"Sorry, marami ka na palang messages," sabi niya. Muli siyang tumingin sa phone. "How's the Silverios' thing went?" Naramdaman ko ang paglamig ng mukha't kamay ko sa tanong niya, hindi niya dapat malaman. Nagkunwari akong hindi ko narinig ang tanong niya. "Baby, kumusta ang pagpunta niyo sa Silverios'?" inulit niya.
Bago pa man ako makasagot ay nagsalita si Anika.
"Kasama namin si Bethel at Jared, sayang wala ka." Napabuntong hininga ako sa sinabi ni Anika para akong nabunutan ng tinik.
"Oh, I see. By the way, nanliligaw ba sa'yo si Jared, Anika?" Nagulat ako sa tanong ni Xandre kay Anika at the same time napapangiti ako, tumingin siya sa rear-mirror ng sasakyan para makita ang reaction ni Anika.
"Shut Up!" pasigaw na sabi ni Anika. Pinalo ko sa balikat si Xandre, and gave him a 'stop-it' look. I know Anika, kapag ginatungan mo pa ang pang-aasar sa kanya, siguradong buong araw siyang maiinis sa'yo.
"I'm just stating the possibility, but you're too good for him." seryosong sabi niya. Hinintay ko ang reaction ni Anika. Hindi na nagsalita pa si Anika.
Napapangiti ako habang naiimagine ko si Anika na kasama si Jared. But when I realized kung ano ang nasa utak ko.
No way! Xandre is right, she's too good for him.
Bumalik lahat sa ala-ala ko ang nangyari. Alam ba niyang si Jared ang kuya ng naging ex-girlfriend niya?
I rubbed my wrist habang nakatuon ang paningin ko sa kalsada. Naramdaman ko ang pagpisil ni Xandre sa hita ko.
"May problema ba?" Hinawakan niya ang kamay ko habang ang isang kamay niya ay nakahawak sa manibela.
"I'm okay." Ngumiti ako para lang maitago ang totoong iniisip ko.
Ang isang bagay na nakaka-pagpagaan ng kalooban ko ay kapag nakikita kong concern si Xandre sa nararamdaman ko, when he asks me if I'm okay everytime na tumatahimik ako, but this time, parang lalong bumigat ang pakiramdam ko sa pagtatanong niya.
Ayokong magsinungaling sa kanya, pero ito ang tama, ang hindi niya malaman kung ano ang nangyari.
Magkahawak ang kamay namin ni Xandre na pumasok sa bahay, hindi ko na naman maiwasang kabahan nang makita ko si Christian na kasama ng friend ni mom.
"Hi, nandito na pala kayo, take your seats." Binitawan ni Xandre ang kamay ko nang tumayo si mom. Nakipagbeso si mom sa akin at kay Anika.
"Sorry guys, we're late." paumanhin ko. Lumapit ako kay dad at humalik sa kanya.
Hindi tumingin si Dad kay Xandre, but thank God wala akong nararamdamang tensyon between them.
"By the way, this is Allaine, Xandre's sister." Pagpapakilala ko kay Allaine. Bineso siya ni mom. This is what I really admire kay mom, very accommodating and hospitable.
"Good evening po," nahihiyang bati ni Allaine. Napangiti ang mga taong nakaupo.
Kumaway ang mag-asawa. "Happy birthday, hija." Pagbati nila.
Napatingin ako kay Christian.
"Hi, happy birthday." Bati ni Christian na tumayo pa sa upuan, na-alarma ako, akala ko lalapitan niya ako.
"Thank you." sabi ko, buti naman at umupo na siya.
Hinawakan ko sa kamay si Xandre just to make him feel na wala siyang dapat ipag-alala.
Lumapit kami sa table, mahaba naman ang dining table namin, can accommodate 12 persons.
Inalalayan ni Anika si Allaine. Umupo ako sa tabi ni mom and Xandre sit beside me. May nakahanda ng plato sa bawat tapat ng upuan, sinimulan kong lagyan ang plato ni Xandre, napansin ko ang pag-tap niya ng kanyang lap na tila nati-tense. Pasekreto kong hinipo ang kamay niya.
BINABASA MO ANG
Unwanted First Kiss (Completed-Editing)
Teen FictionNang dahil lang sa hindi niya inaasahang unang halik ay magbabago ang takbo ng mundo ni Hailey. Kung napigilan lang niya ang pangyayaring ito tiyak na hindi magugulo ang tahimik niyang buhay bilang isang estudyante, bilang isang anak ng kilalang pam...