mata.

"Hailey, anak. Wake up."

Naramdaman ko na lang ang mahinang pagtapik sa aking balikat
Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata. Hindi ko namalayan na nakatulog ako.

"Mom," inaantok pa na sabi ko kay mom.

Ngumiti siya, "kailangan mong kumain para makainom ng gamot," mahinahon niyang sabi habang inaabot ang gamot sa lamesa.

Kailangan kong maging malakas para sa sarili ko, para sa pamilya ko at para sa magiging anak ko.

Hindi umalis sa tabi ko si mom at dad. Pati si Anika ay halos sa ospital na matulog para siguraduhing maayos lang ako, hanggang maiuwi ako sa bahay ay hindi pa rin sila tumigil sa pag-aalala sa akin.

Salamat sa Diyos at pareho kaming maayos ng baby ko.

Tatlong arawa na ang lumipas mula nang makalabas ako sa ospital. Bumalik sa normal ang kalakasan ko.

My only option is to be strong.

Nalaman ko rin ang pagpunta ni Xandre sa araw mismo nang pagtakbo sa akin sa ospital. Hindi ko maiwasang maluha sa tuwing naa-alala ko ang ginawang panloloko sa akin ni Xandre, sariwa pa rin ang sakit na dulot nito sa akin. Pero sa kabila nang lahat nananabik parin akong makita siya, at mayakap. Sa kabila nang sakit, bakit pilit pa ring bumabalik sa ala-ala ko ang mga masasayang araw na kasama ko siya. Mga ala-alang dumudurog sa aking puso ngayon.

Unwanted First Kiss (Completed-Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon